"Where is Enzo?" Dad asked.
It's dinner already and Enzo is not talking to me. He's avoiding me.
This is just so messed up. I messed up.
This is bad. Baka mahalata kami.
"Masama daw ang pakiramdam sabi nya saken kanina kaya sinama ko na si Tiara." Mom said.
"That punk. What is he thinking? He's just fine a while ago. It's nice that we are almost complete and can eat dinner but he's trying to ruin it." Dad said.
Hindi dapat magalit si dad kay Enzo. Baka hindi nya makuha ang mana nya ng dahil sa pag-iwas nya sa akin.
"I'll call him, dad. At kung hindi nya talaga kayang makakain ngayon I think I need to bring him food and take care of him." I said.
Dad smiled. "Thank you, hija."
Tumayo na ako para puntahan si Enzo sa kwarto.
Kinakabahan ako pero kailangan ko tong gawin. He's doing all of this act for his inheritance and I might ruin his plans if I will not talk to him.
Those sweet gestures and words- maybe I am really just mistaken.
Kumatok muna ako sa kwarto bago ko iyon buksan.
"Enzo?"
Pumasok na ako. Madilim ang kwarto kaya kinapa ko kung nasaan ang switch ng ilaw.
Natigilan ako ng tumitibok na ang pader na kinakapa ko.
"Are you enjoying touching my chest?"
Napaatras ako ng mabosesan na si Enzo iyon. At sa pag-atras ko ay may natapakan akong kung ano kaya naghanap ako agad ng mahahawakan at nahigit si Enzo ng hindi sinasadya kaya sabay kaming bumagsak sa sahig. Kasabay ng pagbagsak namin ay ang pagbukas ng ilaw.
"What happened?" naghihisterical na tanong ni mom.
Pero natigilan ito ng makita ang pwesto namin at agad na isinarado ang pintuan.
"I'm sorry." Sigaw nito sa labas ng pinto.
Napatingin ako kay Enzo at wala itong damit. Basa pa ang buhok at nakatapis lang ng tuwalya.
Nanlaki ang mata ko at agad itong itinulak.
Agad akong tumayo at umiwas ng tingin kay Enzo.
"Ouch! Damn it!"
Napatingin ako dito at hinihimas nya ang noo nya.
BINABASA MO ANG
Chasing Stars
Teen FictionWill this story end happily ever after? Will this make them go into tears? Will she be able to chase the star?