Chapter XXIII: Crawling with the Night

638 20 5
                                    

Mabigat at magaan sa pakiramdam ni Sasha ang pagkakakita sa kapatid na nawalay sa kanya ng halos labing isang taon. Hinding hindi nya mahuhulaan sa talang buhay nya na sa ganoong oras, panahon at paraan ang magiging tagpuan ng senaryo nilang magkapatid. 

Tatlong taon na ang nakakalipas ng makita ni Sasha sa vision nya sa river of screams ang pagkakaligtas kay Irene. Mula noon ay pinangako nya ang paghahanap doon, sinimulan na din nyang ulit ulitin ang litaniya ng paghingi ng tawad sa nagawa nya sa pamilya nila. Mga katagang hindi man lang dumulas sa dila nya ngayong kaharap na nya ang kapatid, dahil sa sobrang gulat at saya ng pakiramdam na umuusbong sa kanyang dibdib. Hinihila noon pabalik ang dila nya, at maging ang utak nya ay walang magawa kung hindi magyelo.

Isang dahilan din kung bakit napili ng mortal ni Athena na maggala sa iba't ibang United World ay para matunton iyon, dahil ayon sa mga taong nagligtas sa kanya ay huli iyong nakitang nag pa planong kumalap ng lakas para iligtas sya. 

Ginugol nya ang oras sa paghahanap sa kapatid at pagpapalakas sa sarili. Pero sa paglalaro ng tadhana sa hibla ng buhay nya, SOBRANG lapit lang pala noon. As what Sora is explaining to them both, turns out Irene was near her life all along

Nasa Eula lang.  

Nasa council lang.

Kasama pa nina Giya Viesrayon na ilang beses nyang nakaharap.

"Sasha..." Hindi alam ng lahat kung ilang dekada ng magkatinginan ang dalawang Laizen sa harapan nila. Magtatanong pa sana si Yussen kung anong mata sa mata ang nangyayari kay Sasha at sa babaeng kilala ni Sora, pero nang mapagtanto ang parang pinagbiak na bungang mga muka ng dalawa ay napatahimik na lamang iyon. 

Ang nakakatandang si Irene ang unang nagkaroon ng lakas upang maglakad palapit sa kapatid nyag hindi pa din nakakahanap ng pambasak sa yelong nagpatigil sa kanya. She slowly reaches out her trembling hand to the blown face of Sasha, just to make sure what in front of her is not some form of her illusion. 

The warmth in Sasha's cheeks flood up the bags in Irene's eyes, making it rain in her face without her even noticing it. The bullet hit them both unguarded, so they allow the noise, chaos and eyes around them disappear for a while before feeling the embrace of their long lost and only family.

Hindi na tanda ni Sasha kung ano anong mga salita ang nasabi nya nang magkayakap na sila ng ate nya. Maging si Irene ay nawala ang pagiging matikas sa patuloy nyang pagsasalita habang nasa bisig ang kapatid. Animoy bumalik ang oras sa panahong pareho pa silang bata, noong huling beses silang magkita. 

"Ang laki laki mo na." Natatawa habang patuloy pa din sa pagiyak na biro ni Irene. 

Sa pagtatagpong iyon bumalik lahat sa ala ala ng dalawa ang pagkamatay ng magulang nila, ang pagkakadakip kay Sasha at ang napakatagal na panahon nilang magkahiwalay. Alam nilang kahit anong tagal na ang lumipas ay hindi pa din nasasaraduhan ang malalim na sugat sa parte ng buhay nilang iyon. Pero dahil sa mainit na yakap nilang magkapatid, noon lamang nagsimulang maghilom lahat lahat. 

Masaya si Tray para sa kaibigan nyang nalimutan ata ang composure at poise ng mayakap ang kapatid, pero may kumukulbit kulbit na naman sa mentalidad nya, kaya napagdisisyunan nyang hilahin pababa ang buhok ng babaeng nakakaalam ng lahat.

"Ano?" Tanong agad ni Sora ng pwersahan syang ilapit ni Tray.

"It's impossible na hindi alam ni Giya na magkapatid ang dalawang yan. Muka silang kambal na magkaiba lang ang nalubluban na pinta." Bulong noon upang hindi maka istorbo sa reunion sa harapan nila. "We'll it's a long explanation to make." Sagot ng Viesrayon sabay irap. Pero hindi pinakawalan ng lalaki ang buhok nya at pinandilatan pa sya. 

Skies Heart II: Secrets [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon