Chapter XIII: Is it already starting?

651 23 0
                                    


Sa sumunod na mga araw sa rest day ng grupo nila sa Moani, mas lalong kumapal ang yelo sa pagitan nina Trese at Tray. Hanggat maaari, hindi na sila nagkakakitaan o nagkaka amuyan man lang. 

Napili ni Sora na magkulong sa kwarto nya at lumalabas lamang kung kukuha ng makakain o manuod ng TV pag wala si Tray. 

Si Tray naman ay mas gustong sa labas na lamang magsayang ng oras nya. Training minsan, pero madalas ay paharang harang sya sa madaming tao para may isang hangal na grupo ang magyaya sa kanya ng PVP. Good way to kill time since para syang wild animal na pinag lalaruan muna ang kakainin nya bago ito tuluyang iligpit. 

Lahat ng kasama nila sa grupo takang taka na sa inaasta nang dalawa, pero mas napiling manahimik na lamang muna. They don't know why, but it feels like he two have a serious war going on: On their self, and on each other.

After facing the Morcefs, Sasha choose to train herself first. Outside the city, in one of the lands for games. Kaya ilang araw na syang wala, pero mahigpit na pinagbilin ang dalawang Assassins na pakiramdam nya ay malapit ng magtagaan ng litid sa leeg. 

Napapabuntong hininga na lamang naman sina Kria na halatang halata ang pag iwas nang dalawa sa isa't isa. They were more like ghost rather than rivals to each other.


6:30 P.M -The night before level 2.

Pinagtuunan ni Kria ang paglilinis sa buong Inn buong araw, nakakahiya daw kung malalaman pa ng mundo ng DWD ang pagiging dis-organisadong tao nila. Kaya si Yussen na may sa binagyong kwarto ang napili nyang parusahan at gawing katulong maghapon.

"Pagod na ako Kriaaaa." Ungot noon habang nag pupunas ng sahig. Namewang si Kria na nag aayos ng kurtina sa may veranda. "Ikaw ang may pinakamaduming Kwarto Yussen. Kalahati pa ng kalat sa sala at kusina, ikaw ang may dahil. Ilang araw pa lang tayo, para kang ahas na nagluluno." Bwelta noon bago pinagpatuloy ang ginagawa at hinayaan na lang ang nagmamakaawang si Yussen. Wala na namang nagawa ang lalaki kundi sumunod na lang. Ganito talaga si Kria, ayaw nya ng madumi ayaw nya ng magulo. Noong nakakulong pa lang sila noon sa selda ni Reed, sya ang naglilinis ng lahat ng pinaghigaan nila. AT lahat pa ng tupi at pagkakapatong, PANTAY PANTAY. Wala syang hawak na ruler pero parang sinukat iyon. 

Kaya pag may magulong gamit. Ganito sya. Daig pa ang babaeng hindi mawalan walan ng dalaw. 

Lipad sa kung saang dimensyon ang utak ni Yussen sa pag-iisip at pagod na may kasamang pagsisisi, kaya parang bomba sa pandinig nya ang boses ni Kria nang mapansin noong parang nangangarap na sya ng gising. "Yussen! Bilisan mo naman." Untag noon kaya parang pusang nanaas ang lahat ng balahibo ni Yussen bago biglang binilisan ang pagpupunas. 

Sa kamalasan nang hangin sa paligid ni Yussen ay nadulas sya sa sariling basahan at nagdagasa pa sa kokretong sahig na una ang ulo.

Para namang nagising sa katotohanan si Kria kaya agad nyang dinaluhan ang lalaking parang nangingisay na sa pagkakahalik sa sahig. "Paanong nauna ang muka mo?" Taka noong tanong habang inaalalayan ang kaibigan. 

"Diba dapat ang unang tanong ay kung okey lang ako?" Naluluhang ungot ni Yussen.


*****

Nakatulala sa kisame si Sora at naghihintay ng pangsampung butiki na dadaan doon ngayong araw. Naging hobby na nya iyon mula nang magsimula syang magkulong sa sariling kwarto. Good thing ayos na ang pinto nya, wala nang makakaabala sa 'loner-mode' nya. 

Sehire said it was Tray who fixed it, pero narinig nyang buong tanggi ang lalaki at pinapasok nya lang daw ang room service para ayusin ang nireport nilang dalawang pinto sa kwarto nila. Yussen continued to teas him, but then he ended up face-palmed on the wall before Tray left.

Skies Heart II: Secrets [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon