Chapter 10

814 26 19
                                    

Gabi na ng magising si Sir Silas. Nasa salas kami ni baby Remi habang nanonood ng palabas na Moana nang bumaba siya mula sa hagdan. Kunot na kunot ang kaniyang noo. Wala siyang suot na pangitaas at tanging gray sweatpants lamang. Magulo ang buhok niya pero ang gwapo pa rin tignan.

Nagkunwari akong hindi siya nakita at pinagpatuloy ang paglalaro kay Remi. Nasa kandungan ko ang bata pero agad na nagpapasag nang makita niya ang kaniyang tatay. "Dada!"

Napasinghap pa ako nang masipa niya ang aking tiyan dahil sa ginagawa niyang pagpasag. Nakita ko ang mabilis na paglakad ni Sir Silas sa direksyon namin at agad niyang kinuha sa akin si baby Remi nang makalapit na siya ng tuluyan.

"Dada! Dada!" paulit ulit na sambit ni Remi.

Mahinang umungol si Sir Silas dahil hinawakan siya ni Remi sa buhok at pinaghihila iyon. Ngumuso ako para pigilan ang kaunting ngiti na nagpipigil lumabas sa aking bibig.

"You brat, you kicked your Mom's tummy and then this? Huh?" napapaos na anas ni Sir Silas kay baby Remi.

Mom? Ako ba ang tinutukoy niya? Sa hindi malamang dahilan agad na kumalat ang init sa aking buong mukha. Sumikip din ang aking tiyan at pakiramdam ko ay may mga nagsisiliparan doon. Ano ang pakiramdam na 'to? Hindi ko mapangalanan.

Humagikgik si Remi. Humilig siya sa ama at pinugpog ito ng halik sa buong mukha. Ako naman ay nakamasid lang sa kanilang dalawa pero nawaglit din ang tingin ko sa kanila nang marinig ko ang boses nila Ma'am Nisyel.

"He wants to hang out with us, hon. Even said that he won't accept our proposal if we don't," narinig ko ang masungit na boses ni Ma'am Nisyel na papalapit sa salas.

Maya maya lang ay nasa salas na rin sila. Magkasama ang mag-asawa. Hawak hawak ni Sir Theo sa baywang ang asawa habang si Ma'am Nisyel naman ay nakasimangot.

"It's okay. We can give him what he wants. Besides we can take that as an advantage. We can bring our children," anas ni Sir Theo sa malambing na tono. "We can make it as a family bonding," dugtong pa ni Sir.

Nawala ang atensyon ko sa kanila nang naramdaman kong may dumikit sa akin. Lumingon ako at nakitang si Sir Silas iyon. Madiin ang titig niya sa akin kaya naman umiwas agad ako ng tingin dahil... hindi ko kaya ang intensidad ng mga mata niya.

"Did you had your dinner already?" tanong niya sa akin.

Umiling ako. Tumingin ako sa kaniya saglit at nakita siyang nakatingin sa aking labi. Out of control, nakagat ko ang aking labi dahilan para umigting ang kaniyang panga at nagiwas ng tingin.

"Why? It's already 8 in the evening," anas niya. Sumandal siya sa couch at mariin na pinikit ang mata, tila ba pinipigilan ang sarili niya sa gustong gusto niya gawin.

"Hinihintay kita..." mahinang anas ko.

Napamulat agad siya ng mata. Tumingin siya sa akin pero humaba ang nguso ko nang inirapan niya ako pero kita ko ang kimi niyang pagngiti.

"Hmm? You wanna eat with me?" seryosong tanong niya sa akin. 

Ngumuso ako. Hindi ko na siya inimik pa at tinignan na lamang si baby Remi na malaki ang mata na nakatutok sa pinapanood niya.

Sobrang laki ng television nila. Feeling ko nga pwede na siya gawing pang-theatre dahil sa laki. Magkano kaya ang ganito? Ang telebisyon kasi namin sa bahay 'yung square lang ang shape at may pindutan pa sa ibaba. Parang 'yung mga telebisyon noong unang panahon pero nag-upgrade lang nang kaunti.

"We can't always give him what he wants. He may take it for granted, Theo! Paano na kung mag-request siya ng kung ano ano sa kompanya? Pagbibigyan pa rin?" malamig ang boses na saad ni Ma'am Nisyel.

Single Dad Club: TemptTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon