Maaga akong gumising para ipaghanda si Enzo ng pagkain pero paggising ko ay wala na ito. Nagtanong ako sa mga tauhan ng hotel kung nakita nila si Enzo at ang sabi ay maaga itong umalis.
I bit my lower lip.
Hindi man lamang nito ang nagawang magpaalam sa akin. Maging ang kape na tinimpla ko ay hindi nagalaw.
I sighed.
Nagbihis na ako at sa restaurant na lamang sa baba kakain bago umuwi.
Habang kumakain ay may unknown number na tumatawag sa akin.
"Hello?" I answer the phone.
"Hello maam. Ako po yung driver na iniwan ni Sir Enzo. Ako po si Mario. Nasa parking lot lang po ako at kung kailangan nyo po ng sasakyan ay tumawag lang po kayo sa akin at pupuntahan ko kayo." His voice seems old and warm. He seems like a kind and gentle person.
"Sige po. Thank you."
Matapos kumain ay tinawagan ko na si Mang Mario para magpahatid sa bahay.
Bahay? Saang bahay nga ba ako uuwi?
"Mang Mario?" I called him.
"Ano iyon, ma'am?" he asked while driving.
"Saan po ang punta natin? Bakit parang hindi naman dito ang daan papunta sa bahay namin."
"Tama po ma'am ang dinadaanan natin. Dito po ang daan papunta sa bahay ni Sir Enzo."
Natigilan ako sa sagot ni Mang Mario.
"Ayos lang ba kayo, maam?" tinignan ako ni Mang Mario sa salamin.
I nodded.
"Wag nyo na nga po akong tawaging maam. Tiara na lang po."
Mang Mario chuckled. "Para kang si Enzo, hija."
I smiled.
So he's also calling him by his name.
Ng tumigil ang sasakyan ay tumambad sa akin ang isang napakalaking bahay. Mukhang mas malaki pa ito sa bahay namin.
So this is my new house? My new home?
Bumaba na ako ng sasakyan at papasok pa lamang ako ng bahay ng makitang palabas si Enzo.
Ngumiti ako para batiin sya ngunit hindi man lamang nya ako tinapunan ng tingin at derederetso ang lakad papasok ng kotse nya na nasa harapan lang ng kotseng sinakyan ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Stars
Teen FictionWill this story end happily ever after? Will this make them go into tears? Will she be able to chase the star?