Ang malamig na dampi at sariwang simoy ng hangin ang unang naramdaman ni Sora ng magkamalay tao sya. Masyado pang mabigat ang talukap ng kanyang mga mata, kaya kinailangan pa nyang dahan dahang imulat iyon upang masilip ang paligid. Sa mga magkakadikit nyang pilik mata ay ang puting kisame ng LHB ang unang bumugad sa kanya. Mga ilang segundo pa nyang pinakatitigan iyon bago nagawang makita sa gilid ng mata ang swero sa kaliwang parte ng kamang hinihigaan nya.
Unti unti na nyang naalala at na absorb ang nangyari. Ang pag release all nya, ang naging pangyayari sa Earth at ang laban nila kay Dohan. Agad din syang namula ng masa-isip ang huling parte ng pangyayari sa kanyang ala ala.
Dahan dahang nagtungo ang mahina pa din nyang kamay sa labi nyang ilang araw nang tuyo sa sariling laway. "I love you more Sora Leire." Lalo syang sumabog sa kapulahan ng maalala ang mga katagang iyon bago sya nawalan ng malay. Ngunit bago pa man sya mapa-irit sa tayo ay may narinig na syang mahinang pag ungot sa gawing kanan nya. Noon lang nya tuluyang naradmaman at napagtanto...
Hindi sya ang nag iisang nakahiga sa kama.
Tulog na tulog si Tray habang nasa tabihan ng namumula at gulantang na si Sora. Naramdaman marahil noon ang lamig ng paligid kaya siniksik pa nya ang yakap yakap nyang si Sora sa sariling katawan. Para namang malambot na unan lamang si Sora na walang imik na nagpadala sa higit noon.
"This is so fun to watch." Biglang napatingin si Sora sa dako ng lalaking nagsalita at nabato sa tayo ng makitang nakaupo si Sehire sa gilid ng kwarto, may hawak na libro at nakangiting pinapanuod silang dalawa ni Tray.
"Ganyan lagi ang sinasabi ni Sehire tuwing nakayakap ng ganyan sayo si Tray, Sora" Namutla pa ang Viesrayon ng makitang nandoon din si Ayisha at nagtitimpla ng kape. Nakangiti iyon habang nakatingin sa kanya, ngunit hindi sya makangiti pabalik lalo na't nasabi noong naging 'hobby' na pala ni Tray ang tayo nilang iyon.
"This is a better coverage than yesterday." Natatawa ding bati ng muka ni Yussen sa mata ni Sora. May hawak iyong cellphone at vini videohan silang dalawa ni Tray.
Nahagip na agad ni Sora ang sword nya at tinusok sa pader ang cellphone na hawak ni Yussen. Agad kumiliti sa hangin ang magiliw na tawa ni Kria na nakasilip pala sa bintana ng kwarto nya. Hindi na din sya nagulat ng nandoon din si Sasha at nakaupo sa may binatana, at katabi din noon si Zhelone.
"So everyone is here huh." Sa nagdaang mga segundo, gusto muna ni Sora na ibuka ang lupa at magtago muna doon. Hindi sya makagalaw sa mahigpit pagkakayakap ni Tray, at kumapal pa ang kahihiyan dahil nakapaligid sa kanya ang mga kaibigan nilang sa kanila lamang nakatuon ang tingin.
AWKWARD.
"Would you please help me kick him out of the bed." Hiling na lang nya sa mga iyon habang pinipilit ang sariling hindi magwala sa kahiyaan.
Saglit na katahimikan ang nakipag usap sa lahat bago nag salita si Sasha. "Tray... Umayos ka na nga ng tayo. Dalawang segundo lang bago gumalaw si Sora nakikipag usap ka pa samin."
Singbilis ng balang napabaling ang ulo ni Sora sa katabi nyang muntik na nyang makauntugan dahil sa sobrang lapit ng muka. Isang mata pa lang noon ang nakamulat at nakatingin na pabalik sa kanya. Punong puno man ng bandage, galos at pasa ang muka ng Ziellhie ay hindi maikakaila ang napakadamot na kagwapuhan noon.
For a moment, Tray seems like glowing on his own. It must be the warm light of the day peeking at her room, but Sora could not help but blush in his cuteness.
"What's happening to me." Irita nyang bulong sa sarili at haras na siniko sa tyan si Tray upang mabitawan na sya noon. Nagtagumpay naman sya dahil tuluyan ng nahulog sa kama ang lalaki, ngunit sa paggalaw ng katawan nya ay naramdaman nya din bahagya nag pagkahila ng tahi sa may parteng tyan nya.
BINABASA MO ANG
Skies Heart II: Secrets [Completed]
AbenteuerWhat is the easiest way to move on from a death of a FRIEND? To find Sora's reincarnation is finding their courage to let her go and accept that she will just stay in their memories. The Lady of Everything is their last resort, her GAME is the only...