After 5 years........
"Mama! Mama!"
I smiled when I saw her running towards me. Pagod ako galing trabaho pero nawala ng tuluyan ang pagod ko ng makita ko sya.
"Slowly, anak. Baka madapa ka." I said.
Binuhat ko ito ng makalapit ito sa akin.
"What is your pasalubong, mama?" she asked.
I smiled saka ipinakita sa kanya ang supot na bitbit ko.
Ibinaba ko na si Tala at hawak kamay kaming pumasok sa loob ng maliit naming apartment.
Tala... she's really a smart, sweet and kind kid.
I'm blessed I have her in my life.
Nang matapos naming kumain ng hapunan ay nahiga na kami sa banig habang yakap yakap ko sya.
"I love you, mama ko." She said half asleep.
I kiss her forehead. "I love you too, anak."
Napatitig ako sa mukha ni Tala.
"I'm sorry, anak. Hindi mo dapat nararanasan ang ganitong buhay. This is all my fault." I whispered and a tear scape from my eyes.
Kinabukasan ay iniwan ko na naman mag-isa ang anak ko sa apartment dahil wala akong mapaghabilinan sa kanya.
"Wag na wag kang lalabas ng bahay, anak. Okay?"
Tala nodded. "Opo, mama."
I patted her head. "Good girl. Wait for mama, okay?"
She nodded.
"Nakahanda na ang pagkain dyan kaya kumain ka lang kapag nagugutom ka."
Isinara ko na ang pintuan at nagsimulang maglakad papunta sa factory na pinagtatrabahuhan ko. Maliit lang sahod dito pero nakakaraos naman kami ng anak ko. Saka ito lang ang tanging trabaho ng tumanggap sa akin.
"Tiara. Okay na ba ang pakiramdam mo?" Manang Maring asked.
"Oho." I replied.
"Juskong bata ka. Hinimatay ka na nga kahapon tapos ngayon ay pumasok ka pa."
"Sayang po ang sahod eh. Maayos naman na ho ang pakiramdam ko."
"Palagi ka na lang nawawalan ng malay, hija. Minsan ay nagsusuka ka pa. Dapat ay nagpapacheck up ka na at baka may sakit ka at makalala iyan."
BINABASA MO ANG
Chasing Stars
Teen FictionWill this story end happily ever after? Will this make them go into tears? Will she be able to chase the star?