What is life? What is the point of life? For me, the point of life is to try to have a happy and satisfying existence and a life that fulfills our physical, emotional, and mental necessities.
Some of us can fulfill our physical necessities but can't fulfill the emotional and mental. Minsan, napapaisip ako kung bakit hindi na lang tayo mamuhay ng masaya? Bakit kaya may mga problema pang dumadating sa buhay natin?
They said problem is just a challenge but I don't think it's a challenge anymore. Ang tumigil sa pag-aaral dahil walang pera. Ang makitang umiyak ang mga kapatid ko sa gutom. Ang makita si nanay nanghihina sa sakit niya at si tatay na nalulong na sa alak. Parang hindi na challenge ang mga problema ko.
Bilang panganay, wala akong choice kundi ang sumubok mag-trabaho sa Maynila. Maiiwan sila Inay sa probinsya dahil wala naman akong pera kaagad para dalhin agad sila sa akin.
My little brother and sister is crying while looking at me. Panay ang iling nila, ayaw na umalis ako dahil takot silang maiwan kay Itay. Ramdam ko ang pag-iinit ng bawat sulok ng aking mata. Ayaw ko man iwan sila ay hindi pwede. Walang mangyayari sa amin kung hindi ako kikilos, mas lalo lang kaming magiging kawawa.
"Ate, huwag ka na umalis," nanginginig ang boses na saad ni Ophelia. Iling siya nang iling at puro luha na ang mga mata.
"O-Oo nga, Ate. Huwag na ikaw alis, please," saad naman ng pinakabunso namin na si Damian.
Matigas akong umiling. "Hindi pwede. Magtatrabaho si Ate para hindi na kayo magutoman at makapag-aral kayo. Alagaan niyo nang mabuti si Inay, h-ha?" pati ang boses ko ay nanginig na rin.
Mas lalong lumakas ang iyak ni Damian. Halos maglupasay na siya sa sahig pero hindi ko siya tinitignan dahil baka maawa lang ako sa kaniya. Ako na ang nag-alaga sa kaniya simula baby pa lamang siya kaya naman ganito ang reaksyon niya.
"Aila, oras na para umalis. Naghihintay na ang sundo natin sa labas," rinig kong saad ni Ate Mary. Tumingin ako sa kaniya at maliit na tumango.
"Ate Aila, h-huwag ka na umalis. Ate! Ate!" magkasabay na sigaw ng dalawa kong kapatid pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang hindi sila nililingon.
Panay ang tulo ng luha ko habang naririnig silang nagmamakaawa sa akin. Hawak hawak sila ni Tito Fred kaya hindi sila makahabol sakin. Kaya naman nang marating ko ang sasakyan na naghihintay sa amin ay agad akong pumasok doon.
Tahimik akong umiyak. Sumilip ako sa bintana at tinignan ang dalawa kong kapatid na panay ang pagwawala sa hawak ni Tito Fred. Iyak nang iyak at rinig ko ang sigaw nilang dalawa. Pumikit ako at malalim na humugot ng hininga.
Nagpasalamat ako nang umandar na agad ang sasakyan kaya naman unti-unting naglaho sa aking pandinig ang pagtangis ng dalawa kong kapatid.
Habang nasa biyahe ay panay ang iyak ko. Si Ate Mary sa tabi ko ay pinagsasabihan ako na huwag ng umiyak. Ang isipin ko na lang daw ay makakakain na nang maayos ang mga kapatid ko at magkakaroon na nang sapat na gamot si Inay.
Sa isipin na iyon ay medyo guminhawa ang pakiramdam ko. "A-Ate, pupwede bang humiram ng pera sa amo natin pagkarating natin doon? Wala na kasing bigas sa bahay," anas ko kay Ate Mary.
Tumingin siya sa akin at maliit na ngumiti sa akin. "Oo naman. Maiintindihan ka ng amo natin. Mababait naman sila," marahan niyang hinaplos ang braso ko bilang pag-comfort. "Ako na ang magsasabi sa kanila dahil alam kong nahihiya ka pa," she said, smiling.
"S-salamat, Ate."
Ngumiti lang siya at tumango. Ilang oras ang itinagal ng byahe. Mga walong oras din bago kami nakarating sa lugar na puno ng mga matatayog na building at malalaking screen sa itaas. Iyon ata ang tinatawag nilang billboard. Nabasa ko kasi iyon sa romance book na hiniram ko sa kaklase ko dati. Gabi na at punong puno na ng ilaw ang paligid namin.
BINABASA MO ANG
Single Dad Club: Tempt
Ficción GeneralDahil sa hirap ng buhay ay napilitan si Aila Ramirez na magtrabaho sa Maynila. Iniwan niya ang buhay sa probinsya at nag-trabaho sa puder ng mga Montero. Ang akala niya ay magiging maid lamang siya na puro household chores ang ginagawa. Ang hindi n...