Habang nakayuko at malungkot na naglalakad upang gawin ang kaniyang pinaplano, hindi maintindihan ni Lorraine na tila mayroon kung ano siyang naririnig na boses sa hindi kalayuan, isang pamilyar na boses na biglang nagpapahinto sa kaniya sa pinaplanong pagpapakamatay.
Kahit naguguluhan ay isang malalim na buntong hininga lang ang kaniyang ginawa at pinagpatuloy pa rin ang pagtawid upang pagsagasa sa humaharurot na paparating na truck.
Matinding pagpikit at isang patak ng luha ang tanging nagawa ni Lorraine nang tuluyang tatawid ngunit laking gulat niya nang may mga kamay na humawak sa kaniya at mabilis siyang naialis sa kalsada.
Nang makita niya kung sino ay isang mukha ng babaeng alam niya kung sino, mayroon itong sinasabi ngunit hindi niya na masiyadong maintindihan dahil tila parang nagbu-blurry ang paningin niya at nababanaag niya ang mukha ni Anthony sa babae at tila boses na ng yumaong boyfriend ang naririnig niya.
"A-Anthony"
Mahinang sambit niya nang huminto sa pagsasalita ang babae sabay tumitig sa kaniya at sumilay ang ngiti sa labi nito ngunit doon lang napagtanto ni Lorraine kung sino nga ba ang nasa harapan niyang babae.
Si Amanda Alarcon na anak ng lalaking dahilan ng kamatayan ng kaniyang magulang kaya naman mabilis niyang naitulak ang babae palayo sa kaniya.
"Bitawan mo ako!!! Hindi ko kailangan ang tulong mo!!!"
Galit na sambit ni Lorraine na halos manlisik pa ang mata sa nagugulat at natatahimik na babae sa harapan.
Magsasalita pa sana si Lorraine nang biglang napaatras ang babae na tila napapahawak sa ulo niya at napapapikit kaya naman nilayuan na lang ito ni Lorraine at naglakad papalayo.
Habang naglalakad ay naluluha siya at tila napapaisip kung bakit parang nakita niya at narinig si Anthony sa babaeng kaharap na kinamumuhian niya.
Maya-maya pa ay biglang napahinto si Lorraine nang biglang maalala at maging malinaw sa kaniya ang lahat ng sinasabi ng babae kanina.
"Tinawag niya akong Love...hindi maari...pero, hindi ako pwede magkamali, iyong kilos niya, the way niya ako hawakan, alam kong si Anthony lang ang ganoon sa akin...hindi kaya..."
Sambit ni Lorraine sa kaniyang sarili nang ma-realize ang lahat sabay nilingon muli ang babae na naguguluhan pa rin sa kaniyang sarili at napapahawak sa kaniyang ulo.
Dahil gusto niyang makasigurado at malaman kung tama nga ba ang hinala niya ay naisip niyang ulitin ang kaniyang plano at makita kung sasagipin siyang muli nito.
Habang nakatitig at napapangiti si Anthony sa loob ng katawan ng babaeng si Amanda at kaharap ang kasintahang si Lorraine ay bigla siyang nahilo at nanakit ang ulo na kahit gusto niyang sundan ang girlfriend ay hindi na niya magawa lalo pa at nang bigla na lang siyang iluwa ng kusa mula sa katawan ng babae.
BINABASA MO ANG
A Hundred sixty days to your heart
RandomA HUNDRED SIXTY DAYS TO YOUR HEART (BLURB) Ano kaya ang mangyayari kung ang kaluluwa ng yumaong boyfriend ni Lorraine na si Anthony ay kusang sumasanib sa katawan ng babaeng kaniyang kinamumuhian dahil anak ng lalaking sanhi ng aksidente ng kaniyang...