Chapter 16

635 26 2
                                    

Umalis siya. Sinama niya si baby Remi. Gusto ko silang sundan pero hindi ko alam kung saan sila kasalukuyang tumutuloy. Miski ang pamilya niya ay hindi alam kung nasaan silang dalawa ni Remi.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Pinadaan ko ang aking palad sa aking tiyan kung saan medyo halata na ang baby bump ko. Kung dati ay mukha lang akong busog, ngayon naman ay busog na busog.

Dalawang linggo na silang hindi umuuwi. Miss na miss ko na sila ni baby Remi. Alam ko na sobrang mali ang ginawa ko. Siguro ay inisip ni Silas na hindi ko siya pinagkatiwalaan at ginagamit ko lang siya. Pero kasi... natakot ako.

"Hindi ka pa tapos diyan?" tanong ni Ate Mary sa akin.

Binanlawan ko ang huling platong may sabon at inilagay sa plate rack bago hinarap si Ate Mary. "Tapos na, Ate.." sagot ko.

Tumango siya. Inabot niya sa akin ang basket na punong puno ng de kulay na damit. Kinuha ko iyon. "Labhan daw sabi ni Senyorita Freya. At gusto niya na huwag ka gumamit ng washing machine. Ewan ko ba sa batang iyon," iiling iling na anas ni Ate.

Nagkibit balikat lang ako. "Baka masisira ang mga ito kapag pinaikot sa washing, Ate," anas ko sa kaniya.

Minata ako ni Ate. Bumuntong hininga lang siya bago muling umiling, tila ba dismayadong dismayado. "May soft wash naman sa washing machine, Aila. Ang sabihin mo gusto kang pahirapan ni Señorita Freya," sabi niya.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Ate. Napansin ko naman na ako lagi ang inaatasan ni Ma'am Freya tuwing may ipapalaba siya o kung ano man. Minsan nga ay naiisip ko na sinasadya niya pero ano naman diba? Isa lang naman akong maid dito.

Simula nang umalis si Silas ay bumalik ako sa pagtatrabaho bilang maid. Hindi naman ako sinabihan nila Ma'am Nisyel o ni Sir Theo na bumalik ako sa pagiging maid pero nakakahiya naman kasi kung makikitira lang ako rito. Mabuti na lang na magtrabaho ako para makapag-ipon pa ako para sa panganganak ko.

Umalis na rin ako sa kwarto ni Silas. Hindi ko alam. Pakiramdam ko kasi ay mali na manatili ako roon pagtapos ng nangyari. Pakiramdam ko ay tapos na... kaming dalawa.

Pumunta ako sa likod ng washing area at inihanda ang mga batya na kakailanganin ko. Napatigil pa ako nang kumirot saglit ang tiyan ko pero pinagpatuloy ko ang paglalaba.

"Ate Mary, can you -" tumigil ang boses sa pagsasalita.

Nilingon ko ang lugar na pinanggalingan ng boses. Nakita ko roon si Faye, may hawak hawak siyang puting kumot na nakapulupot sa kaniyang braso. Agad na nawalan ng emosyon ang mata niya nang matanto na hindi ako si Ate Mary. Walang salita, inilapag niya ang hawak hawak niyang bed sheet sa washing machine bago umalis.

Mapait akong napangiti. Alam ko na galit siya sa akin dahil sa nagawa ko at may karapatan siya. I think she felt betrayed by me. Bigla kong naalala ang pinag-usapan namin noong nasa beach kami.

Ako ang Ate na gustong gusto niya. Pero anong ginawa ko? Sinira ko.

Halos magdadalawang oras akong naglaba kaya naman pagtapos ko ay halos mangiwi ang aking mukha sa sakit ng aking baywag at likod. Marahan kong sinuntok suntok ang aking baywang, nagbabakasakali na mabawasan ang sakit.

"Kaya pa, buntis?"

Nilingon ko si Ate Mary na ngayon ay idina-dryer ang bed sheet ni Faye. Tinaas ko ang aking kamay para mag-thumbs up. "Kayang kaya, Ate!" nakangiti kong saad.

Pagtapos ko sa labahin ay dumiretso naman ako sa garden para magdilig ng halaman. Naglalakad ako papunta sa garden nang mapatigil ako.

A cute baby girl is running around the garden. Hinahabol niya ang butterfly na pilit lumalayo sa kaniya. But, she stops when she saw me. Tumigil siya sa pagtakbo. Ang malaki niyang mata ay nakatitig sa akin, bahagya pang tumagilid ang ulo niya. Tila ba kinikilala ako...

Single Dad Club: TemptTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon