Chapter XXXI: Stars

512 20 3
                                    

Tahimik na nakaupo si Sora habang naka salong baba sa gilid ng bintana ng kwarto nya. Tinitingala nya ang kalangitan na hindi pa din tumitigil sa pagbuhos ng mabibigat na tulo ng ulan. Nagmistulang isang malaking kalungkutan ang kadiliman ng kalangitan na mukang hindi pa balak tumahan sa pagiyak. 

Umaalingawngaw na sa napakadaming social networking site ang patungkol sa napakalaking bagyo na bumalot sa buong mundo, may mga litrato na din noon mula sa kalangitan na na-hack ng mga taong napupuno na din ng kyuryosidad ang utak. May ilang nagsasabi na malapit na ang katapusan ng mundo at ang bagyong iyon ang papatay sa lahat. Ngunit kahit gaano pa katunog at kaingay ang mga balitang iyon, wala pa ding binibigay na pahayag ang mga nakakataas na opisyal ng mga bansa. Maging ang mga balita sa telebisyon na syang nangunguna laging makiamoy sa mga bagay bagay ay nananatiling tahimik. 

"Matutuloy kaya talaga ang acquaintance party mamaya?" Mahina ungot ni Sora bago napabuntong hininga na lamang. Nakatanggap sila ng mensahe mula sa Ameleth na rain or shine daw ang pagtitipon mamayang gabi, gusto mang upakan ng mga estudyante ang presidente ng eskwelahan ay kailangan pa din nilang sumunod. Compulsory ang pag attend sa acquaintance party, at ang hindi makakapunta ay dapat may malapit na sa kamatayan na dahilan. Kung wala ay maaaring ma kick out.

"What's with the rain." May kasama na nyang kaasaran na bulong bago pinagpatuloy ang pagtitig sa kalangitan. 

****

Umupo si Sasha sa harap ng dalawa nyang kasamahang lalaki habang hinahalo ang kapeng tinimpla nya. Kakakain lamang nila ng umagahan at nagpaalam si Sora na tataas muna saglit upang tingnan kung nag E-mail ang School nila ni Tray tungkol sa pagkasuspende ng party mamayang gabi. Nang makataas iyon ay pasimple na ding nagpaalam si Yoshan na mag-iisa muna saglit sa kwarto upang pag aralan ang estado ng mundo nila ngayon. 

Nakapalibot sa kanilang tatlo ang isang invisible barrier upang hindi marinig ng kahit na sino ang pinaguusapan nila. Hindi din nila mapaliwanag pero simula ng maungkat ang issue sa misyon nila sa mundong iyon, naramdaman nila na kailangan nilang mag ingat. Though, they knew they trust the two people in that house, there's something that their guard is yelling at them.

"So tulad ng na ikwento mo Tray... naalala ni Sora LAHAT ng nangyari kagabi kahit na may kaunting koneksyon iyon sa ala ala nya?" Halo halo na ang tuwa at pagkabigla sa muka ni Yussen at napapalakpak pa. "Tapos kanina sa hapagkainan, naikwento na din nya ang tungkol kay Elune." Pagkasabing pagkasabi noon ay nalaglag agad sa kalungkutan ang nakangiting muka ni Yussen. "Kahit na hindi magandang ikatuwa ang nakita at narinig nyang marahil ay pagkawala noon."

Hindi na masisisi ni Sasha kung parang roller coaster ang utak ni Yussen sa nagisnan nilang katayuan ng mga bagay. "I have the feeling that the barrier around her memories are weakening as she also drains her power."

Nagusot agad ang muka ni Yussen sa narinig na paliwanag sa mortal ni Athena. Hindi na tuloy noon napigilan ang sarili na sabunutan ang sarili. "Bakit ba kasi kahit tayo ay hindi makausap ang mga Spirit soul natin? Para malaman natin kahit hint lang ng nangyayari kay Elune."

Humigop muna si Sasha sa kape nya bago pinaalala ulit sa pang isang daang pagkakataon na kay Yussen ang dahilan. "Masyado ngang konti ang magical particles sa hangin ng Earth. Hindi makagawa ng matibay na pundasyon ang kapangyarihan natin sa kanila."

Pinaypay ni Yussen ang kamay nya sa hangin habang ang isang kamay ay hinihilot ang noo nya. Masakit na sa ulo ang lahat ng sinasampal ng mundong iyon sa kanila. Pinag iisip sila palagi. Parang isang malaking riddle ang lahat ng bagay na dapat nilang sagutan.

Binaba na ni Tray ang salamin na hawak nya bago sumingit sa dilema ng dalawa. "What about the conspiracy of things Sasha? Have you thought about it?" 

Skies Heart II: Secrets [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon