chapter 7

344 7 0
                                    

Nag-ayos na ako para magdala ng pagkain kay Enzo.


Nag-taxi na lamang ako dahil hindi ko naman alam kung nasaan ang mga susi ng sasakyan sa bahay. Ang dami-daming sasakyan pero hindi ko naman magamit.


Ng makarating sa tapat ng building ng Estrella Empire ay bumaba ako.


Hinarang agad ako ng gwardya ng makitang hindi ako empleyado ng kumpanya.


"Pasensya na maam. Bawal pong pumasok ang hindi empleyado." The guard said.


"Ah. Ganon po ba? Pwede po kayang ipaabot na lamang ito kay Enzo?" magalang na pagkakasabi ko at ipinakita ang bag na may lamang pagkain.


"Enzo ano po maam? Ipapadala ko na lamang po sa kanya."


I smiled. "Enzo Estrella po."


Halatang nagulat ito sa sinambit kong pangalan.


"Enzo Estrella?"


"Opo. Naiwan nya kasi ito sa bahay kaya dinala ko na lamang dito."


"Saglit lang maam, ha." Sabi ng guard at may kinalikot sa phone nito.


"Maam kayo po ba ito?" tanong guard at may ipinakitang wedding picture namin ni Enzo mula sa internet.


"Opo ako nga po iyan." I said then smiled.


"Naku maam. Pasensya na po. Dapat nagpakilala agad kayo. Sige po pumasok na kayo. Nasa top floor po ang office ni Mr. Estrella." Magalang na sabi nito at gumilid para makadaan ako.


"Sige po. Thank you."


Dere-deretso na ako pumasok at sumakay ng elevator. Pinindot ko ang top floor at ng makita ako ng secretary ni Enzo ay halatang nagulat ito.


Does she know me?


Nasa labas ito ng office ni Enzo at nag-aayos ng mga papel. She looks young.


"Uhm. Hello." Bati ko sa secretary.


She smiled. "Hello po Maam Tiara."


Nagulat ako dito. "You know me?"


"Ofcourse, maam. Your Mr. Estrella's wife."


"Nandyan ba si Enzo? May ibibigay lang sana ako sa kanya."


"Opo maam. Pumasok na lang po kayo sa loob." She said then smiled.


Naglakad na ako papunta sa tapat ng pintuan at huminga ng malalim bago buksan ang pinto.


As I opened the door my heart dropped at the scene I caught.


A woman sitting on Enzo's lap while kissing his neck.


Sabay na napalingon sa akin si Enzo at yung babaeng nasa kandungan nya.


"I'm sorry." Iyan lang ang tanging lumabas sa bibig ko at isinarado ko ang pintuan.


Dahil naging blanko na ang utak ko ay natabig ko ang basurahan sa tabi ko at natapon ang laman nito. Ang basag kong puso ay parang pinong pinong dinurog ng makitang naroon ang mga lunch box at tupper ware na ipanapadala ko.


He's throwing them away.


"Maam, are you okay?" agad na tumakbo patungo sa akin ang secretary nya.


"Can you please just give this to him? He seems busy." I said and gave her the bag before walking fast to the elevator.


Nanlalambot ang tuhod ko kaya kumapit ako sa gilid ng elevator para hindi tuluyang mapaupo.


Para akong tinakasan ng dugo.


Walang buhay akong naglakad patungo sa kung saan.


This is too much.


Naghahalo halo na ang emosyon ko.


I feel tired.


Betrayed.


Sad.


Mad.


Alone.


Unloved.


I didn't even imagine that this will happen.


Walang akong ni katiting na puwang sa puso nya.


So he did this behind me?


I didn't know but I just feel my body touch the hard ground.


I black out.



Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon