Chapter XII

294 7 0
                                    

Dalawang oras at kalahati halos na biyahe ni Dylan, wala siyang paki kung pagod siya sa pag dadrive basta mapuntahan lang niya Nathalie. Agad siyang nag check in kung saang si resort naka check in si Nathalie.


Kinabukasan, agad niyang hinanap si Nathalie pero di niya ito nakita. Kumain muna siya at after naisipan niya mag ikot ikot dahil baka sakaling makita niya ito, pero hindi siya nabigo nakita niya ito, paahon sa dagat halos nag slow mo sa paningin niya si Nathalie habang naglalakad ito. Dahil walang balot ang katawan nito maliban sa suot nitong swim wear na kulay pula at itim, parang bawat parte ng katawan ni Nathalie ay gusto niyang pagiingtan at siya lang makakahawak at makakakita nito, in short gusto na niyang angkinin si Nathalie, gusto niyang lapitan ito pero iniisip niya paano? Baka masuntok na naman siya nito kaso yung pagiisip niya eh napalitan ng inis dahil lahat napapatingin kay Nathalie, ni hindi ito nag balot ng tuwalya at naglakad lang ito papunta pool area kaya sinundan niya ito, naiinis siya sa mga lalaking tumitingin kay Nathalie kaya nag ginawa niya hinubad niya ang sando na suot niya at saka hinila si Nathalie paharap sa kanya at sinuot ang sando kay Nathalie.


"sabi ko naman sayo girlfriend, ayoko na hindi ka nagtatakip pag ganyan suot mo. Nawala lang ako saglit." Bakas ang gulat ni Nathalie sa ginawa ni Dylan, nagtataka paano nandoon si Dylan, paano nito nalaman kung nasan siya. Hinatak niya si Nathalie sa walang tao para makausap niya ito.


"Bakit ka umalis?" tanong ni Dylan.


"gusto ko mapagisa, gusto ko muna lumayo."


"Bakit?"


Napatingin si Nathalie kay Dylan, napataas ang kilay at napabuntong hininga.


"Bakit? Anong bakit Dylan? Nakita mo ba yung mga nangyari? Gusto ko lumayo sa sakit na nararamdaman ko!"


"pati sa'kin lalayo ka?" seryosong tanong ni Dylan kay Nathalie.


"Oo."


"Bakit? Anong dahilan mo?"


Umiwas ng tingin si Nathalie kay Dylan, na hangga't maari ayaw niya ito makita o makausap muna dahil baka hindi na niya mapigilan ang sarili at lalo lang mahulog dito.


"Ano dahilan Nathalie bakit ka lalayo?"


"Basta. Gusto ko lumayo sayo."


"the feeling is mutual naman. Bakit ka lalayo."


Napataas ang kilay ni Nathalie sa sinabi ni Dylan, the feeling is mutual edi alam din nito na may feelings na siya sa kanya.


"gago!the feeling is mutual Mukha mo the feeling is mutual! Umalis ka na nga sa harapan ko!"


Napangiti na naman si Dylan dahil mura na naman ang natanggap niya mula sa dalaga.


"I love you." Nakangiting pagkakasabi ni Dylan. Si Nathalie napatingin lang parang nahintuan ng hangin sa utak pero agad din niyang na aayos ang sarili at napigilan ang kilig o saya sa mararamdaman niya.

Fall Apart - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon