Pigil na pigil ang paghinga ni Sasha, maging ang damit noon ay gusot na gusot na sa sobrang higpit ng pagkakakapit doon ni Ayisha, habang halos mangatngat na ni Yussen pati ang natitira nyang braso sa sobra nilang kaba.Habang si Tray, mas nangingibabaw ang kyuryosidad sa plano ni Trese kung paano lalaban. Ang kasamahan nilang nag iintay ng kakompetensya nya ay nabingi sa dalawang magkasunod na Athena's Scream ni Sasha, kaya imbis na pagkatiwalaan sya ng mga iyon sa lakas nya, mas nangingibabaw ang takot nilang mapirat iyon ng wala sa oras.
"She can win right? Malalakas na tao ang mga kasamahan nya, pwedeng kasing lakas din nila siya..." Ungot ni Ayisha habang nakatingin sa screen ni Vipie na naka flash ang nakapikit na muka ni Trese. Nagiintay lang iyon habang hinahayaang salimpadin ng kakaibang malamig na hangin ang maputi nyang muka.
Naramdam na nina Sasha na nasa labas ng labanan ang lamig na dala ng hangin sa loob ng Class SS barrier, lumakas pa iyon. "May bagyo ba?" Takang tanong ni Yussen, napatingala iyon sa nagdidilim nang kalangitan. "I doubt dahil sa atin ang kakaibang bagyong ito. Though, parang pareho."
Napakunot ang noo ni Sasha sa pagtataka, "Nararamdaman ko din ang presensya ng life line ng Greek Spirits sa paligid." Napalunok si Ayisha. "Wag mong sabihing ang makakalaban ni Trese ay isang Myth na Spirit soul mula sa life line natin ng Greeks?!" Napangibit si Sasha. "Could be. and it feels like it. Pero... it's too impossible. Myths like our Spirit souls are prohibited to mingle with mortals, remember?"
Ngayon ay nalunod na sila sa pag iisip. "Then..." Good thing hindi Spirit soul ang kalaban ni Trese, pero hindi pa din nila alam kung sinong may ari ng kasing lakas noong aura. Hence, not a good thing at all.
"Then the creature she'll about to face might be just a level lower than the Spirit souls." Mahinang hula ni Tray. "You mean... the Spirits." Gatong ni Sasha sa sinabi ng kaibigan, tsaka nagpatuloy magsalita ng makitang walang ka ide-ideya sina Yussen at Ayisha. "Ang Spirit souls ang maituturing na pinakamakapangyarihan sa Spirit worlds. They have their divisions like the Greek Gods, Norse Gods, Priestesses, Angels, warriors of the Gods and alike. Though my ranking pa din sa kanila bawat division. Tulad ng sa Greek Myths, si Zeus ang tinuturing na pinaka leader. Still, all and all... they have the power to make or break down a whole world by just a single touch."
Ngayon lamang nalaman nina Ayisha na maging ang warriors pala na malugod na sumusunod sa bawat utos nila ay may ganoon ding kalakas na kapangyarihan. Napakurap kurap ang dalawa bago nakapagtanong. "Aaaaand, this Spirit you talked about earlier?" Nakiramdam si Sasha kung gustong magpaliwanag ni Tray, pero mukang mas busy iyong sauluhin bawat complexion ni Trese sa screen na naka flash sa harapan nila. Kaya buntong hininga syang nagpatuloy. "The Spirits are the next in line. They are the monsters owned and loyal to the Spirts souls. Like the punishers, chimera, griffin and ghouls in the underworld."
****
Hindi na makasingit o makapagsalita si Vipie, ngayon lalo syang nabato sa narinig mula sa paliwanag ni Sasha. Mga Mortal souls nga ng pinakamalalakas sa Myth Gods ang grupong hawak nya, hindi nya agad na check ang background information ng mga iyon dahil busy sya sa pag ha-hack ng nangyari tatlong taon na ang nakakaraan sa South Continent. Hindi din mentioned sa mga articles ang koneksyon nila doon. Hindi na naman nya kayang gawin ngayon ang research dahil sinira ni Sasha ang koneksyon nya sa lahat, maliban sa grupo nila at main base ng DWD. "No wonder they're monsters." mahina nyang bulong. Hindi sya dinig ng mga iyon dahil naka Off ang mic nya.
"But Trese sounds like not one of them. Can she take what's coming?"
*****
Nagsimula ng madala ng hangin sa loob ng barrier ang naglalakihang bato at puno doon. Hindi na din nakaligtas ang itim na hood ni Trese kaya parang simpleng tela na lang ngayon ang puting buhok nyang nadadala kung saan saan ng magulo at malamig na hangin.

BINABASA MO ANG
Skies Heart II: Secrets [Completed]
AdventureWhat is the easiest way to move on from a death of a FRIEND? To find Sora's reincarnation is finding their courage to let her go and accept that she will just stay in their memories. The Lady of Everything is their last resort, her GAME is the only...