Chapter VI

326 8 0
                                    

Late na din kaya nag aya na si Nathalie umuwi, may tama na din siya ng alak pati ang mga kasama niya.

"Ako na mag hahatid kila Shan at Alison." Singit agad ni Baste.

 "Ako na kay Dianne." Singit naman ni Timmy.

"teka pano si Nathalie. Mga sira ulo kayo." Pag sagot naman ni Dianne.

"don't worry I'll be fine magtataxi na lang ako. Hindi ko din kayo mahahatid dahil out of the way diba?"

"sure ka? Mag iingat ka."

"yep! Kayo din. Timmy, Baste ingitan niyo ha! Ako papatay sa inyo pag may nangyari sa mga kaibigan ko. Ingat sa pag drive."

"yes boss!" sabay napagkakasabi ni Timmy at Baste.

Nagbeso beso ang apat na babae. Pati din sila Timmy at Baste naki beso na din. Inantay muna ni Nathalie makaalis ang mga kaibigan at saka nagtakang babalik sa enroute.

"hep! Where do you think you're going?" pag pigil sa kanya ni Dylan.

"bitawan mo nga ko. May nakalimutan ako sa loob." Pagsusungit ni Nathalie.

"Nah. Stop fooling around, ako last na lumabas and wala akong nakita na naiwan mo or maybe there's something inside that bar that you want to see." Naka tingin lang si Dylan, seryoso ito.

"shut up." Nangatog ang boses ni Nathalie, naka tingin lang din ito kay Dylan.

"c'mon Nathalie Chelle stop pretending that you are okay. I know what you saw inside that bar." Kitang kita ni Dylan ang pagmuo ng mga luha sa mata ni Nathalie. Nasaktan ito sa nakita niya. Hindi niya yon inaasahan na pati siya masasaktan din.

"let's go." Hinatak ni Dylan si Nathalie pasakay sa sasakyan nito. Pagsakay na pagsakay nila..

"go. Iiyak mo na, kung tingin mo magiging okay ka after mo umiyak sige lang." isang hagulgol ang namuo sa loob ng kotse, hinayaan lang ni Dylan si Nathalie. Dahil gustuhin man niyang sapakin si Mike hindi na lang niya ito nagawa dahil mas pinili niyang umalis na lang. Napatingin na lang si Dylan kay Nathalie dahil sa hindi niya inaasahan na kung ano kinatapang ng babaeng sa nasa harap niya eh may kahinaan din pala, nasasaktan naman din pala.

"alam mo ba? Sobrang mahal na mahal ko si Mike."

Nagulat na lang si Dylan dahil nagsalita si Nathalie habang umiiyak pa ito.

"pero hindi ko maisip na gagawin niya 'to sa'kin. Kasi akala ko mahal niya talaga ako, na hindi niya ko lolokohin. He promised everything to me. But I don't know why na kailangan niya magsinungaling sa'kin. Bakit kailangan niya gawin 'to. Maiintindihan ko naman siya.. "

Tahimik lang si Dylan, agad naman ito pinaandar ang kotse habang si Nathalie umiiyak pa din. Patuloy lang sa pagsasalita.

"okay lang eh. Okay lang kung si Maricar ang kasama niya kaso ibang babae. Ibang babae na alam kong walang wala ako. Tska yung babae ilang beses ko yon nakikita sa school. And maybe you know her kasi may pagkalandi ka baka nga nakausap mo na yon or what."

Napatingin lang si Dylan kay Nathalie.

"shh. Tama na. Wag mo sabihin sa sarili mo na walang wala ka dun sa babae na nakita mo." Sa pagsasalita ni Dylan hindi nito maiwasan na malungkot pero isinang tabi na niya muna ito.

"Mag pahinga ka na muna. Lasing ka pa, kaya ganyan ka mag drama." Dugtong ni Dylan.

Napatinign lang si Nathalie sa kanya.

"alam ko nararamdaman mo. If you thinking na wala ako pakialam or what meron dahil hindi lang naman ikaw nasasaktan."

"bakit pati din ba ikaw nasasaktan?" pag tatanong ni Nathalie.

Fall Apart - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon