Unsweetened Sugar

120 0 0
                                    

Chapter 1 Preview:

AIZELLE

"Here..."

"Thanks." Kinuha ko sa kaniya ang tasa ng kape tsaka ininom. Laking gulat ko nang malasahan ko ang matapang at mapait na lasa nito. Naibuga ko pa nga dahil na rin sa init.

"What the! Evan Rae! What exactly is this thing?" Inis na tanong ko.

"A coffee."

"At ano namang klaseng kape 'to ha?" Kinuha ko ang tubig na nasa lamesa at saka 'yon ininom.

"Black coffee."

"Black coffee? Sigurado kang 'yan ang ipapainom mo sa 'kin? Wala ka ba manlang na asukal o kaya'y creamer d'yan? O kaya naman chocolates, mawala lang 'tong antok ko." Reklamo ko. Peste kasing research paper 'to, bukas na ang defense. Wala tuloy choice kundi paglamayan.

"Have you forgotten, Aizelle? Diabetic ako. Wala kang makikitang asukal o kahit ano pang matamis na pagkain dito sa bahay especially chocolates."

Napairap na lang ako sa kaniya. "Oh gosh, I forgot. How about honey?"

"I'm not fond of sweets..." Nanlumo naman ako sa sinabi niya. Kahit anong pampatanggal ng antok wala. Sana pala nagdala na lang ako. Kung alam ko lang na aabutin ako ng dis oras dito sa bahay niya dapat nag-ready na ako at hindi lang uniform ang binaon ko.

"So anong gagawin natin? Inaantok na ako. Hindi ko na kayang tapusin pa 'yang thesis natin."

"Eh 'di magtiis ka sa black coffee. We need to finish that bullshit para makalabas na tayo sa impyerno."

"Arggghhh!" Ungol ko tsaka ko ininom ang kape niya. Napaubo ulit ako. At ang hinayupak tinawanan lang ako.

Bakit ba kasi ito pa ang naka-partner ko sa halos lahat ng project? Porque ba bestfriends kami, kailangan kami lagi ang mag-team up? Pati ba naman itong research paper siya pa rin ang partner ko. Paano kami nito bukas?

So ayun, wala akong choice kundi humarap sa laptop at mag-type. Habang siya nakaabang lang doon sa printer.

"Alam mo kasi Evan, hindi tayo matatapos kung hindi mo ako tinutulungan..."

"Binigyan na kita ng kape, isn't that enough?"

"Ano ba namang matutulong ng kape mong mapait? Bakit kasi may diabetes ka? Siguro malakas kang mamapak ng asukal no?"

"No. Since young hindi na ako kumakain ng sweets and especially carbs. It's just that its a genetic disease. I got it from my father, hindi ko ba nakwento sa 'yo?" Honestly, I already know that. Biruin mo bang since highschool, kami na ang magkasama. Malamang sa malamang kilalang-kilala ko na siya at alam ko na ang butil ng mga bagay na tungkol sa kaniya. Bilang na bilang ko nga buhok niya, e. Joke.

"At sabi mo pa nga sa 'kin kaya hindi ka nag-gigirlfriend dahil mahilig kaming mga babae sa mga sweets and sweetness. And unfortunately, you're allergic of those. Right?"

"Sort of." Tumingin siya sa 'kin at ibinalik ang tingin sa printer. Ano bang hinihintay niya do'n? Parang tungaw.

"Alam mo kasi Evan, hindi naman lalala ang sakit mo kung magiging sweet ka. Bakit 'di mo i-try maghanap ng babae d'yan tapos ligawan mo para naman maranasan mong maging masaya katulad ko." At naalala ko na naman si Aien, my sweetest boyfriend ever!

"I don't need anybody else to be happy. I can live alone, just so you know." Prenteng sagot niya.

"You can't. Once you found someone, you'll definitely take back your words. And all you want is to be with her all the time and thats what you called 'sweetness'."

Umiling lang siya. "I'll never do that. Mark my words." Inilingan ko na lang din siya. Nako, pustahan pa kami lulunukin niya lahat ng sinabi niya.

"Ikaw naman ang mag-type dito, may gagawin lang ako." Tumayo ako at umupo sa katapat na upuan. Wala rin naman siyang nagawa kundi sundin ako at i-type ang ibang nakalap naming information mula sa ibang books and researches. "Ano ba kasi yang gagawin mo?"

"Nothing. May naisip lang akong isulat sa sweet notebook ko.

"Sweet notebook? Matamis ba 'yon literally?"

Umiling ako. "No, it's just a compilation of sweet deeds that a man can do to his girlfriend."

"Talagang inuna mo pa yan kaysa rito?"

"Sandali lang naman 'to, may naisip lang akong idagdag." Binuklat ko ang sweet notebook ko at hinanap ang pinakahuling pahina na may sulat. Aba, number five na pala ako.

Sweetness no.5: Boyfriend should make his girl a sweet coffee with love.

Kinuha niya ang sweet notebook ko at agad na binasa yon nang malakas. "Talaga Aizelle? Ano namang sweet don?"

"I don't know but for us girls, smallest and simplest things are the sweetest things." Kinikilig ko pang sabi. Talaga naman, e. Na-iimagine ko palang si Aien na ipagtitimpla ako ng kape tapos iaalok sa kin, kinikilig na ako!

"Tsk. Whatever!" Inihagis niya sa 'kin ang sweet notebook ko. Hinayupak talaga. Inabot ko nang maayos tapos isasauli nang pahagis. Pumalit na ulit ako sa pwesto niya at ako na ang nag-type.

Napatingin ako sa orasan nang matapos ko nang i-print lahat at i-compile sa isang clear folder. Walanjo naman kasi si Evan tinulugan ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang alas kwatro na. Tatlong oras na lang at defense na namin sa school. Kailangan ko nang matulog! Kahit papaano!

"Hoy Evan! Saan ako matutulog?" Kumatok ako sa kwarto niya pero mukhang tulog na tulog na ang hinayupak kaya pinagtiisan ko na lang na matulog sa sofa--walang kumot ni unan.

"Hoy Aizelle, gising na!" Nagising ako nang maramdaman kong may sumisipa sa 'kin. Bastos talaga ang hinayupak. Pinunasan ko ang pisngi ko tsaka tumayo.

"Anong oras na ba?"

"Alas siyete na. Bumangon ka na d'yan!"

"Maaga pa pala eh--wait--what?!" Agad akong napatayo nang ma-realize na alas siyete na. Hala! Bakit? Bakit ngayon lang ako nagising?

Napansin kong bihis na bihis na ng uniform si Evan samantalang ako hindi pa.

"Walanjo Evan! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" Asik ko.

"Malay ko ba, pasalamat ka nga ginising kita." Walang gana niyang sabi. Ang lintek talaga parang walang kaalam-alam sa mundo!

"The heck Evan! Ngayon kaya ang defense natin!"

"Defense? Submission palang no." Ipinakita niya sa 'kin ang clear folder kung saan nandoon ang research paper naming dalawa. "Mauna na ako sa 'yo. Ako nang bahalang mag-submit. Sumunod ka na lang."

Napa-ahhh na lang ako. Akala ko defense na ngayon, submission palang pala. Submission nga lang ba? I-checheck palang ba 'yon? Ay ewan!

"Don't forget to lock the door." Sabi pa niya tsaka siya lumabas ng bahay niya.

Naligo na ako tsaka ako nagpalit ng damit. Mabuti na lang at hindi ko nakalimutang magdala ng uniform. Ni-lock ko na ang pinto at pumara na ng taxi. Tinawagan ko si mommy upang sabihing kina Evan ako natulog although nakapagpaalam na rin naman ako sa kaniya para alam niya lang. Tiwala naman si mommy sa amin at kilala niya si Evan, 'di 'yon gagawa ng kung anoman. Kinse minutos siguro ang lumipas nang makarating ako sa school.

Malapit na ako sa classroom nang may humarang sa akin.

###

Feel My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon