Wala nang nagawa si Lorraine kung hindi kainin na lang ang mga hinanda niyang almusal, halos umabot ang nguso niya sa lupa dahil sa pagbusangot na ginagawa niya pero dahil no choice naman siya ay naghanap na lang muna siya ng gagawin.
"Love, hindi ba may exam ka na dapat mong paghandaan?"
Nang mabasa ang sinabi ni Anthony ay nanlaki ang mata ni Lorraine nang maalala ito.
"Shit! Oo nga pala! Hala! Nakalimutan ko na! Paano kaya ito!"
"Relax love, pwede ka naman mag-review pa eh, I will help you don't worry"
"Pero love I only have two weeks para rito"
"Love, kaya 'yan, ikaw pa ba...and of course I will help you kahit hanggang cellphone mo lang ako nakakausap"
"Hmmm sabagay hindi hamak na mas matalino ka sa akin, sige na nga, sana nga makapasa ako"
"Kaya 'yan love, sure 'yan"
Pagpapalakas ng loob ni Anthony sa girlfriend.
Agad na sinimulan nila ang mga dapat gawin, nilabas ni Lorraine ang mga libro niya at mga Xerox copy ng mga topic nila noon.
Seryoso siyang nag-aaral nang biglang mag-ring ang kaniyang cellphone at si Amanda ito.
Dahil sa ka-bad tripan niya rito ay hindi niya sinagot ang tawag kaya naman tumawag muli si Amanda at dahil wala nang choice si Lorraine dahil sa lakas ng ring nito ay sinagot niya na lang, ayaw niya rin na masaway nanaman ni Anthony.
"Ano ba 'yun?"
Pataray na tanong ni Lorraine.
"What? Are you shouting on me?"
Sa tanong ni Amanda ay napapamake-face si Lorraine sabay tawa ni Anthony. Alam niya ang kamalditahan ng girlfriend na sobrang natatawa siya lalo pagnagma-makeface na ito na hilig niyang gawin.
"Oh and so, kung sumisigaw ako? Ano ba kasi ang kailangan mo? Busy ako!"
Napapairap naman si Amanda sa kabilang linya hearing Lorraine's words na talaga namang nakakapagpainit ng ulo niya.
"Fine!!! I need you to come here! I have an emergency going on at kailangan kita makausap ng personal!"
Natigilan naman si Lorraine as confuse draws all over her face.
"Ha? Pupunta sa office mo? Bakit?"
"I cannot discuss through the phone! I need you to come here, papasundo kita sa driver ko!"
"Eh teka may ginagawa pa ako—"
Naputol na ang sinasabi ni Lorraine nang biglang ibaba ni Amanda ang tawag kaya naman napapamaktol siya na ewan, natutulala naman si Anthony sa kaniya sabay buntong hininga.
"Love...sige na mag-prepare ka na, mukhang importante ang sasabihin niya"
Nang mabasa ang sinabi ni Anthony ay napairap naman si Lorraine na tila wala na siyang magagawa ngunit nagsalita muna bago tumayo mula sa pagkaka-upo.
"Hmmmp! Ikaw love ha, parang lagi mo na lang kinakampihan ang bruhang iyon!"
Natulala naman sa narinig si Anthony at lalong napakamot ng ulo.
"Love naman eh hindi sa ganun, ayoko lang na nag-aaway kayo, wala tayong ibang way to hug and be with each other kung hindi si Ms. Amanda lang"
Natahimik naman si Lorraine sa nabasa niya at kumalma na ang mukha dahil sa awa kay Anthony, alam niyang ginagawa rin lahat ni Anthony ang pagpapakumbaba kay Amanda para rin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
A Hundred sixty days to your heart
DiversosA HUNDRED SIXTY DAYS TO YOUR HEART (BLURB) Ano kaya ang mangyayari kung ang kaluluwa ng yumaong boyfriend ni Lorraine na si Anthony ay kusang sumasanib sa katawan ng babaeng kaniyang kinamumuhian dahil anak ng lalaking sanhi ng aksidente ng kaniyang...