Hayley's Pov"ay ang gaga, hindi na nagreply?, tinatanong ko pa nga kung isasama ko ba si Shishi bukas sa resto eh"
Sambit ni Hayley habang nakatitig sa hawak nitong cp."Dalhin mo nalang babe, for sure gusto din naman niya makita si Shishi, kawawa naman kung iiwan natin diba, tsaka busy na yun with her Bf. Bukas mo nalang kausapin ulit."
Sabad naman ng nobyo nitong si David.Ilang minuto din nagkachat ang magkaibigang sina Hayley at Cassie, pinagusapan nila na maglunch sa restaurant ni Roger bukas bago ang flight ni Raj.
Nagtaka bigla si Hayley na hindi nakapagreply ang kaibigang si Cassie, kaya hinayaan na lamang niya iyon.Kinabukasan maagang nagising si Raj. Bumangon ito at nagsuot ng boxer shorts. Inayos muna ang kumot ng mahimbing pang natutulog na nobya at saka lumabas ng kwarto.
Nagtungo ito sa kitchen area at nagluto ng pang agahan nila.
Nagtimpla din ito ng mainit na kape.Sumsimsim ng kape ang binata at pagkatapos ay inilapag ang tasa sa mesa.
Nagtungo ito sa tabing dagat, malapit lang naman iyon sa kwarto nila at matatanaw padin niya si Cassandra kung sakali mang magising at lumabas ng kwarto. Nagstretching ng katawan ang binata at nag exercise. Dumapa at nag push up. Patuloy sa pageehersisyo si Raj habang tulog pa ang nobya.
Agad na pinawisan ang binata, at nabuhay ang mamuscle niyang katawan.
Nagising ang dalaga, at gulat na napaupo dahil sa pagmulat ng mga mata niya ay wala na sa kaniyang tabi ang nobyo.
Agad itong bumangon at nagsuot ng underwear, at plain white sando.
Tumungo muna ito sa Cr upang maghilamos at mag ayos ng buhok.
Paglabas sa kwarto ay bumungad agad sakanya ang mesa na may nakahanda nang mga pagkain at may tasa ng kape.
"Raj??"
Usal ng dalaga nang may kalakasanHinanap niya ang kanyang nobyo, dumerecho ito sa mesa at kinuha ang tasa ng mainit na kape at sumsimsim.
Natanaw ni Cassandra mula sa kanyang kinatatayuan si Raj na nasa tabing dagat na patuloy sa pag pupush up.
Hinayaan lamang niya iyon at nagpatuloy sa paghigop ng kape.
"Goodmorning world! Ganda ng view! Nakakabusog"
Sambit nito na nakatanaw sa nobyo habang sumisimsim ng kape.Sa pagtayo ni Raj ay napahinto ito dahil natanaw niya ang nobya, napangiti ito at kumaway.
Kumaway din naman pabalik si Cassandra.
Agad na naglakad si Raj patungo kay Cassandra.
"Good morning baby"
Sambit ni Raj"Good morning din baby"
Sagot naman ni CassandraHinalikan ni Raj ang nobya at niyakap.
Yumakap din pabalik ang dalaga.
"nakatulog kaba ng maayos baby?"
Tanong ng binata"oO naman, ganda din ng gising ko"
Sagot ng dalaga na may ngiti habang pinupunasan ang pawis ng binata"good to hear that"
Sagot naman ni RajPinagsaluhan ng magkasintahan ang kanilang agahan.
Pagkatapos nilang kumain at lumipas ang ilang minuto ay nagpasya muna silang maglakad lakad sa tabing dagat.Magkahawak ng kamay ang magkasintahan habang naglalakad.
"nakikita mo ba yung lawak ng karagatan baby?".
Tanong ng binata"mas malawak pa diyan ang pagmamahal ko sayo, and soon mapapasayo lahat ng nakikita mo sa beach resort na ito"
Dugtong pa ng binata"wow naman! Hindi ko naman kailangan ng beach resort baby, ikaw lang sapat na"
Sagot naman ng dalaga"soon kapag mag-asawa na tayo, kung ano ang akin, ay sayo na rin kaya wala kang magagawa."
Sagot ng binata nang nakangiti sa dalaga"talaga ba? Bakit? Papakasalan mo na ba ako? Hmm?"
Usal naman ni Cassandra"Oo naman baby, papakasalan kita. Soon. Gusto mo pagbalik ko galing Germany magpakasal na tayo eh."
Sagot ng binata at huminto sa paglalakad, sabay ng pagdukot ng maliit na box sa bulsa ng kanyang boxer shortsHumarap ito sa dalaga at kinuha ang kamay nito sinabing
"baby, wait for me okay? sa ngayon promised ring muna ang maibibigay ko, soon engagement ring na."
At isinuot ang singsing sa daliri ng dalaga"seryoso ba Raj?"
Usal ng dalaga habang nakatingin sa singsing nang may ngiti"Mukha ba akong nagloloko baby? I'll marry you soon, Wait for me okay? "
Sagot naman ng binata"Of course baby! I'll wait for you! Thank you sa ring"
Sagot ni Cassandra at niyakap nang mahigpit ang nobyo.Hinalikan sa noo ni Raj ang nobyang si Cassandra at niyakap muli ng mahigpit.
Matapos maglakad lakad sa dalampasigan ng magkasintahan ay bumalik nadin sila sa kwarto at nag ayos ng ilang gamit at nag asikaso na rin para makabalik na sa Manila, dederecho sila sa resto ni Roger upang mag lunch kasama sina Hayley at David.
"Hello sis? Nasa byahe na kami papunta diyan, see you."
Tinawagan ni Cassandra ang kaibigang si Hayley"Okay sis, see you later. Ingat kayo ni Raj."
Sagot ni Hayley na nasa kabilang linya
BINABASA MO ANG
Losing Control (On-going)
RomanceWARNING: Matured theme- SPG/R-18 Having a trust issue is not easy. She doesn't believe in love. She was brokenhearted. Is there someone who can change her perspective on life? Can love change everything? Is she can control her feelings? Or let life...