Chapter X

346 10 0
                                    

For the whole day si Nathalie at Dylan lang ang magkasama kahit break time nag aantayan silang dalawa, ngayon inaantay ni Nathalie si Dylan sa labas ng comfort room pero sa di inaasahan naging tanga si Dylan.


"AH! SH*T!!" napalingon naman si Nathalie at kinatok si Dylan.


"hoy okay ka lang dyan?"


"NO! MY PHONE!!! OH SH*T!! Can you come in?"


"WHAT!? Gago ka ba? Cr ng mga lalaki pa din yan. Ano ba nangyari sa phone mo?"


"nahulog sa toilet bowl!! OH SH*T!! Nathalie what I'm gonna do?" parang naiiyak na si Dylan sa di niya alam nagagawin sa phone niya.



"Uhm. Kunin mo? Use your hand." Natatawang sagot ni Nathalie.


"what?! Seriously Nathalie?! Nakakadiri yon! May plastic ka ba dyan?!" halos mabadtrip na si Dylan dahil hindi niya alam paano kukunin ang phone niya.


"Yes wala ka naman choice eh kundi kamay mo mismo ang kukuha. Teka hahanapin ko muna yung classmates ko. Joke! WALA!!! Kaya kunin mo na yan at nagugutom na ko." Halos magpigil ng tawa si Nathalie dahil sa mga sigaw ni Dylan sa loob ng comfort room.



Nang makalabas si Dylan hindi mapinta nag pagmumukha nito at halos mandiri ito sa cellphone niya.



"Hahaha! Ingat ingat din kasi minsan. Siguro nanood ka ng porn noh?!" Nagulat naman si Dylan sa biglang tanong ni Nathalie.


"hoy hindi ha! Nadulas lang sa kamay ko."


"Oh bakit madulas kamay mo? Sige nga explain mo nga?" may nakakalokong ngiti si Nathalie samantalang si Dylan napipikon na tumingin kay Nathalie.



"Hahahaha! Joke lang 'to naman. Halika na totoy germs I'm hungry!"



"What? Totoy germs?!"



"yeah! Totoy germs. Ikaw mukhang totoy tapos may germs ka galing sa toilet bowl. Hahahahahaha!"


"ang kapal mo naman! Nag hugas at nagsabon naman ako ng kamay nag hand sanitizer pa!"



"Kahit na. May germs ka pa din. Totoy germs." May lambing sa boses ni Nathalie ang huling sinabi niya kaya napatingin lang si Dylan dito.


"Tara na nga! Nagugutom na din ako."


"Yes!" Parang batang masaya si Nathalie na hinila si Dylan.


Nang makarating sila sa ice cream parlor parehas sila na inorder na ice cream, strawberry and cookies n' crème. Halos di maubusan ang kwento ang dalawa kahit sa susunod na lipat nila sa pizza parlor puro tawa ni Nathalie ang naririnig ni Dylan lalo na pag natyempuhan ni Dylan ang tawa ni Nathalie na parang di babae dahil sa corny nitong joke at kweto.

Fall Apart - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon