CHAPTER 8

19 4 0
                                    

Natutulala na lang si Lorraine nang makita ang tatlo sa sampung lalaki na nasa lapag na ngayon at halos hindi makatayo dahil sa ginawa ni Amanda.

Napaka-bilis ng kilos ni Amanda na nakipaglaban sa mga lalaki na kahit ang ilan sa mga ito ay nagtatangkang lapitan si Lorraine pero nabibigo dahil hindi hinahayaan ni Amanda ito.

Ilang minuto pa ay makikita nang nakahandusay ang lahat ng lalaki sa lapag at dahil dito ay mabilis na hinatak ni Amanda ang kamay ni Lorraine upang makaalis na sa parteng iyon ng park.

Halos hingal na napaupo sa driver seat si Amanda na napansin naman agad ni Lorraine kaya naman nag-aalalang napahawak siya muli sa balikat nito nang biglang iiwas ni Amanda ang sarili sa kaniya at bahagyang napahiya siya dahil dito.

"Kung ayaw mong nag-aalala sa'yo edi hindi!"

Pagtataray naman ni Lorraine sabay inis na baling ni Amanda sa kaniya.

"Bakit ba kasi sa dinami-dami ng lugar eh doon niyo pa naisip pumunta?"

"Wow! Eh sino ba ang nagbilin na bawal lumayo si Anthony? Saan mo kami gustong pumunta malamang sa malapit!"

Natigilan naman si Amanda na halos hindi makapaniwala sa sinabi ni Lorraine.

"So kasalanan ko na gusto kong protektahan ang katawan ko? Teka lang ah, let me remind you, this body is mine! So sa ayaw at gusto niyo, ako ang masusunod sa katawan ko!"

Nanggagalaiting sabi ni Amanda at nagkatitigan lang ang dalawa na parehas na nag-aapoy sa galit.

"Kahit siguro anong gawin kong tignan ka, kahit anong magagandang isipin ko, mauuwi pa rin ako sa tunay na tingin ko sa'yo, yang kasamaan ng ugali mo nananalaytay diyan sa dugo mo!"

Sambit ni Lorraine sabay lumabas ng sasakyan na sinundan naman ni Amanda.

"What? Just because I want to protect my body means ako na ang masama? I woke up in the middle of those fucking men just in case hindi mo tanda! Sa bagay baka nga ugali mo ang lumimot sa mga bagay-bagay, wala kasi sa pagkatao mo ang utang na loob"

Sa sinabi ni Amanda ay lalong nag-init ang dugo ni Lorraine at walang ano-anong umangat ang kamay sabay sampal sa mukha ni Amanda na nakapagpatigil naman sa kaniya.

"Huwag mo akong kakausapin tungkol sa utang na loob, wala kang alam kung anong mga bagay ang dapat pinagbabayaran sa akin ngayon ng iilang tao na walang puso at masama! Hindi mo alam kung anong utang ang dapat sinisingil ko na ngayon!"

Gigil na gigil na sambit ni Lorraine sabay patak ng kaniyang luha at minabuting maglakad na lang paalis, halos nangangalahati na siya ng lakad niya at hindi na muling nilingon si Amanda nang biglang umulan.

Nataranta naman si Amanda sabay bukas sana ng pinto ng sasakyan nang maalala si Lorraine na naglalakad lang ngayon. Napairap naman siya at akmang pipihit upang buksan ang pinto nang mapapikit siya sa inis at nagmaktol ng bahagya sabay lakad palayo sa pinto papunta sa likod ng kotse sabay mayroong dinampot.

Naglakad siya palayo sa kotse niya, halos lakad hakbang ang ginagawa niya upang maabutan si Lorraine hanggang sa mapahinto siya sabay bumalik ng bahagya at makitang nakaupo na parang basing sisiw si Lorraine sa gilid ng waiting shed habang tuloy-tuloy itong umiiyak.

Tumayo naman sa harap niya si Amanda sabay bukas ng payong sa kaniya. Nahinto naman sa pag-iyak ang luhaang mata ni Lorraine at napatitig lang kay Amanda na ngayon ay basa na rin ang damit at ang buhok nito habang nakayuko sa kaniya.

"Tama na 'yan...baka magkasakit ka pa, mag-aalala sa'yo si Anthony, it will be a great burden for him once magkasakit ka at wala siyang magawa para sa'yo"

A Hundred sixty days to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon