Chapter XXIV: Ricochet

555 18 3
                                    



Nasa bubungan ng LEN sa Assuara sina Yummen at Sain, maganda ang tanawin sa lugar na iyon dahil sa nasa mata nila mismo ang unti unting nagpapaalam na araw. Isinasama na noon ang liwanag ng umaga habang iniiwang bakas ang kadiliman ng gabi.

Malamig at maaliwalas ang samyo ng hangin na nakikipag sayaw sa mahabang nakalugay na asul na buhok ni Yummen. 

Maganda na sana.

Kung hindi lang dahil sa hindi mabilang na maliliit na robot na umuulan mula sa napakalaking sasakyang pangkalawakang tinitingala ng lahat ng tao sa Caelum, magpapaalam na sana ang lahat sa araw na dumaan ng wlaang pag aalala.

Pero nasa harapan na nila ngayon ang panganib na kanina pang pinaalala sa kanila ng myembro ng Council. Ang isa sa Krous number na kasalukuyan pang hina hack ng mga taga DWD kung anong pagkakakakilanlan.

"Damn these foreigners." Asar na bulong ni Yummen sa pinakakalma nyang walang emosyong muka.

Parang inabandunang lugar ang buong Assuara na tanging mga LEN at Council members na nakatingala sa mga makinarya ang nakatayo at nag iintay.

Lahat ng sibilyan ay inilikas sa malawak na kalupaan ng kuta ng mga higante sa Lalt Town, hindi man maintindihan ng lahat kung paano napaamo ng council ang mga higante ay mas kampante sila doon kaysa sa mga bahay nila. Lingid sa kaalaman ng mga tao ay si Sora mismo ang nakipag usap sa mentalidad ng mga higante at inuutos lamang noon sa Concil ang paglilikas sa mga sibilyan sa lugar. Wala sanang susunod sa sinabi nya, pero wala ng nagawa ang Council nang ang Head mismo na si Vinisho ang nag-apruba ng utos mula sa Viesrayon.

Mabuti na lamang at wala ng sibilyan sa paligid, maaaring lumaban ang mga kinauukulan para maipagtanggol ang tahanan nila.

Lumagpak na sa lupa ang daang daang mga robot na tinitingala lang nang lahat kanina. Hindi man lang nagkaroon ng komprontasyon o titigan ang dalawang panig ay nag init na agad ang labanan sa lugar. Aatake na sana si Sain sa ibaba nila kung saan nakikipag laban na din sina Horio at ang iba pa nilang kasamahan, pero may malakas at maalisansang na amoy ang humigit sa mata nya patungo sa Timog na bahagi ng Eula.

Mabilis na nagtungo ang mata nya sa babaeng kasama sa may bubungan. Hindi sya nagkamali sa hulang alam na noon kanina pa ang presensya ng kakaibang mga halimaw sa parteng iyon.

Ilang Segundo ang lumipas, wala pa ding imik si Yummen. Wala pa ding emosyon ang mata noon at animoy wala na ding nadidinig. Naka tuon lang ang buong pansin noon sa amoy at paggalaw na nadadala ng hangin mula sa Timog. "Dragons..." Mapait noong sambit.

Bahagya mang nagulat si Sain sa nasabing mga nilalang ay hindi na din sya nagulat. Mga ganoong klaseng halimaw ang maaasahan sa lakas ng aura na umaabot hanggang sa tayo nila, kahit na napakalawak na karagatan ang layo noon. "If you're going to fight there. Take me with you."

Pero imbis na mabilis na hangin na nagdala sa kanila ang dumampi sa balat ni Sain ay ang lupa sa paanan nya ang sunod nyang nakita. Mabilis nang tumalon ang Zilliantx mula sa may bubong ng LEN at sinama pa sya sa pagbagsak.

Kaswal silang binati nina Horio at nang ilang member dahil sa matagal tagal na din silang hindi nakita ng iba sa mga iyon. Pero sa isang palaisipan lang nakatuon ang takang takang muka ni Sain. "Those are Dragons." May kaunting gigil na bulong nya sa babaeng napatumba agad ang dalawang robot gamit ang isang malakas at matilos na kumpas ng hangin. He wants to go there, badly that he could almost wish Yummen could be thirsty for some dragon flesh.

"The mortal of a God can take care of it. For the time being, I need to do something." Tugon noon sa nanlulumong pantasya ni Sain bago tiningala ang malaking robot na patuloy sa paglaglag ng maliliit na makinaryang nagdadala ng kaguluuhan sa buong Caelum.

Skies Heart II: Secrets [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon