Chapter III

433 10 0
                                    

Kinabukasan pumasok si Nathalie sa university, halos lahat sa kanya nakatingin, bawat daan niya eh may mga nagbubulungan pero dedma lang siya sa mga nangyayari sa paligid niya. Nag patuloy lang siya sa paglakad papunta sa building department nila. Hanggang sa naka salubong niya si Maricar.

"well, look who's here. Ang kawawang girlfriend ni Mike. Hahahaha!" may pagka bitch sa tono ni Maricar, pero bitch naman talaga siya. Nagtawanan ang mga kasama ni Maricar, nag apiran pa.

"ako pa ba kawawa? O ikaw? Sino ba desperada na humahabol kay Mike? Sino ba tong bitch na kung magmakaawa kay Mike para balikan siya? Ako ba? O ikaw?" Kalmado na sagot ni Nathalie.

"kung makasabi ka ng bitch parang alam mo meaning duh?!" Mataray na sagot ni Maricar kay Nathalie. Samantalang si Nathalie napangiti lang.

"alam ko ibig sabihin nun, bitch meaning Maricar oops hindi pala. Babaeng aso. Fit pa nga sayo kasi hilig mo humabol kay Mike. Bye." Aalis na lang sana si Nathalie pero sa sobrang inis ni Maricar sa sagot nito bigla na lang hinila ang buhok nito at saka sinampal. Pero hindi nag patalo si Nathalie agad naman itong humarap kay Maricar at sinapak ng deresto sa mukha.

"sa susunod na susubukan mo ko sabunutan siguraduhin mo hindi ka masasapak! Bwisit!"

Halos lahat nanahimik, nagulat dahil sa ginawa ni Nathalie. May iba na natuwa dahil sa maarte nga si Maricar madami din inis sa kanya. Umalis si Nathalie na inaayos ang buhok ang kamay, hindi uso sa kanya ang salita na

"gumamit ng suklay para maayos ang buhok mo"

masaya na siya na kamay lang gamit nito. Pero hindi alam nito na nakita siya ni Dylan dun nagulat ang binata sa ugali ni Nathalie matapang na babae, palaban kaya pala ganon ganon lang siya paluin nito ng tong.

Pag dating ni Nathalie sa HRM department nakita siya agad ni Dianne, si Dianne ay bestfriend ni Nathalie. Sinalubong nito ang bestfriend na kita sa mukha ang pag aalala.

"ano nangyari sayo? Teka nakipag away ka ba?!?" tanong ni Dianne

"hindi naman. Slight." Naka ngiting sinagot ni Nathalie sa kaibigan niya. At naupo sa hagdan.

"Slight lang?!?! Eh yung pisngi mo parang hindi pantay na nilagyan ng blush on! Kanino ka nakipag away aber?" nag cross arms si Dianne habang naka tingin lang siya kay Nathalie, ganun din naman si Nathalie naka tingin lang sa bestfriend niya.



"Hay nako. Kay Maricar."



"Maricar? Maricar na ex ni Mike?!?!?"



"Yup!" tumayo si Nathalie at dersetsong umakyat para pumasok sa klase niya. Sumunod naman si Dianne sa kanya at puro sermon lang narinig niya sa kaibigan.



Kinahapunan lumabas ng university sila Nathalie para kumain. Pero sa hindi niya inaasahan nakita niya si Mike kasama si Maricar.

Agad naman siyang umiwas ng tingin parang wala nalang siya nakita. Pero nasasaktan siya dahil after all tama pala ang sinasabi ni Maricar.

Derederetso lang siya papunta sa tindahan at bumili ng yosi. Kinagulat naman yon ni Dianne dahil alam nito huminto na siya sa bisyo niyang yon.

"hoy ano ginagawa mo? Ano yan?" sarcastic na pagkakatanong ni Dianne sa kanya. Nakataas pa kilay nito at nakaturo sa yosi na hawak ni Nathalie.

"Yosi. Alangan stick - o?" sinindihan na Nathalie ang hawak nitong yosi. Napailing na lang si Dianne.

"alam ko naman bakit ka na naman ganyan eh. Di lang naman ikaw nakakita maski kami. Pero di na lang kami kumibo dahil nakita naman namin sayo yung pag iwas tingin mo."

"tara puntahan na natin sila." Hindi na lang pinansin ni Nathalie si Dianne, dahil wala pa din naman mangyayari kung makikipag talo lang siya sa kaibigan.

Nang dumating sila sa canteen na lagi nilang tinatambayan tahimik lang ang mga kaibigan nito at nakatingin sa kanya.

"what?" tanong ni Nathalie sa mga kaibigan niya. Naupo siya malapit sa pinto para madali lang niya mabuga ang usok na lalabas sa bibig niya.

"kalian ka pa ulit nanigarilyo?" Tanong ni Alison.

Tumingin lang si Nathalie kay Alison, hindi pinansin. Kumbaga hindi naman importante yung tanong kaya hindi din importante kung sasagutin pa niya ito.

Si Nathalie Chelle Dela Cruz, kilala sa HRM department bilang masungit, matapang, palaban na babae. Kaya laking gulat nang lahat na niligawa nito ni Mike. Dahil kahit sinong lalaki hindi tumatagal sa pag susungit ni Nathalie.

Pero sa kabilang ng ganyan ugali ni Nathalie may tinatagong siyang kakaibang ugali na kinagugulat ng lahat pag nakilala na siya.

"hoy Nathalie filter na yan! Itapon mo na!" Pasigaw na sinabi ni Dianne, pero parang walang narinig ang kaibigan nito. Napailing na lang si Dianne di rin niya ata gagawin sa kaibigan dahil alam nito kung gaano ito nasasaktan.

"guys I have to go. May pupuntahan lang ako." Tumayo si Nathalie at kinuha ang coke ni Alison na parang di pinag inuman ng kaibigan.

"Nice. And where are you going?!" Tanong ni Alison.

"KAY MIKE!!!" sumigaw na sumagot si Nathalie dahil palabas na siya ng carinderia na kinakainan nila.







<<<<<





"teka nga Sheena kailan pa yang desisyon mo na yan?" Di mawari ang inis ni Dylan dahil sa nalaman nito na aalis Sheena.

"matagal na. And I don't know how to say it to you kasi alam kong pipigilan mo lang ako." Malumanay na pagkakasagot ni Sheena.

"Fck! Babe sa dami dami ka pwede mag ojt bakit sa ibang bansa pa? Bakit sa France?!"

"stop cussing. First you know kung ano course ko, and I love fashion, it makes me happy. And besides there's more opportunity there bukod sa mag oojt ako, pwede ako mag part time don."

Napatayo si Dylan sa kinauupuan nito, di niya alam gagawin kung aalis na lang si Sheena ng ganun ganun na lang.

"happy?! Hindi ba kita napapasaya? You didn't feel the "happy thing" with me?"

"No. That's not what I meant. I'am happy with you. I'am contented with you Dylan." Agad naman niyakap ni Sheena si Dylan para kumalma.

"if that so. Then why are you leaving me?" malungkot ang tono ng boses ni Dylan, alam niya sa sarili niya na once na umalis si Sheena walang kasiguraduhan na magigigng okay pa sila.

"I'm not leaving you for pete sake babe. Mag oojt lang ako naman ako maybe 2-3 months. Tska line up ng university ang pwede mag ojt sa ibang bansa."

Humiwalay sa pagkakayakap si Dylan kay Sheena, hinawakan niya ito sa magkabilaang balikan.

"2- 3 months? Matagal ang yon Sheena. Kung tutuusin hindi mo naman kailangan umalis eh ang dami dami dito clothing line na magaganda, kila Timmy bakit hindi na lang don?"

Inalis ni Sheena ang mga kamay nito sa balikan niya at kinuha ang gamit niya.

"Look Dylan, big opportunity yon. Yes marami maganda dito but France? Gosh that's what I wa-" hindi pinatapos ni Dylan si Sheena sa pag sasalita.

"THEN HOW ABOUT ME? HOW ABOUT US?!?!" napasigaw na si Dylan, nasasaktan na siyang ewan. Na bakit ganun na lang bakit biglang nagdesisyon ang girlfriend niya, naiintindihan naman niya kung ano gusto nito pero di siya handa sa desisyon na ginawa ni Sheena.

"we can still work out naman eh. 2- 3 months long distance relationship? Madali lang yon." Kalma na sagot ni Sheena. At aakmang na yayakapin si Dylan pero umiwas ito. Napailing na lang si Dylan. 2-3 months? Matagal ang 2 o 3 months para mag antay na alam niyang walang kasiguraduhan.



"bahala ka." Yan lang nasagot ni Dylan at saka iniwan si Sheena.

Fall Apart - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon