Chapter 1 Cassandra Sy Portia

6.7K 36 1
                                    

Cassandra Sy Portia, Cassie kung tawagin ng mga kaibigan niya, 29 anyos, isang professional woman na nagtatrabaho sa isang kompanya.

She's a sophisticated woman, nirerespeto ng karamihan. Katangi-tangi ika nga nila,
Maganda, petite na sexy at may fair skin,
sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya.
She's a strong and independent woman, nakatira sa isang condo sa Manila.

Sa kabila ng intimidating image niya may pagka-kalog siya at masayahin at medyo pasmado ang bibig dahil prangka at medyo nahiligang gawing expression ang pagmumura.
Ngunit ipinapakita niya lamang ang ganoong side niya sa mga close friends niya.

Alam din ng karamihan na single siya, sa edad niyang 29 eh dapat na nga daw siya magkaroon ng sariling pamilya.

Palagi siyang isiniset sa isang blind date ng kaniyang best friend na si Hayley, parang kapatid na ito ni Cassie, maganda at may katangkaran, ngunit sa mga blind date na iyon lagi din namang itong hindi sinisipot ni Cassandra. Dahilan niya eh nawawalan na siya ng gana sa mga kalalakihan, 6 years na kasi itong single.

Masaya na daw siya sa mga kaibigan nito.
Sasaktan lamang siya ng mga lalaki, iyan ang laging nasa isip niya.
Ilang beses na kasi ito nasaktan sa kanyang mga past relationships, niloloko siya at iniiwan, hindi niya alam kung bakit palaging ganoon ang nangyayari sakanya. Nagmamahal lang naman siya ng totoo ngunit bakit laging sakit ang sinusukli sakanya.

Si Hayley ay may nobyo, nakilala nito ang kanyang bf sa isang dating app. Isang foreigner ang naging nobyo at magdadalawang taon na sila.

Matagal na niyang kinukulit ang kanyang best friend na si Cassie na subukang mag download ng isang dating app at doon humanap ng kanyang magiging karelasyon, dahil effective naman iyon at makakapamili pa ito ng makakausap, ngunit ayaw talaga ni Cassie dahil hindi ito mahilig sa mga ganoong bagay.

Lunch time nila sa trabaho at nagpasyang sabay kumain sa isang paborito nilang cafe, pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam saglit si Cassie kay Hayley upang magCr, naiwan nito ang cellphone sa mesa.

Habang sumisimsim ng kape ay napansin ni Hayley ang cellphone ni Cassie at agad itong kinuha, dahil nga sa mag best friend sila alam niya ang password ng dalaga at agad nitong tinipa at nabuksan ang cp,
Agad na ininstall ang isang dating app at gumawa ng isang account para kay Cassie, inupload din ang isang picture ng dalaga doon sa account at nang matapos ito ay ibinalik niya muli sa pwesto ni Cassie ang cp at ngumiti habang sinimsim ang kape.

"oh bakit ka ngumingiti diyan?"
Tanong ni Cassie kay Hayley na nakatingin sakanya

"wala lang, ganda mo kasi sis"
Sagot nito habang nag-aayos ng gamit at may panglokong ngiti

"parang tanga lang ghorl?"
Sagot ni Cassie at sabay dampot sa cp at isinukbit ang shoulder bag nito.

Pansamantalang nagpaalam ang magkaibigan sa isa't isa at bumalik sa kaniya kaniyang trabaho.

Sumapit ang alas sais at oras na ng uwian, hindi na nagkausap ang mag best friend, sinusundo si Hayley ng kaniyang nobyo na nagngangalang David, live in din ang dalawa malapit sa condo ni Cassie.

Si Cassie nama'y dumideretso muna sa isang restaurant at doon na naghahapunan dahil wala din naman siyang kasama sa condo, uuwi siya doon upang magpahinga na agad.

Pagkatapos mag-ayos ng sarili at mag skin care ay humilata na ang dalaga sa higaan, at binuklat ang isang libro, nagbabasa pampaantok, ngunit kadalasan ay di ito nakakatulog agad dahil sa kanyang insomnia, mag-aalas onse na at gising padin ang diwa niya kaya't nagpasyang bumangon at nagtungo sa kusina upang kumuha ng isang boteng alak at isang balot ng fish crackers at nagtungo sa sala, nanuod ito ng movie habang nag-iinom.

Nangangalahati na si Cassie sa iniinom na alak nang biglang nagvibrate ang kanyang cellphone at agad nitong dinampot at binasa ang isang nag pop up na message na

"Hi gorgeous"

Agad na napakunot ang noo at nagsalubong ang kanyang kilay habang nginunguya ang nakabukol na fish cracker sa kanyang pisngi .

Agad na binuksan nito ang message at nanlaki ang kanyang mga mata sa nakitang profile picture ng isang lalaki na nagngangalang Raj Florian.

Napalunok si Cassandra at napasabi nang
"Pota ang gwapo!"

Napailing ito
At napasigaw bigla nang
"HAYLEEEYYY! TANGNA KA IKAW MAY GAWA NITO!"

Agad na naisip ni Cassie na ang best friend niya ang naginstall ng dating app na iyon, wala naman kasing ibang gagawa niyon kundi si Hayley lang at bigla naiyang naalala na kaya pala iba ngiti niyon kanina habang magkasama sila.

Agad nitong tinawagan ang kaibigan, ngunit hindi sinasagot. Hinayaan na lamang niya iyon at nagpatuloy na ubusin ang alak. Nang maubos ang alak ay agad na
nag toothbrush ito at bumalik din sa higaan.

Muli nitong inopen ang app at tinignan ang profile niya, nabuwisit siya dahil inilagay pa talaga ni Hayley yung picture niya na naka miniskirt at blouse na medyo kita ang cleavage, buburahin na niya dapat ito ng biglang nagmessage muli nang "How are you?" ang lalaking nagngangalang Raj Florian.

Taga germany ang binata, matipuno at maganda ang ngiti, kulay caramel ang mata at matangos ang ilong, inistalk niya ang profile nito.

Nakita ng dalaga ang isang picture na naka topless at nasa gym, malaki ang katawan nito at may mga abs, mayroong tattoo sa kaliwang dibdib.

Lalo atang nagising ang diwa niya sa nakita.
Muli atang naakit ang dalaga, o iba lang pakiramdam niya dahil sa nainom na alak.

Tinipa ang cp at nag type ng
"hello, I'm good. How about you?"

Nagdadalawang isip pa ito kung isesend ba niya ang message o hindi.

Losing Control (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon