Chapter V: Bizarre party

743 29 1
                                    

Luminga linga si Ayisha. Halos mahilo na sya sa pag ikot ikot nang paningin habang hinahanap ang babaeng nasa harapan at ang lalaking katabi nya lang kanina. Nawala biglang parang BULA sina Sehire at Kria. 

"Hala!?" Halos maging kasing putla na sya ni Trese at mahimatay sa pagka-hysterical dahil sa kakaibang nasaksihan ng peripherals nya. "Nasaan sina Kria?!"

Kalmadong hinawakan ni Sasha ang balikat noon bago nagsalita. "They're the subs right?" paalala ng kaibigan, noon lamang unti unting nawala ang kulubot sa muka ng batang kasamahan nila ng mapagtanto ang nangyari. For a moment, natakot talaga ang lahat ng galamay nya sa biglaang pagkawala ng dalawa. 

"Yup! Yup! Yup! Nasa Rest City na sila. MOANI! Ang there pinapanuod na nga pala nila kayo ngayon sa isang hotel na nakuha nyo bilang sixth place. Go WAVE! kaway sa camera!" Masiglang paliwanag ni Vipie. Panghanap naman sila nang 'kamerang' tinutukoy noon pero walang mamataan.

Funny and stupid, but they should double their guard for the invisible surveillance.


****

"I almost lost my sanity." parang hinukay sa kailaliman ng lupa ang boses ni Kria habang gigil ang tingin sa flat screen wide inch TV na nasa harapan nila ngayon ni Sehire. Being at the 6th place sa challenge, the hotel they're in is pretty good. Pitch colored walls, simple yet glamorous chandelier at wide space more than enough para makapag yoga ang sampung tao. May malambot at pangmayaman pang sofa na kinauupuan na nina Kria at Sehire ngayon. May dalawa pang pang-isahang ka identical noon sa magkabilang dulo ng malaking upuan, at isang malaking cabinet na gawa sa glass at inuukitan ng napakagandang ornate designs na sya namang kinalalagyan din ng pinapanuodan nilang TV ng labanan ng mga kasama nila. Nasa pagitan din ng malaking cabinet at nina Sehire ang pangmayamang table na pinapatungan ng samot saring masasarap na pagkain.

Pero mukang wala pa sa wisyo manginain ang dalawang subs dahil nakatuon pa din ang paningin nila sa TV na nagpapakita ng lupaing kinatatayuan lamang din nila ilang segundo lang ang nakakaraan.

"Why didn't that Game host told us mawawala na tayo doon? Para nakapaghanda naman tayo nang parting words!" Si Sehire na tahimik nakaupo sa tabi ni Kria ang napagdiskitahan ng babaeng hilahin at alog-alugin. But the robed man just stick with his smiling face. "AT bakit parang ako lang ang naiinis??!!"


*****

Agad ng naka move on sa pagkawala nina Kria at Sehire ang grupo nina Sasha. Tahimik na lamang nila ngayong pinagmamasdan ang kahabaan ng lupaing nasa loob ng isang mala invisible na barrier na ilang sandali na lamang ay magiging lugar ng labanan. "Ito na iyon." Bulong ni Sasha habang nakahawak ang kamay sa transparent na barrier.

"Go! Go! Go! Simula na nang laban! Ang nakikta nyo ngayon —or should I say, ang hindi nyo nakikitang sangga sa harapan nyo ay ang Class SS barrier na katulad nang nakapalibot sa buong DWD island. You can't interfere sa laban ng may laban." Nag 'hum' muna si Vipie para mag-isip at saka sinunduan ang sinasabi. "Well, without the use of 'Swap' that is."

Palinga linga si Yussen, trying to figure out kung saan nya kakausapin ang Game host nila. "Ilan nga bang swap ang meron kami? ha?" A playful giggle is what they heard bago nagsalita muli ang masayahin slash weird slash pesteng babae sa tenga nila. "Iyan ay malalaman gamiiiiiiiiiit—- ITO!!!" Nakatambad na sa kanila ngayon ang virtual picture ng anim na dilaw na kahon laying horizontally. "Please choose one. At doon nakasalalay ang number of swaps nyo."

Tumingin si Sasha sa mga kasamahan nya, pero nag iintay lang din ang mga iyon. "What? you've been our head since the day we met. Balak mo pang bumaba sa pwesto ngayon?" Tray asked sarcastically while standing like a bored old man.

Skies Heart II: Secrets [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon