Pumasok si Dylan na may pasa sa mukha. Wala siyang pake kung pinagtitinginan siya o pinaguusapan siya dahil panigurado naman malalaman at malalaman ito ng department nila dahil kilala si Mike bilang MVP ng basketball, sikat din ito sa university dahil angking itsura at tangkad nito. Pero dedma lang ang binata sa mga naka paligid sa kanya, tuloy tuloy lang siya sa paglalakad at sino ba sila para pag aksayahan ng oras ni Dylan, ni hindi naman siya pinalalamon nito.
Nakita niya na pasalubong sila Timmy at Baste.
"Pre! Kalat sa university yung nangyari sayo! Pucha bakit di mo kasi kami tinawagan?!" Pag tatanong ni Timmy.
"oo nga alam mo naman na isang tawag lang kami pag ganyan lakad natin. Nag solo ka tignan mo nangyari tuloy. Ano resbak na ba?" Inis na pagkakasabi ni Baste.
"Wala ako paki kung kalat na. Dahil hindi naman maiiwasan yon dahil madaming chismoso at chismosa dito. Hindi ko na din naman kayo tinawagan dahil alam kong busy kayo."
Napailing na lang ang dalawa at nagtanong ano nga ba talaga ang nangyari. Kinuwento naman ni Dylan ang lahat mula sa panloloko ni Mike maliban lang sa nakita niya si Sheena at Mike sa enroute.
"tarantado yon! Ang ganda ganda ni Nathalie eh!" Sigaw ni Baste.
"oo nga. Sexy pa. Diba Baste?" Naka tingin lang silang parehas kay Dylan tinitignan kung magiging reaksyon nito.
"oo! tapos ang hot. Ang kinis! Tapo-ARAY!!!" bigla kasi binatukan ni Dylan si Baste pati na din si Timmy.
"mga gago kayo. Irespeto niyo nga yon." saka umalis ito.
Natawa lang sila Timmy at Baste dahil hindi sila nagkakamali ng instinct kay Dylan. Lumipas ang oras at parang wala lang kay Dylan ang kumalat na chismis kahit pag tinginan pa siya dahil sa pasa na meron siya sa mukha. Isang oras pa bago ang last subject nito kaya pumunta ito sa cafeteria at bumili ng tatlong snickers chocolate at pumunta sa secret place niya sa university. Pero sa di niya inaasahan may tao dun akala niya kung sino pero napangiti siya nung nakikilala niya ito kaya naisip niya napagtripan ito at nag change mood siya.
"ano ginagawa mo dito?" pag susungit na tanong nito. Agad naman napalingon si Nathalie dahil sa gulat nito.
"ikaw ang anong ginagawa dito?!" tinanggal ni Nathalie ang earphones nito at pagsusungit na pabalik tanong ni Nathalie kay Dylan. Nag smirk si Dylan kay Nathalie at naupo sa harap nito.
"di mo ba alam na hiding place ko 'to? Wala nga nakakaalam nitong part ng university 'to eh. Tapos ikaw nandito?"
"anong hiding place mo? Ako nga lagi nandito! Ang kapal naman ng mukha mo! Iyo ba 'to?!" Bigla napatingin si Nathalie sa hawak ni Dylan at napalingon sa tabi niya parehas silang dalawa.
Samantalang si Dylan si Natawa na lang at nahiga sa tabi ni Nathalie at kinain ang isa sa mga snickers na binili nito. Samantalang yung isa wala na nagawa at hinayaan na lang si Dylan. Pinagpatuloy na lang ni Nathalie ang pagbabasa ng libro na hawak nito.
"hindi ka ba tinamatad mag basa?" tanong ni Dylan habang nanguya ng snickers.
"hindi." Pag susungit na sagot ni Nathalie na kumakain din ng snickers.
"bakit ba ang sungit mo? Maganda ka naman." Biglang ngiting nakakaloko ang tanong ni Dylan. Pero isang malutong na mura lang sinagot ni Nathalie sa kanya. Kaya si Dylan tumawa na lang, tumawa ng tumawa hanggang sa nabilaukan.
"galak na galak ka kasi. Oh tubig." Inabot lang ni Nathalie ang isang bote ng tubig kay Dylan pero natatawa pa din ito.
"galak na galak? Grabe napakasinauna mo naman Nathalie! Hahahahaha!"

BINABASA MO ANG
Fall Apart - COMPLETE
Fiksi UmumThey believe in forever. But is forever enough to prove their love will last long?