Tumalon sa palayo si Ayisha upang iwasan ang malaking halimaw na biglang nag dive mula sa kalangitan. Napahiga pa sya upang hindi madanggit ng malaki at mataba noong katawang balot ng itim kaliskis, na nag tagal pa ng sampung segundo sa pagdaan sa harapan mismo ng muka nya. Hindi sya agad nakahinga, pakiramdam pa nya'y nakiskis sa halimaw ang dulo ng pilik mata nya habang dinadalang parang manipis na tela ang kulay bagong tubong dahon nyang buhok.
Umalon ng alikabok ng lumapag ang makakalabang halimaw ni Ayisha sa ere, kasabay noon ang mababa at nakakapangilabot noong sigaw. Agad na bumangon si Ayisha para lingunin sa likuran nya ang makaliskis na kalaban. Nasalamin pa sa maputi nyang muka ang galit at pulang apoy na binubuga noon.
"DRAGON." May inis at pagkamangha sa tono ng pananalita ni Ayisha habang nalulunod sa presensya ng malaking itim na dragon. May kalayuan iyon sa kanya ngunit damang dama nya ang bawat tulo ng pawis nya buhat ng init ng kapangyarihan noon.
Parang asong nawalan ng sasabihin si Yussen habang nakanganga sa DRAGON na nasa loob ng barrier kasama ang pinaka bata nilang kasamahan. "I thought those creatures were extinct!? The Harpy story?! Is that a bluff?!" Mukang luluwa na ang mata noon sa sobrang pagkabigla.
"The story said that the Harpys annihilate 'ALMOST' all the dragons Yussen." Sasha commented while eyeing the huge creature shaply. "...and now It's proven. They really just killed ALMOST all of them."
Napataas ang isang kilay ni Trese. "How can you be so sure na isa yang pure blooded na dragon? That lady of everything can pull off some strings to invent one."
"Look at that dragon's scale. It's not just black. It has like... 4 or five colors." Napatuon lahat ng paningin nila sa kaliskis ng malaking halimaw.
Vipie was again amused sa taas ng vision ng mga iyon, kahit ang pinakamalapit na sa kanilang si Ayisha ay maituturing na malayo pa din. But, all nodded to agree. "What's with that issue?" Tanong ni Yussen.
"REAL Dragons have that kind of characteristics. They have a confusing DNA. There is no known person na naka decrypt ng nakakalito nilang life structures. Scholars who studied their fossils even said that it's almost impossible." Paliwanag ulit ni Sasha sa mga kasamahan at saka napailing iling sa katotohanang, nasa harapan nila ngayon ang isang TOTOO at hindi birong DRAGON. Amusement and fear starts to hug her.
"So it's NOT possible na makagawa si Miskeif ng isang Lab-born dragon. Ganoon ba?" Paglilinaw ni Yussen. Sasha nodded at saka napatingin kay Tray na parang kanina pang tahimik. "Not interested in the topic?"
Tray exhale. "I already knew those things."
"So after three years, the Stubborn hard headed bastard cocoon of Tray had turned into a bookworm butterfly?" Hindi na pinansin ni Sasha ang ka OA-han ni Yussen at saka may pagkamanghang bumaling kay Tray. "Those informations were classified. No books had them. Only the councils have the access to those knowledge."
"Nice one Sasha. Classified. but blabber it to us." Monotonous na singit ni Trese pero hindi din pinansin ni Sasha, mas pinagtutuunan nya ng pansin si Tray. "She never took those things seriously. An example of a hard headed council member." Bulong ni Yussen kay Trese.
"There's a hunt going on right? To find the last dragons proven to still exist in the South continent. The place were people never had the access to." Sagot ni Tray sa nakakamatay na titig ni Sasha. "And you're one of them, the people that the Council hired?" Tanong agad ng babaeng myembro ng Council, may halong pag-aalala ang muka noon.
"I didn't know if they hired for more though. They just gave me a request including the description of the job and the possible reward. Asking for further information was never really my genre." Tray answered with a shrug.
BINABASA MO ANG
Skies Heart II: Secrets [Completed]
AdventureWhat is the easiest way to move on from a death of a FRIEND? To find Sora's reincarnation is finding their courage to let her go and accept that she will just stay in their memories. The Lady of Everything is their last resort, her GAME is the only...