A/N: Here comes the trailer of skies heart! (^__^) Thanks @zerosixpercent sa laging pagpapaalala.
*****
Unti unting minulat ni Sasha ang mga mata nya at nilunod doon ang pigura ng puting kisame na una nyang nasilayan. Masyado pang pagod ang utak at mata nya sa mga nangyari kaya ilang segundo din muna ang lumipas bago sya napabalikwas ng bangon. Animoy tubig na rumagasa ang mga ala ala sa kanya, nasa gitna sila ng kaguluhan sa DWD island, nawawala si Sora at nasa panganib na magamit ng maling tao ang kapangyarihan ni Miskeif. Ang malala pa sa lahat ng malabangungot na nangyari ay ang kalaban nyang taga Krous.
Ang weirdong babae na si Two.
Huling tanda nya ay nagkakagipitan na sila ng pangil noon, alam nyang may pag asa syang manalo laban sa babae. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla na lamang nyang hindi magamit ang God's Power nya, at bago pa man sya makatapos sa isang segudong gulat at pagtataka ay napagsunod sunod na agad ni Two ang atake sa kanya.
The last thing Sasha remembers is Two's grinning face looking down at her. She hates to admit it, but she really thought she would die after losing consciousness. But observing the place, alam nyang nasa isa sya sa LHB (Light Healing Building).
Tinuon ni Sasha ang mata sa may bintana ng kwarto nya. Base sa araw, magtatanghali na. Lalong napuno ng napakadaming tanong ang utak nya sa kung anong nangyari sa labanan ng nagdaang gabi at kung paano sya nakaligtas sa kuko ni Two.
"How long will you keep on ignoring me, Sasha?" May kaunting gulat ang baling na iyon ng babae sa kaibigan nyang si Sehire na kaninang kanina pa daw sya tinatawag at tinatanong ng pakiramdam nya. Imbis na sagutin iyon ay ang petsa at mga pangyayari ang inalam nya.
"Tell me I did not sleep for days." Hula nya sa tinig na mukang hinugot sa kailaliman ng lupa. Hindi nawawala ang nakakurbang ngiti ni Sehire kaya hindi alam ni Sasha kung tama o mali ba ang hula nya. Bubuka na sana ang bibig ng mortal soul ni Hermes para sagutin ang namumutla at nagmistulang binagyong pagkatao ni Sasha, pero naunahan sya ng irit ng isang lalaki sa kaparehong kwartong iyon.
Napabaling si Sasha sa kabilkang direksyon na kabaliktaran ng kinauupuan ni Sehire. Noon lamang nya napansin ang kurtina palang naghahati sa kwartong kinalalagyan nya, kita na din nya ang malamlam na anino ng isang lalaking nakaupo sa sariling kama nya. Hindi na nila kinakailangan pang hulaan kung sino ang may ari ng mala bibeng irit na iyon.
"Gising ka na din." Nakangiti pa ding bati ni Sehire ng pasimpleng silipin ang nasa kabilang kurtina. Tuluyan na nya iyong binuksan kaya nagkaharap na din ang mga pasyenteng sina Yussen at Sasha na nakaguhit pareho sa muka ang pagkagulat at pagtataka.
Hindi na kinailangang tanungin pa si Yussen ng nangyari sa kanya dahil sya na mismo ang mabilis na nagkwento, napagtanto nila ni Sasha na parehong pareho ang nangyari sa kanila. They thought they're winning, but a sudden bomb explode on their faces.
Their God's power were blocked.
Napalunok si Sasha at akmang aalamin kung nakakagamit pa sya ng kidlat, pero mabilis iyong nahawakan ni Sehire sa kamay upang pigilan ang binabalak nya. "You don't want to destroy this building." Judging from Sehire's action, alam na ni Sasha na alam na noon ang mga nangyari.
"Una sa lahat, you're only unconscious for 7 hours." Both of Yussen and Sasha are quiet relieved by that fact. " and the reason why your powers were blocked, is because of this." Iniharap ni Sehire sa kanilang dalawa ang dalawang kulay dilaw na bracelet na mukang nasunog at naluma na ng panahon. "Those two from Krous manage to wear these onto you, thus blocking your connection with your powers due to the binding spell they added on it. To make the matters worst, they use a dark magic version of the binding spell, so it's stronger than the normal ones."
![](https://img.wattpad.com/cover/36666208-288-k390413.jpg)
BINABASA MO ANG
Skies Heart II: Secrets [Completed]
AdventureWhat is the easiest way to move on from a death of a FRIEND? To find Sora's reincarnation is finding their courage to let her go and accept that she will just stay in their memories. The Lady of Everything is their last resort, her GAME is the only...