Natapos ang competition nasa labas ng university sila Nathalie para mag sunog baga. Inaantay na lang nila ang awarding.
"ano ang eksena ni Dylan kanina?" Tanong ni Baste.
"Peste yang kaibigan niyo. Peste siy-" natigilan si Nathalie dahil tinakpan ni Dianne ang bibig nito dahil si Dylan nasa likod lang niya.
"peste ako? Ang gwapo ko naming peste Nathalie. Hahaha!" Pagloloko ni Dylan.
"gago tigas ng mukha mo!" sagot naman ni Nathalie.
"syempre gwapo ako. Aminin mo naisip mo din sa utak mo na you're my hero, thank you for saving me dahil nawalan ka ng ingredient. Blah blah." Ngumiting nakakaloko ang binata dahilan para lalo mainis si Nathalie.
Nagtawanan ang mga kaibigan nila pareho dahil sa inasta ni Dylan.
"sinabi ko bang isave mo ko or what? Ni hindi nga kita ganon kakilala tapos bigla sumulpot sa gitna at lumapit kanina!"
"Seriously? You don't know me? Talaga Nathalie Chelle?" Naging seryoso ang boses nito dahilan na medyo kabahan si Nathalie at warning para kila Baste na pinigilan si Dylan sa kalokohan na gagawin nito.
Unting unti lumapit si Dylan kay Nathalie habang si Nathalie naka kunot noo na tinititigan ang papalapit na mukha ni Dylan, lalapit na sana sila Baste para pigilan si Dylan kaso nagulat sila sa ginawa ni Nathalie. Sinuntok nito si Dylan.
"ANO AKALA MO SA'KIN?! Bibigay sayo?! HOY! NAALALA NA KITA! IKAW YUNG NANG BULLY KAY FELIPE NA HINAMPAS KO NG TONG SA ULO!! WAG KANG FEELING! HINDI AKO KATULAD NG MGA BABAE MO DYAN NA KUNG BUMIGAY KULANG NA LANG MAG HUBAD SA HARAPAN MO! HINDI KA GWAPO!!!! ANG YABANG MO!!"
Nagulat naman si Dylan sa mga sinabi ni Nathalie hindi niya inaasahan na ganun pala ang dalaga akala nito typical na babae na katulad ng mga makausap lang niya eh akala mo hitad kung makadikit.
Halos mamatay naman sa kakatawa sila Timmy at Baste, dahil sinabihan naman nila kung anong klaseng babae si Nathalie. Nilapitan nila si Dylan habang natawa pa din.
"sinabihan ka na namin brad diba? Hahahahaha" pag alalay ni Timmy kay Dylan.
"kasi naman pre ibahin mo yang si Nathalie tamo nangyari sayo." Halos pigil ang tawa ni Baste pero nabigo siya sa pag pigil ng tawa. Lalong nagtawanan ang lahat maski sila Dianne, si Nathalie? Ayon nasa isang tabi at nagsusunog baga.
"hindi kasi basta basta magaganyan si Nathalie Dylan. Nats tara na start na daw awarding." Pag kakasabi ni Dianne agad naman sumunod si Nathalie.
Awarding na, halos lahat excited kung sino magiging champion at kung sino ang magiging pambato ng university nila para sa darating na chef competition. Maliban na lang kay Dylan na nakikipaglandian lang sa katabi.
"ganyan ba talaga yang kaibigan niyo?" Pag tatanong ni Nathalie kay Baste.
BINABASA MO ANG
Fall Apart - COMPLETE
General FictionThey believe in forever. But is forever enough to prove their love will last long?