Chapter 5

777 23 15
                                    

Tahimik kong hinuhugasan ang mga plato na nakaayos na sa lababo. Si Ate Mary ay nasa likod ko lang, nagluluto siya para sa almusal ng pamilyang Montero.

Kumalat na sa buong mansyon na nakipagsiping ako kay Sir Silas. 'Yung ibang maids palagi akong pinaparinggan na malandi raw ako at... gold digger.

Mabuti na lang talaga at hindi ako tinatanong ni Ate Mary dahil nahihiya talaga ako nang sobra. Hindi niya ako tinatanong kahit alam ko na naririnig niya na rin sa mga maid na nakipagsiping ako kay Sir. Isa ito sa mga rason kung bakit gustong gusto ko si Ate Mary, marunong siya rumespeto ng privacy ng isang tao.

"Okay lang naman. Crush ko lang naman si Sir Silas eh. Atleast, hindi ko gagawin 'yung ginawa ng isa diyan," sabi ng kasamahan kong katulong din dito.

Nagsitawanan sila habang ako naman ay napayuko na lang dahil sa kahihiyan. Simula noong malaman nila na nakipagsiping ako kay Sir  ay wala na silang ibang ginawa kundi paringgan ako. Wala naman akong ginagawa sa kanila eh. Kaya hindi ko alam kung bakit galit sila sa akin.

"Gold digger things daw kasi iyon, Mila. Mga gold digger lang ang nakakagawa ng ganuon."

Nagtawanan na naman sila. Uminit ang bawat sulok ng aking mata dahil sa sinasabi nila sa akin. Oo, mahirap ako pero hindi ko magagawang ibigay ang katawan ko para sa pera.

"Aila, pakibilisan nga ang paghuhugas ng plato diyan. Huwag mo itatapon 'yang pinagsabunan mo ah," sabi ni Ate Mary. Napatingin ako sa kaniya. "Isasaboy ko 'yan sa mga madudumi ang ugali, dada kasi nang dada eh," malamig na saad niya.

Napalunok ako. Tumingin ako sa grupo nila Mila. Tumigil sila sa pagsasalita dahil sa sinabi Ate Mary. Nakasimangot ang mga ito at masama ang tingin sa akin. Lumunok ako at umiwas ng tingin.

Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko at laking pasalamat ko dahil tumahimik na sila Mila.

Nang matapos ako sa paghuhugas ng plato ay inihanda ko naman ang lamesa para sa pagdating nila Sir Silas. Naglagay ako ng limang place mat, utensils at plates.

"Talaga? As far as I know, your ugali is so masama," dinig ko na ang boses ni Ma'am Faye na papasok na sa dining room. "Chismosa ka pa so much! You keep on telling others that Ate Aila slept with Kuya Silas. Dapat sayo pinuputulan ng tongue!" dagdag niya pa.

"What? Atleast totoo ang kinekwento ko! Tsaka totoo naman na nakipag-sex 'yung maid kay Kuya!" sagot ni Ma'am Freya.

"But you keep saying that Ate Aila is gold digger! Sobra sobra 'yang stories mo. You keep telling that to others, hindi mo ba naiisip ang nararamdaman ni Ate Aila?" pagtanggol sa akin ni Ma'am Faye.

Pilit akong napangiti. Sa lahat ng magkakapatid, si Ma'am Faye ang mabait sa akin. Lagi niya akong nginingitian tuwing nagkakatinginan kami kaya naman medyo hindi na ako ilag sa kaniya.

Natahimik silang dalawa ng makita ako. Pilit akong ngumiti at kumuha ng napkin table at binigyan sila pagtapos ay umalis na ako doon para magtimpla naman ng juice.

"Ice Tea ang timplahin mo, Aila," utos sa akin ni Ate Mary.

Sinunod ko ang sinabi niya. Dalawang pitcher ang tinimpla ko. Ang isa ay nilagay ko muna sa refrigerator para hindi mawala ang lamig. Ang isa naman ay dala dala ko papuntang dining room.

Nandoon na silang lahat. Nakaupo at naghihintay na lang ng pagkain. Ako naman ay nilagyan na ng juice ang mga baso nila isa isa. Nang makarating ako sa harap ni baby Remi ay humagikgik siya sa akin at tinaas ang kamay na parang gusto magpabuhat.

Nginitian ko lang siya dahil wala naman akong permiso para buhatin siya. Tumikhim ako at tinanong si Sir Silas.

"Juice po?" nakayukong tanong ko.

Single Dad Club: TemptTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon