One year ang lumipas naging okay ang lahat, si Dianne may relationship na din, yung kakaset ng parents niya ng blind date eh nakatagpo din siya ng lalaking magpapakilig sa kanya at infairness matibay si kuya boyfriend ni Dianne di natitibag kahit ano mood aang sumumpong kay Dianne. Si Timmy at Shan ayun sila din naman pala puro asaran lagi pero madalas mag away dahil sa pagmomodel ni Shan. Si Alison at Baste naman still in indenial stage, kahit alam naman nila na okay sila, may sparks, may umuusbong na feelings eh ayaw nila patulan mas okay na daw kasi patagalin muna kesa agad agad. Basta ang goal lang daw nilang dalawa eh yung relationship ni Dylan at Nathalie pero syempre pati relasyon ni Nathalie at ni Dylan pag balik nila ng manila nun agad din naman nila binalita sa mga kaibigan na sila na.
Bukod sa pag aaral, nagagawa pa din nila mag date, o kung ano man maisipan nilang gawin hindi din nawala yung mga food trip nila after class kung saan saan sila nag eexplore na kainan. Mas sumaya sila sa loob ng isang taon, parang akala mo hindi sila magka-relasyon kung pano nila ituring ang isa't isa para silang bestfriend with benefits. Sa pagiging masaya nila hindi sila nawalan ng problema lalo na nung issue ni Andy.
"akala ko ba hindi mo na kinakausap si Andy?" tanong ni Nathalie kay Dylan habang nag ddrive ito, kasalukuyan sila papunta sa party ni Timmy.
"Hindi ko na siya kinakausap. Ano ka ba babe!"
"Deny mo. Nakita at nabasa ko. Sabi ko naman sayo ayoko ng meron kayo, lagi niyo sinasabi sa'kin na friends lang kayo. May friend ba ganon? Daig ako maglambing?! Kulang pa ba Dylan?"
Napa-break ng wala sa oras si Dylan dahil sa mga sinabi ni Nathalie, hindi naman niya maiipagkakaila dahil alam niyang wala siyang lusot sa girlfriend dahil kilala niya ito masahol sa C.S.I agent pag tinubuan si Nathalie ng selos.
"No. You're enough baby. I'm sorry iniisip ko lang din kasi mararamdaman ni Andy di pa niya kasi alam."
Malutong na mura ang nasabi ni Nathalie kay Dylan.
"Almost one month na tayo Dylan! Tapos di pa niya alam? Yung totoo? Inisiip mo yung feelings niya kesa sa feelings ko?! Ha?! Bullsh*t!"
Bumaba si Nathalie at pumara ng taxi, iniwan niya si Dylan at hindi nag paramdam ng ilang araw.
Agad din naman nila naayos ang problema na yon ginawa din ni Dylan ang tama pinili niya si Nathalie at nilayuan si Andy. Pero hindi lahat natapos dyan habang patagal ng patagal lalo sila nagkakaproblema parang bawat saya na mararamdaman nila lagi napapalitan ng problema. Hanggang tumagal ang isang taon parang unting unti na wala ang lahat yung saya na nakikita kila Dylan at Nathalie eh napalitan ng malamig na aura kung ano kinasweet nila, yun din ang unting unti pag lie low ng relasyon nila.
Pero syempre hindi nawawala ang kacornyhan ng dalawa, yung kasiyahan nilang dalawa pag magkasama sila.
BINABASA MO ANG
Fall Apart - COMPLETE
General FictionThey believe in forever. But is forever enough to prove their love will last long?