Namumula ang aking pisngi habang pinapanood si Sir Silas na punasan ang pagkababae ko. Kunot na kunot ang noo niya, seryosong seryoso sa ginagawa. Napaigtad pa ako nang masanggi niya ang pagkababae ko kaya naman napatingin siya sa akin.
"So sensitive," sabi niya bago ngumisi at pinagpatuloy ang ginagawa.
Ngumuso na lang ako at hindi na siya sinagot pa. Habang ginagawa niya iyon ay hindi ko inaasahan na makakatulog ako.
Nagising na lang ako ng kusa. Masakit ang katawan ko pati na rin ang pagkababae ko. Hindi ko alam pero masakit din ang ulo ko, siguro dahil sa puyat at... pagod.
Namula ang aking pisngi dahil sa naisip.
Suminghap ako at marahan na nag-inat. Wala na si Sir Silas sa tabi ko. Nang tignan ko ang wall clock ay halos mapasigaw ako nang makitang 1:38 na na ng hapon!
"Hala, lagot ako nito!" nagpapanic na bulong ko sa aking sarili.
Hindi ko namalayan dahil siguro sa sobrang kapal ng kurtina ni Sir Silas ay hindi na tumagos ang araw. At hindi niya iyon binuksan. Para na rin siguro hindi ako madisturbo sa pagtulog.
Kinilig ako dahil doon. Pero agad ding nawala dahil lagot ako kay Ma'am Nisyel! Baka mamaya ay maging matandang huklaban din 'yon. Huwag naman sana!
Sinubukan kong umupo sa kama at agad na napangiwi dahil sa hapdi ng aking pagkababae. Ngumuso ako at pinilit ang sarili ko na kumilos. Una kong ginawa ay binuksan ang kurtina gamit ang automatic remote control. Tapos nun ay dali dali na akong lumabas ng kwarto ni Sir kahit iika ika ako.
Dumiretso ako sa dining area dahil may naririnig akong boses doon. Huminga ako nang malalim at inayos ang paglalakad ko. Pero wala rin namang saysay dahil iika ika pa rin ako. Lagot na talaga.
Kahit kinakabahan ay pumasok ako sa dining area. Andoon ang pamilyang Montero. Una kong napansin si Sir Silas na kunot noong nagtitipa sa laptop niya. Nasa tabi niya si baby Remi na busy sa pagkain ng mashed potato.
"The board members okay with this, son?" dinig kong tanong ni Sir Theo kay Sir Silas.
Tahimik akong dumaan sa gilid nila. Dumiretso ako sa dirty kitchen at nakitang wala man lang ka-tao tao dito. Kapag kasi nasa hapagkainan ang mga Montero, maraming maids dito para umantabay pero ngayon wala.
Anong meron? Humaba ang nguso ko dahil sa pagiisip. Nahagip ng paningin ko ang calendar na nakasabit sa dingding. Sunday....
Ibig sabihin family day nila at bawal ang maids dito! Lagot talaga ako. Bumuntong hininga ako at problemadong tinignan ang walang katao tao na dirty kitchen pagtapos ay pikit mata na pumunta sa dining room. Bahala na.
Unang nakapansin sa akin ay si Ma'am Nisyel. Nanlaki ang kaniyang mata at tinuro ako kaya naman lahat na sila ay tumingin sa akin, maiba lang kay Remi na busy pa rin sa pagkain.
"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't we told you that maids aren't allowed here every Sunday?" masungit niyang tanong.
Tinaas niya ang kaniyang kamay at pinagkrus iyon. Tumikwas ang kaniyang kilay habang hinihintay ang pagsagot ko. Kinabahan ako. Pinaglaruan ko ang aking daliri at sasagot na sana nang magsalita si Sir Silas.
"She's with me, Mom," sagot niya sa ina bago bumaling sa akin. "Come here. Let's eat," sabi niya sa akin.
__
Halos panawan ako ng ulirat dahil sa klase ng tingin na ibinibigay sa akin ni Ma'am Nisyel. Ngumuso ako. Tumingin ako kay Sir Silas at nakita siyang nakatitig sa akin.
Yumukod siya at bumulong sa akin. Bahagya pa akong napaigik nang tumama ang kaniyang hininga sa aking leeg. "Are you sore?" seryosong tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Single Dad Club: Tempt
General FictionDahil sa hirap ng buhay ay napilitan si Aila Ramirez na magtrabaho sa Maynila. Iniwan niya ang buhay sa probinsya at nag-trabaho sa puder ng mga Montero. Ang akala niya ay magiging maid lamang siya na puro household chores ang ginagawa. Ang hindi n...