Chapter II

524 13 0
                                        

Nasa parking ang tatlong mag kakaibigan kasama si Sheena at puro sigaw lang ni Dylan ang naririnig sa parking lot. Ginagamot kasi ni Sheena ang sugat nito dahil sa pagkakahampas ng tong ni Nathalie.


"pucha! ARAAAAAY! Naman baby!"


"bagay yan sayo! Ang hilig hilig niyo kasi mang asar! Karma yan!!"


"ARAAAAAAAAY!!" Napasigaw lalo si Dylan dahil diniinan pa lalo ni Sheena ang bulak sa sugat nito. Samantalang yung dalawa nag tatawanan lang.


"sa susunod wag mo gagawin ulit yan ha baby? Sino ba may gawa niyan sayo?" tanong ni Sheena.


Si Sheena Gonzales, fashion designer student. Maganda, sexy. Laging nababasagan ng crush ng bayan dahil nga sa kagandahan nito, mayaman pa. Solong anak ng isang sikat na designer sa Paris.


"si Nat-" sasagot sana yung dalawa nang bigla natigilan dahil nag excuse si Sheena sa mga ito para sagutin ang tawag mula sa kanyang cellphone.

Nailing na lang si Dylan at tinitigan na lang si Sheena habang nakatalikod at may kausap. Lumapit naman ang dalawa kay Dylan at tinawanan lang ng tinawanan.



"humanda yang Nathalie na yan sa'kin" pag banta ni Dylan sa dalawa.



"Sigurado ka dyan pre?" singit naman ni Timmy.



"oo. Bakit? May problema ba dun? Tignan mo nga ginawa niya sa'kin" inis na sagot ni Dylan.



"Meron pre. Hindi mo ba kilala si Nathalie?" pag kakatanong ni Baste na parang di niya alam paano niya itatanong kay Dylan kung kilala niya ba ito.



"ha? Hindi. Ngayon ko lang nga yun nakita sa university natin eh."



"SERYOSO BRAD?!?!" sabay na pasigaw na tanong ni Timmy at Baste.



"mukha ba kong nagloloko? Sino ba kasi yon?!?!" seryosong tanong ni Dylan sa dalawa. Napabuntong hininga ang dalawa at saka pwesto sa tabi ni Dylan para mag kwento.


"Si Nathalie kasi matapang na babae yon. Ni hindi nga nanampal yon eh."



"eh ano lang? nang hahampas ng sandok ganun?" nakakapilosopong pabalik tanong ni Dylan sa dalawa habang dinadampian ng bulak ang sugat nito.



"TANGA! Hindi sandok ang hinampas sayo! Tong yung pangkimpit ang hinampas sayo di pa din ganun yon!" napailing na lang si Timmy na tumabi kay Dylan. Samantalang si Baste naupo sa likod ng kotse ni Dylan at saka nag kwento tungkol kay Nathalie.



"Si Nathalie ay girlfriend ni Michael Oliver."

Fall Apart - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon