Lumipas ang isang buwan halos parang walang nangyari. Hindi iniwan ni Mike si Nathalie para sa training ng basketball nito, hindi umalis si Sheena papuntang France. Sa loob ng isang buwan halos walang ginawa si Dylan kundi imessage si Sheena pero walang sagot natatanggap si Dylan, maski sa text at tawag nito. Nagpatuloy lang si Dylan buhay niya kahit nahihirapan siya na wala si Sheena, mula kasi iwan niya ito hindi na rin siya nag paramdam muna hanggang sa umalis ito kahit anong kulit ni Sheena lagi niya nirereject ito dahil sa sobrang sama ng loob niya na aalis ito. Kaya din siguro hindi siya nirereplyan sa mga message at text nito dahil nagtampo.
"Dylan nagawa mo na ba yung research paper natin sa Forensic psychology?" tanong ni Baste habang nag aayos din mga ginagawa nilang research paper para daarating nilang defense.
"Oo. Oh. Andyan lahat sa flashdrive."
"hay! Ang lamig naman dito wala akong dalang jacket." Palokong hirit ni Timmy dahil sa tono ng pananalita ni Dylan.
"Anong malamig? Kita mo tirik na tirik ang araw tapos malamig?" iritang pag sagot ni Dylan. Mula umalis kasi si Sheena nagging malamig na pakikitungo nito, nagging masungit at iritable.
"hahaha! Hay nako brad meron ka ba? Grabe na yang kasungitan mo ha dinaig pa si Nathalie. "Timmy may cooking competition sa HRM department diba? Nood tayo?" Napalingon naman agad si Dylan kay Baste nang marinig niya ang pangalan ni Nathalie. Parang iniisip niya kalian pa naging interesado si Baste s mga cooking competition yon.
"oo. Eh hind pa tayo tapos dito eh."
"Tapos na tayo diba?" inakabayan ni Baste si Timmy dahil sa nakatingin si Dylan kanila eh nagets din Timmy bakit ganon si Baste
"Magugutom lang tayo dun eh."
"Ah eh. Tara brad punta tayo gusto ko manood! Panigurado madaming chicks don."
"lilibre naman kita pagtapos natin manood. Tara dali na. Tska andon si Sha--" Tinakpan naman agad ni Timmy ang bunganga ni Baste para di na matuloy ang sasabihin nito. Pumayag na lang siyang sumama sa kaibigan. At sabay napatingin ang dalawa kay Dylan, tila parang inaantay nila na sasama ito pero mas pinili nito pagbabasa ng manga at nag tanong sa mga kaibigan nito.
"bago kayo umalis, tapos na ba kayo sa ginagawa niyo?" malamig at masungit ang tono ng boses ni Dylan, hindi ito nakatingin sa kanila
Samantalang bakas ang pagka-inis sa mukha ni Baste pero hinayaan na lang niya ito, iitindihin na lang niya.
"tapos na nga po kaya nga aalis muna kasi paparefresh ng utak." Umalis na din agad ang dalawa at iniwan si Dylan.
***
Sa HRM department naman halos busy ang lahat dahil sa event na nagaganap maski ang mga contestant ay nag hahanda para sa mga gagawing pagkain. Kahit si Nathalie hindi mahagilap dahil sa pagiging busy nito, sa halos isang buwan wala lang ito ginawa kundi school - bahay - tambay - bar -bahay halos lagi ganyan ang routine ni Nathalie sa loob ng isang buwan minsan hindi na lang siya papasok at tatambay na lang.
"tingin mo ba okay na si Nathalie?" tanong ni Shan kay Alison, si Shan ay isa din sa mga kaibigan ni Nathalie pinsan Dianne na bestfriend ni Alison.
"maybe? Di naman siya nagsasabi kung ano nangyari sa kanila ni Mike after nung iwan niya tayo." Nakatingin lang silang dalawa kay Nathalie habang busy ito sa kakaayos ng mga gamit nito.
"pero ramdam ko di siya okay kasi alam mo yon? Pag kasama natin siya tahimik lang, tapos mag yoyosi. O kaya tuwing gigimick tayo kung maka inom akala mo ang laki ng bahay alak sa tyan - ARAY!" binatukan ni Alison si Shan dahil sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
Fall Apart - COMPLETE
Fiction généraleThey believe in forever. But is forever enough to prove their love will last long?