Chapter XI

329 8 0
                                    

Kinabukasan naabutan ni Dylan si Nathalie papasok ng university pero hindi siya pinansin nito nag madali maglakad si Nathalie. Pero hinabol pa din siya ni Dylan.


"Uy! Teka! Bakit ka nagmamadali?"


"Late na kasi ako."


"Tigilan mo. Wala tayong morning class ngayon dahil may mass. Ano problema?"


Napapikit at napamura nalang si Nathalie dahil sa katangahan niyang palusot. Pero pasagot pa lang si Nathalie na may biglang sumulpot na babae. Si Sheena.



"Hi babe! I missed you!" Hinalikan at niyakap niya si Dylan. Samantalang si Nathalie hindi alam ano gagawin, gusto niyang umiyak pero para lang siyang tanga bakit siya iiyak? Pero nakaramdam siya ng sakit at higit sa lahat selos.


"Una na ko Dylan. Bye."


Nagmadali mag lakad si Nathalie papunta sa HRM department. Hahabulin sana ni Dylan si Nathalie pero naalala niya si Sheena.


"Who's that?" Tanong ni Sheena.


"Si Nathallie." Pagkasabi ni Dylan ng pangalan ni Nathalie tumingin ito kay Sheena tinignan niya nag reaksyon nito kung kilala ba niya ito o hindi. Pero sa obserbayson ni Dylan, bakas sa mukha ni Sheena ang pagkagulat na sabihin niya nag pangalan ni Nathalie.


Isang oras matapos ang mass, lahat sila nasa canteen maliban kay Dylan na nakabukod ng table dahil kasama si Sheena. Si Nathalie naman parang iritableng di maintindihan halos maubos na niya yung tatlong snickers na binili niya kanina.


"Nathalie gutom ka ba? Try mo kumain ng sandwhich para mabusog ka." Napaptingin na lang si Nathalie Baste kaya si Baste nag peace sign na lang.


"yung totoo? Nagseselos ka ba?" Tanong ni Dianne kay Nathalie.


"Nagseselos?!" Napalakas boses ni Nathalie kaya napatingin sa kanya sila Baste at pati sila Dylan.


"maka sigaw 'te! Nag tatanong lang ako. Hahaha!"


"Kanino ako magseselos aber? Parang tanga Dianne." Ngumuso ng pasimple si Dianne kay Dylan kaya napatingin si Nathalie sa kanila pero nag make face lang ito. At tumayo para bumili ulit ng snickers.


"saan ka pupunta?" Tanong ni Dianne.


"Bibili lang." Pero hindi alam ni Nathalie na nasunod si Dylan sa kanya.


"Ate tatlong snickers tska coke."


"Caffeine parehas ha. Tapos mag yoyosi ka pa."


"pakialam mo?" masungit na sagot ni Nathalie kay Dylan.


Fall Apart - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon