Makikita ang pagkabalisa ni Lorraine sa sinabi ni Amanda, halos maglakad na siya pabalik-balik sa sala nang makabungguan niya ang kaniyang lola.
"Ano ka ba namang bata ka! Ayos ka lang ba?"
Napatingin naman na halos maiiyak na si Lorraine sa lola niya sabay yumakap ng mahigpit.
"Ano ba iyon?"
Tanong muli ng lola niya.
"Wala lang la...eh kasi, ang hirap pala na umasa ka sa isang bagay na akala mo kahit papaano eh magtatagal iyon pala hindi..."
Natahimik naman ang lola niya at naisip ang tungkol kay Anthony kaya naman mahigpit na niyakap niya ang apo.
"Apo, alam kong masakit ang pagkawala ni Anthony pero...lagi mo tatandaan na hindi naman katapusan ang kamatayan, iyang puso mo, pwede pa magmahal iyan"
Natigilan naman sa pagmamaktol si Lorraine ng ma-realized na iba ang pagkakaintindi ng lola niya though alam niyang it is about Anthony pa rin.
"Eh paano kung hindi na ako magmahal ng iba...masiyadong masakit itong pagkawala ni Anthony la"
"Apo, sinasabi mo lang iyan ngayon, pero hindi mo hawak ang tadhana, mahirap magsalita ng tapos, noong kabataan ko pa, sabi ko sige gagawin ko na lang ang gusto ng mga magulang ko, na pakasalan ang lolo mo kahit hindi ko naman mahal pero siya kasi ang nakikita nilang magbibigay ng magandang buhay sa akin, hindi ko naman inaasahan na mamahalin ko pala siya ng higit pa sa buhay ko"
Paliwanag ng lola na nakapagpawala ng luha ni Lorraine sabay nilingon ang kaniyang lola mula sa pagkahiga niya sa lap nito.
"Ang ganda pala ng love story niyo la"
"Naku apo! Matagal ko na iyang nakuwento sa iyo ah! Noong high school ka pa hindi ba?"
Napakamot naman ng ulo si Lorraine dahil hindi na niya tanda ang mga bagay-bagay noong high school.
"Baka po kasi sa tagal ng panahon kaya nakaligtaan ko na"
"Naku ikaw talaga! Bweno, tulad ng sabi ko, mas piliin mo maging masaya kasi alam ko na iyon din ang gusto ni Anthony para sa iyo apo"
Sa sinabi ng lola ay napaluha nanaman si Lorraine, tila bigla niya naramdaman ang sakit sa katotohanan na wala na si Anthony kaya napatakip siya ng mukha saka humagulgol ng sobra habang yakap ng kaniyang lola.
Pilit naman kinakalma ni Amanda ang sarili dahil sa engkwentro nila ni Lorraine kanina, alam niyang hindi maari na mayroong makaalam ng sitwasyon niya ngayon dahil siguradong sasamantalahin ito ng kaniyang kapatid sa labas at ang nanay nito.
Naalala niya rin ang pagkain na kinain niya na halos gusto niyang batukan ang sarili dahil hindi niya napigilan ang sariling kainin ang pagkain na iyon.
"Bakit ba kasi hindi ko man lang naisip na alamin muna kung kanino ang pagkain na iyon! Grrrr!"
Nanggigigil na bulyaw ni Amanda sa sarili habang papa-upo sa kaniyang swivel chair nang pumasok ang kaniyang sekretarya.
"Ma'am, about po roon sa monk temple, anong oras daw po kayo dadalaw?"
"Make it 4pm, paki-ayos na rin ang schedule ko and if my appointment ako for this day i-reschedule mo na lang"
"Yes Ma'am"
Sagot ng sekretarya at umalis, napasandal at napangiti naman si Amanda dahil sa wakas ay matatapos na rin ang gusot na kinasangkutan niya.
Lumipas ang ilang oras ay naghanda naman na agad si Amanda at excited na sa pupuntahan nila ni Lorraine na monk temple. Maya-maya pa ay umalis na siya ng building papunta na kay Lorraine.
BINABASA MO ANG
A Hundred sixty days to your heart
RandomA HUNDRED SIXTY DAYS TO YOUR HEART (BLURB) Ano kaya ang mangyayari kung ang kaluluwa ng yumaong boyfriend ni Lorraine na si Anthony ay kusang sumasanib sa katawan ng babaeng kaniyang kinamumuhian dahil anak ng lalaking sanhi ng aksidente ng kaniyang...