Magkakasama ang mag babarkada, maliban kay Nathalie hindi din alam ng girls kung nasan ito dahil hindi ito pumasok for the whole day.
"Baste ikaw lang huling kasama ni Nats. Asan siya?" tanong ni Alison.
"inuwi ko siya ng buong buo sa bahay nila." Malamig ang tono ng boses ni Baste, parang hindi nag sync in sa kanya ang mga nangyari kagabi.
"basted ka kay Nathalie noh?" biglang tanong ni Alison.
Halos lahat naman ng kaibigan nila napatingin sa kanila lalo na si Dylan kaya napatingin din si Baste sa gawi nito. Yung bawat tingin sa kanya at kay Alison ay parang nag aantay ng sagot.
"hindi noh. Di ko naman siya gusto." Pagsisinungaling ni Baste.
"talaga? Wala kang gusto kay Nats?" tanong ulit ni Alison na parang naninigurado na wala talaga.
Pero bago pa sumagot si Baste, dumating si Nathalie kaya agad naman siya binate ng bestfriend nito.
"san ka galing? Bakit hindi ka pumasok? At bakit ganyan suot mo?!"
"sa gym? Excuse ako for the whole day." Napatingin si Nathalie kay Baste pero agad din umiwas ito nang sabay sila magkatinginan. At nakita yon ni Dylan.
"ano ginawa mo dun?" Tanong ni Shan na punong puno ang bibig kakain.
"sumayaw. Member ako ng dance org."
"WHAT?!?!?!" sabay sabay ang tatlong maria sa patanong na pasigaw kay Nathalie. Pero yung boys walang ideya kung ano meron ang pagsali ni Nathalie sa dance org.
"para kayo mga tanga. Umayos nga kayo, okay na yon. Wala na din naman si Mike so, yeah I joined to dance org."
Halos gulat ang reaction ni Baste sa sinabi ni Nathalie na wala si Mike, parang ang naisip niya ano ibig sabihin noon. Kaya nagtanong siya sa dalaga.
"sabi mo kagabi okay pa kayo? Then now what?" sa tono ng boses ni Baste parang nainis ito.
"yeah okay kami pero wala siya dito." Masungit na sagot ni Nathalie.
"oops. Awkward." Singit ni Timmy. Kaya lahat sila nag tawanan maliban kay Dylan na umalis bigla kaya sinundan ito ni Timmy.
Lumipas ang araw na madalas na magusap si Dylan at Nathalie, kahit sa facebook naguusap na din sila, nagpapalitan ng text messages, nagpupuyat para makapagusap lang.
Dylan Race Park: aalis muna ko Nathalie ha? Text mo lang ako pag may problema ka.
Sumagot na lang si Nathalie ng okay. Dahil sa sobrang sama ng loob niya kay Mike kay Dylan na ito nagsasabi at ganun din si Dylan sa kanya, pero hindi pa sinasabi ni Dylan kay Nathalie na ang babae ni Mike ay girlfriend niya. Pero di pa nakakaisang oras umalis si Dylan nakatanggap na ito ng text kay Nathalie at kasamaang palad sumabay sa pag text ni Nathalie ang pagkalowbatt ng phone niya.
Kinabukasan agad pinuntahan ni Dylan si Nathalie sa HRM department, inantay nito matapos ang two hours na klase nito kahit ngalay na siya sa pagtayo. Kaya pag labas ni Nathalie agad naman niya ito nilapitan at inabot ang tatlong snickers at isang mineral water.
"sorry last night di ako nakareply saktong text mo kasi nalowabatt phone ko. Ano? Okay ka lang ba?" parang natatarantang tanong at pag e-explain ni Dylan sa dalaga. Kaya ngumiti lang si Nathalie.
"okay lang yon. Ano ka ba. Yup I'm okay. By the way thank you dito." Sabay angat ni Nathalie ng chocolate at mineral water.
"may okay bang namamaga mata? Tigilan mo ko Nathalie Chelle. Tara dun tayo sa hiding place natin! Hahaha!" hinila ni Dylan si Nathalie at tumakbo. Halos lahat ng estudyante na makakasalubong at makakakita sa kanila tinitignan sila dahil sa magkahawak ang kamay ng dalawa.
Hingal na makarating ang dalawa sa tambayan nila.
"langya ka talaga! Bigla bigla ka na lang nang hahatak!" Reklamo ni Nathalie na naupo na lang dahil sobrang pagod nito.
"hahaha! Sorry! Nag enjoy ka naman eh. So bakit namamaga yang mata mo?" Tanong ni Dylan na tumabi sa kanya at inumpisahan kainin ang snickers na dala din nito.
Nag kwento lang si Nathalie about kay Mike, she's still in pain na niloko lang siya nito she thinks that she's not worth it or derseving as a girlfriend. Masyado siyang nasaktan ng sobra kay Mike.
"alam mo masyado mo binaba sarili mo. You're worth it, also a deserving girlfriend a girlfriend that will keep forever, a wife to be. You're beautiful Nathalie." In that tone Dylan is serious while looking at Nathalie. Pero umiwas din ito agad dahil sa nararamdaman niya dito, gusto niya man niyang yakapin ito pero hindi pwede, gusto man niya umamin ngunit magulo ang sitwasyon nila parehas hindi niya kaya i-risk si Nathalie sa gulo na pwede mangyari.
BINABASA MO ANG
Fall Apart - COMPLETE
General FictionThey believe in forever. But is forever enough to prove their love will last long?