Chapter I

750 12 0
                                    


Ang eksena na ito ay hindi nakakalokong eksenang. Mga lalake na malalakas mang asar sa university, na kung makapang asar o bully sa kapwa nilang estudyante eh akala mo may - ari ng eskuwelahan, mayabang, mga feeling gwapo pero gwapo naman talaga mahangin nga lang. Pero kahit ganyan may mabubuga naman sila madalas kasi silang mag stand out sa klase hindi nga lang madalas, lagi pa. Lalo na si Dylan Race Park? Ang lalaking nangunguna palagi sa pang aasar. Pero wag kayo si Dylan yung tipong lahat ng gusto ng babae eh nasa sa kanya na daw. Bakit?


Una, gwapo, matangkad, maputi daig pa ata kutis ng babae, matalino, madiskarte. At higit sa lahat eh mayaman. Isa din siyang half Korean pero nakakalungkot isipin eh hindi siya marunong mag Korean.


"Dylan, pre ayan na si Felipe!"


Agad naman lumingon si Dylan kay Baste na may kalokohang tingin. At si Timmy na inaantay makadaan si Felipe.


Si Baste also known as Sebastian Garcia isa ding katulad ni Dylan, pero si Baste mas maangas, matipuno. Malambing sa babae. AT HIGIT SA LAHAT MAMA'S BOY ang mokong.


Si Timmy naman, also known Timothy Santiago isa ding katulad nila Dylan at Baste, pero si Timmy yung tipong lalaki na alam lahat pati personal background mo. Mayaman din ang pamilyang Santiago, may pag aari silang isang malaking clothing line sa Pilipinas na ate at mama niya ang nag hahandle nito, samantalang ang father naman nito ay isang vice president sa company nila Dylan.


Habang naglalakad si Felipe sa gawi nila Dylan kinabahan na agad ito dahil alam na naman niya ang mangyayari sa kanya. Si Felipe, o bilang Roberto Jose Felipe eh isang HRM student but a nerdy and a bookworm typical guy. Kung aayusan lang 'tong si Felipe gwapo naman siya, tamang matangkad para sa lalaki yun nga lang medyo chubby kaya siguro pag nagka girlfriend 'to eh paniguradong pang gigilan.


"oy! Oy! Felipe! Pakurot naman sa malaki mong braso oh~" pababae na boses ni Timmy. Si Timmy isa sa grupo ni Dylan na mayaman din iilang boutiques ang pag mamay-ari ng mga magulang nito. Umiwas si Felipe at dereretso lang ang lakad ngunit nahila ni Dylan ang bag nito.


"Saan ka pupunta Felipe? Di pa nga kami tapos sayo eh! Hahahaha!" Nanginginig sa takot si Felipe dahil alam na niya gagawin ni Dylan sa kanya.


"Weeeeedggg--"


"HOOOOY!"


Naudlot ang pag sigaw ng tatlo ng dumating ang kaibigan ni Felipe na naka chef uniform pa at may hawak na tong. Napatingin lang si Dylan dito, nag tigil ang mundo niya dahil ni minsan wala ni isa ang pumigil sa kanila pag nang-aasar sila sa university kundi si Nathalie lang.


"HOY MGA GUNGGONG KAYO! PORKET WALANG LABAN SA INYO SI ROBERTO EH GINAGANYAN NIYO NA!! MGA WALA TALAGA KAYO MODO!!!"


Sumugod si Nathalie sa tatlo at isang malakas na 'aray' ang narinig ng lahat at sa kasamang palad nahampas niya ng tong si Dylan sa ulo. Masakit mahampas ng tong pero mas masakit pag naipit na nito.


"sh*t! F*ck!! Ang sakit! Pucha!!" sigaw ni Dylan dahil sa sakit na natamo niya. Agad naman siya nilapitan ng dalawa at pinagtawanan.


Nang makalapit si Nathalie kay Felipe agad naman nito tinanong ang binata.


"yung pinabibili ko ba sayo na chocolate bar nabili mo ba? Ha?" Pero tingin lang naisagot ni Felipe kay Nathalie, saka lang na-realize ni Nathalie ang lahat.


"AY! Sorry..." pa-ngiting sinabi ni Nathalie... "okay ka lang ba? Pero kasi importante talaga yung chocolates kasi baka bumagsak tayo kay ma'am. Alam mo na? Diba? Tara na balik na tayo sa kitchen. May peste dito baka madamay tayo tska makakuha tayo ng germs dito macontaminate yung gagawin natin cake."


Umalis na agad yung dalawa. At yung tatlo naka tingin lang. Lalo na si Dylan.


Fall Apart - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon