Chapter XV: Cell 310; Prisoner A

650 30 12
                                    


Pare-pareho ang maaasim na reaksyon sa muka nilang lahat sa sinabing pamumula agad ni Tray. The place looks gloomy, scary and dangerous, enough para mag dagdag ng kakabahan sa mangyayaring laban. Pero mukang sanay na talaga sa pangitaing ganoon ang lalaki. "So Arrogant." bulong ni Sasha doon na may pasimple pang kurit sa may tagiliran. 

Natapos na sa paglalagay ng spell nya si Sehire kay Sora. Napapangiti lalo ang laging nakangiting muka noon, kaya mula sa maalat na tingin ni Sora kay Tray ay napalitan ng pagtataka ang muka ng babae ng bumaling kay Sehire. "Ano na namang problema mo?" Tanong nya sa lalaki.

"You want to know why Tray suddenly become cold and serious?" Sehire answers almost teasing. Pasimpleng umirap si Sora at nagpumilit kumapit sa pader para tumayo. "He always have that side." Bulong nya sa sarili. Napili nang babaeng wag na lang pakialam ang iniisip ni Sehire. Sigurado syang pangingialam at pamemeste lang iyon sa kanilang dalawa ni Tray. 

"They're not as easy as they look Mr. Ziellhie." Natatawang paalala ni Vipie sa grupo. "They are the prisoners in cell 310, and as what I've said--"

"I still don't give a damn." May paglagay pa nang kamay sa likuran ng ulo nya ang mayabang na si Tray. Nag init agad ang dugo ni Vipie doon pero hindi pa din nagpatalo. Gigil pero pinilit nyang magpaka cool nang sumagot. "My..My..My.. What an ignorant man." She said almost gritting her teeth.

"I'm, not ignorant, I'm just powerful..." He smirks then continue. "...and handsome." Napasampal sa noo nya si Sasha sa halatang nasa mood na mantrip na lalaki. "They're dangerous monsters! Did you know their sins? Is inhumane and dreadfully immoral crimes!" Asar nang sigaw ni Vipie. Sasagot pa sana si Tray na kulang pa ang adjectives na iyon para sa mga nagawa nya mula bata sya, pero saglit na natahimik ang mundo nila sa batang nagsalita.

"Ako ang una!" May pagtataas pa ng kamay si Ayisha. Nawala lahat ng poise ni Tray, halos mapatumba pa iyon sa kinatatayuang sahig na malapit sa bangin. Halos mautal utal pa iyon na nag reklamo sa bata. "Why Ayisha? Whhhhhhy?" Naunahan na naman ang Ziellhie sa pagiging Buena mano. Isang bagay na sinumpa at tinaga na nya sa batong hinding hindi mangyayari. 

"Sorry Tray." Nakangiti noong tugon.

Ayaw man ni Sasha isipin, pero naiiling na lang sya sa mentalidad nya. She has the feeling that Ayisha wants to be the first because she's of no use to Trese's recovery. "It can't be help though." Buntong hininga nyang bulong.

"Okey, okey, okey. Pero bago ang laban, pumili muna kayo nang number of swaps." Pinindot ni Vipie ang isang dilaw na button sa controls nya. Lumabas na ulit sa harapan nila ang syam na dilaw na boxes na pagpipilian sa swaps. Tiningnan nya agad ng masama si Tray at akmang sisipain kung balak nyang mangialam. "Don't you dare do the same thing."

"You're the one who initiated it in Level 1." Hindi pa din nakaka get over ang dismayadong muka ni Tray sa ginawang ka trayduran ni Ayisha. Kaya halos magmuka na syang gurang na sumagot sa babae.

Pinaikot ikot ni Sasha ang daliri nya, hindi na iyon nag aksaya pa nang oras at pinindot na agad ang pangatlong kahon. Nang bumaliktad iyon ay halos magbunyi silang lahat. "5"

"Oh. Five. At least it's more then '0'." Natatawang asar ng Game Host nila. Napapairap na lang silang lahat, pero napalitan din ng halos maghalo halong parte ng muka ang ekspresyon sa muka nila nang marahang matalo ng mas nakaka irita at mayabang na halakhak ang tawa ng Game host. "We won't need swaps anyway. Idiot." Pinagpatuloy pa noon ang parang nagtatawag ng kampon ng kadilimang halakhak. 

"He's starting to feel weird." Bulong ni Sasha at marahang lumayo kay Tray kasama ang batang malapit doon. 

Bumaling muli si Sehire kay Sora at saka nakangiting bumulong. "Now, you want to know why?" Pero hindi na lang ulit sya pinag ukulan ng pansin ng babae. She has a feeling that she'll regret having the knowledge that Sehire knows. 

Skies Heart II: Secrets [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon