Lumipas ang tatlong buwan, naging okay si Nathalie at Dylan, pero parang aso't pusa pa din kung mag asaran. Tatlong buwan na walang paramdam si Sheena kay Dylan. Tatlong buwan din na walang paramdam si Mike kay Nathalie. After ng nangyari sa ice cream parlor hindi na inaantay ni Nathalie si Mike, kumbaga di na nag eexist. At ganun din si Dylan.
Nasa bar ang mag kakaibigan naisipan nila mag bar after manood ng movie. Matagal tagal din sila hindi naka gimmick dahil busy sa school works, and school activities.
"Ang kapal ng mukha mo! Kahit magunaw mundo hindi pa din ako magkakagusto sayo." Sigaw ni Nathalie kay Dylan.
"as if magkakagusto din ako sayo." Sagot ni Dylan na inubos ang natitirang beer sa bote nito.
Samantalang yung mga kasama nila natatawa lang sa kanila dahil parang aso't pusa nga sila kung mag bangayan. Hindi din nila inaakala na mag kakasundo din pala nag dalawa pero lagi nga lang nagkakapikunan.
"Hahahahahaha! Baka kayo ang magkatuluyan niyan ha." Singit ni Timmy. Pero si Baste tahimik lang.
Napamura lang si Nathalie.
"Asa! Kahit siya na lang nag iisang lalaki sa mundo hinding hindi ako magkakagusto sa kanya! Yuck! Eww!"
"ang kapal mo naman! Kahit ikaw na lang din ang babae sa mundo hinding hindi din ako magkakagusto sayo!"
Halos nagtawanan ang mga kaibigan nila maliban si Baste. Pero hindi naman ito napansin ng lahat. May selos na nararamdaman si Baste, dahil may gusto siya kay Nathalie. Nag tuloy tuloy lang ang kasiyahan ng mag kakabarkada hanggang sa magsipag uwi na sila. Pero si Nathalie at Baste ang naiwan, dahil si Dylan may kasama na namang ibang babae at yung tatlong girls hinatid ni Timmy.
Awkward para kay Baste ang sitwasyon niya ngayon dahil di niya inaakala na maiiwan lang silang dalawa na dapat nauna na lang siya umalis.
"Baste una na ko, maaga pa ko bukas eh."
"hatid na kita."
"ha? Out of the way yung bahay ko sa bahay mo. Remember?"
"Okay lang. Mahirap na, anong oras na oh. Tara hatid na kita."
Tahimik lang sila buong biyahe, nakakabasag ng tenga ang katahimik nilang dalawa.
"Wala kang balak magradio?" tanong ni Nathalie.
"ah. Gusto mo ba?" agad naman binuksan ni Baste ang radio ng kotse niya. At sakto ang pagbukas niya.
"kung may feelings ka sa kanya, umamin ka na hangga't hindi pa siya hawak ng iba. Pero pag na friendzone ka-"
Pinatay agad ni Baste ang radio dahil parang tumutugma ito sa sitwasyon niya. Kaya agad naman nagtakas si Nathalie sa kilos nito.
BINABASA MO ANG
Fall Apart - COMPLETE
General FictionThey believe in forever. But is forever enough to prove their love will last long?