Akala ng lahat okay pa sila, pero ang totoo? Hindi na. Hindi na naayos ang relasyon nilang nasimulan ng masasayang umpisa. Naging cold halos ang pakikitungo ni Dylan kay Nathalie parang na baliktad ang lahat. May nag bago sa realsyon ng dalawa, matapos ang second anniversary nila hindi na sila naging maayos pa. Yung minsan nilang pag aaway nagiging madalas na, nawawalan na din ng time si Dylan kay Nathalie hindi katulad dati kahit pagod silang parehas nagagawan nila ng paraan mag usap kahit papaano after sa mga ginagawa nila.
Naging busy na lang si Nathalie sa school, dahil graduating na din ito, at ganun din si Dylan. Si Nathalie puro events at practical exam ang inaatupag. Si Dylan naman puro research halos at gumagawa ng kung ano anong related sa course niya.
"ano na naman ba 'to baby!?" Naiinis na si Dylan dahil eto na naman sila, nag tatalo.
"anong ano na naman?! Ilang araw ka walang paramdam. Tapos gaganituhin mo ko? May babae ka ba?" Inis na tanong ni Nathalie. Pero matagal bago sumagot si Dylan at nagpakawala na lang na malalim na pag hinga.
"pucha naman babe! Itutulog ko na lang kung mambabae pa ko."
"Ah itutulog na lang? Okay. Ni hindi mo na nga ako tinext kagabi." Pinipilkit kumalma ni Nathalie, kinukumbinsi na wala nga babae si Dylan.
"I'm sorry baby. Naka tulog na ko pag uwi, sobrang pagod ako sa dami namin ginagawa."
Wala na lang nagawa si Nathalie, hinayaan na lang niya si Dylan, kesa mag talo sila mas pinili na lang muna nila mag usap ng maayos.
Ganyan lagi ang nangyayari sa kanila, ganyan lagi ang pinagaawayan nilang dalawa. Pero sa hindi inaasahan dumating yung araw na kinatatakutan ni Nathalie, ang dumating sa puntong makakaramdam na siya ng pagod sa kakaintindi kay Dylan. Akala niya hindi siya mapapagod don, sa totoo lang hindi naman siya napagod mahalin ng mahalin si Dylan lalo lang niya ito minamahal araw araw, na gusto niya sa kanya at sa kanya lang si Dylan. Ngunit hindi inaasahan Nathalie darating din pala siya sa punto na susuko at susuko pala talaga.
"Pagod na ko. Hindi ko na alam ano pa gagawin ko sa relasyon namin ni Dylan. Lagi na kami nag aaway. Hindi ko na din gusto yung nararamdaman kong insecurities sa kanya, na bakit siya ang galing niya, bakit ganito, ganyan siya. Napapagod na din ako mag isip sa tuwing hindi ko siya nakakasama o nakakausap kasi mamaya ibang babae na kausap niya yung mas higit na sa'kin. Kaso alam yon, ang sakit kasi. Sobrang sakit na kahit ilang beses niya ko niloko hindi ko pa din siya sinukuan, hindi ko siya binibigay kasi akin siya eh. Pero ngayon nakaramdam na ko ng pagod at pag suko sa kanya. Di ko deserve kung pano na niya ko itrato ngayon."
Halos bawat salita ni Nathalie sabay kumakawala ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan wala magawa ang kasama niya kundi manahimik na muna at pakinggan lang siya dahil alam nila kung gaano sobrang nasasaktan si Nathalie sa nangyayari sa kanila ni Dylan.
"Oh edi tama na kung ganyan na din naman pala nararamdaman mo. Kung may ibang babae man siya? That's not your fault! Dahil kung talagang mahal ka ni Dylan walang excuses! Walang busy busy, walang kung ano ano pa. Dahil kung mahal ka nga ni Dylan he will love you without excuses, dahil ang pagmamahal Nathalie walang kinabubusyhan. Once you are committed to someone? Dapat handa ka sa lahat. Handa mo ibigay lahat. Handa ka maging masaya at masaktan. Pero sa sitwasyon mo? Tigilan mo na." Biglang sabi ni Dianne kay Nathalie at niyakap nito. Inalo alo ng niya ang matalik na kaibigan sinusbukan pakalmahin.

BINABASA MO ANG
Fall Apart - COMPLETE
Художественная прозаThey believe in forever. But is forever enough to prove their love will last long?