CHAPTER 11

24 5 0
                                    

Dahil hindi alam ni Amanda ang dapat gawin ay wala na siyang magawa kung hindi hayaan na muna si Lorraine na nakayakap sa kaniya, isang malalim na buntong hininga lang ang tangi niyang nagawa at napatitig na lang sa kisame habang pinapakiramdaman si Lorraine.

Halos trenta minutos na ang lumipas at napatingin siya sa oras at mag-aalasiyete na ng umaga at kailangan niya nang pumunta sa kaniyang opisina.

Isang matinding lunok ng laway upang kumuha ng lakas ng loob na gisingin si Lorraine kaya naman sinusundot-sundot niya ng bahagya ang babaeng katabi sa pisngi nito na unti-unti na itong gumalaw at nagpupungas-pungas hanggang sa mapatingin ito sa kaniya.

Halos sampung sigundo pa ito napatitig sa kaniya na tila nag-iisip nang manlaki ang mata at napatakip ng bibig.

"A-Amanda?"

Nanlalaking matang sambit ni Lorraine.

"I-I guess you need to get up"

Sagot naman ni Amanda na halos naiilang na kaya naman agad na bumitaw na sa pagkakayakap si Lorraine sa kaniya sabay biglang tayo.

"S-Sorry, ano kasi—"

"—sorry..."

Naputol ang sinasabi ni Lorraine nang marinig na si Amanda ang nag-sorry sa kaniya imbes na siya.

"Ha?"

"About last night...I guess I am just too tired, I just remember someone with that cake..."

Paliwanag ni Amanda na iwas naman ng tingin kay Lorraine.

"Ahh...sorry rin, hindi ko kasi alam, just give me list ng food na iluluto ko para sa'yo next time"

"I will later, anyway, I need to go"

Sambit ni Amanda sabay lakad palabas at nagtuloy na sa kaniyang kwarto upang mag-asikaso paalis.

Napaupo naman si Lorraine sa kama at naalala ang boyfriend na si Anthony kaya naman kinausap niya ito agad.

"Love? Nariyan k aba?"

Maya-maya pa ay umilaw na ang kaniyang cellphone.

"Love, sorry hindi kita ginising kasi nakita ko na lang ang sarili ko na nasa labas na ako ng katawan ni Ms. Amanda"

"Ahh... kaya pala, naku wala naman pala kwenta ang mag-alarm love"

"Ahaha kaya nga eh, napahaba pa rin ang tulog ko"

"Oo parang noong buhay ka pa...tulog mantika ka eh"

Sambit ni Lorraine nang biglang napahinto sa pagngiti nang maalala na kailangan niya magluto ng almusal.

"Hala! Naku! Kailangan ko love magluto ng almusal!"

Nagmamadaling nagtali ng buhok si Lorraine sabay labas ng kwarto at nagtungo sa kusina at abalang nagluto ng mabilisan at nang matapos ay inihanda niya naman ito agad sa lamesa at naghintay na lang kay Amanda na bumaba.

Wearing a black slacks with a halter top na napapatungan ng blazer, halos matigilan si Lorraine nang makita ang ayos ni Amanda nang bumaba ito, ilang sandali pa siyang napatitig dahil sa pagka-mangha sa hitsura nito nang magsalita ito bigla.

"Don't stare you look stupid"

Sambit ni Amanda sabay irap at nagsuot ng shades na papalabas na ng pinto nang humabol si Lorraine sa kaniya.

"Sandali lang! Aalis ka na?"

"Obvious ba?"

Mataray na sagot ni Amanda.

A Hundred sixty days to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon