Namumugtong na idinilat ni Lorraine ang kaniyang mata, nasa tabi niya naman si Amanda na nakahawak sa kamay niya at tulog, nang pagmasdan niya ito, nalilito na siya kung sino nga ba ang gigising, si Amanda ba o Anthony.
Nang hahawakan niya sana ito ay bigla naman ito gumalaw sabay nagbangga ang mga mata nila, kinakabahan siya kung sino ang magsasalita at nalilito rin siya kung sino ba ang gusto niyang marinig pero nang magsalita ito...
"Love"
Nang marinig ni Lorraine ay walang ano-anong niyakap niya si Anthony at lalong humagulgol ng iyak.
"Sssshh tahan na, I am sorry, sa tingin masiyado lang ako nag-isip ng sobra..."
Paliwanag ni Anthony habang inaamo ang girlfriend. Ilang minuto pa silang nasa ganoong posisyon nang tanungin ni Anthony kung gutom na siya kaya naman para rin siyang batang tumango.
"Nagluto ako para sa'yo tara na"
Pagyaya ni Anthony kay Lorraine kaya naman masayang bumangon ito at sabay na silang bumaba sa dining area para kumain.
Habang kumakain ay bigla naman nagsalita si Anthony.
"Sabi nga pala ni Ms. Amanda, mayroon daw kayong pupuntahan ulit bukas"
"Bukas? Eh bakit naman palagi na lang umaalis, tsk, paano naman na ako makakapag-review niyan!"
"Don't worry pag-uwi niyo sa gabi, mag-review tayo ng kaunti"
Hindi naman na nagsalita si Lorraine at ngumiti na lang kay Anthony kahit pakiramdam niya tila mayroon mali sa mga kilos nito pero hinayaan niya na lang, matapos ang pagkain nila ay niyaya naman ni Anthony na bahagyang mag-review sila ngayon habang nagpapaantok.
Habang nagbabasa si Lorraine ay nagsalitang muli si Anthony.
"You know, kahit hindi kayo masiyadong nagkakasundo ni Ms. Amanda, mas okay kung magiging magkaibigan kayo"
Biglang sambit ni Anthony kaya naman nahinto sa pagbabasa si Lorraine.
"You want me and Amanda to be friends? Like I told you love, hindi pwede mangyari 'yon, we talk good sometimes and we practically hangout pero para iyon sa plano, but aside from that, malabo kami maging magkaibigan"
Seryosong sambit ni Lorraine kaya naman hindi na nagsalita pa si Anthony pero sinundan naman ng salitang muli ni Lorraine.
"If you are trying to pair me with her, una I don't understand, kasi she is straight and I am too, pangalawa malabo dahil hindi kami magkakasundo, and pangatlo...she told me not to get close to her and so she won't allow me to fall for her"
Seryosong sambit ni Lorraine na nakapagpatigil naman kay Anthony sabay ngumiti.
"H-Hindi ah, gusto ko lang talaga na magkasundo kayo, maganda rin love na mayroon kang kaibigan"
"Love, hindi ko kailangan ng kaibigan lalo ang taong related sa pagkamatay ng magulang ko, lahat ng ito ginagawa ko nga lang para sa'yo"
Sambit muli ni Lorraine sa puntong iyon ay hindi na nagsalita pa si Anthony at tinuloy na lang nila ang pagre-review.
Parehas nang nakatulog ang dalawa habang yakap ni Lorraine si Anthony na ngayon ay nag-iisip pa rin.
"If not si Amanda, sino ba ang pwede...hay"
Simpleng bulong ni Anthony sabay pumikit ng mata.
Dumilat si Lorraine na halos malapit ang mukha kay Amanda na alam niyang si Anthony ang nasa loob nito, hahalikan niya sana ito habang tulog pa nang biglang dumilat na halos magkalapit na ang mga ilong nila nang magsalita ito.
BINABASA MO ANG
A Hundred sixty days to your heart
RandomA HUNDRED SIXTY DAYS TO YOUR HEART (BLURB) Ano kaya ang mangyayari kung ang kaluluwa ng yumaong boyfriend ni Lorraine na si Anthony ay kusang sumasanib sa katawan ng babaeng kaniyang kinamumuhian dahil anak ng lalaking sanhi ng aksidente ng kaniyang...