Roger's pov
Nagpatuloy ang pagkukuwentuhan nina Roger at ang mga kaibigan nito.
"Dude! Swerte ni Raj ah nakabingwit ng chikababes, ang ganda pa! E ikaw kailan ka magpapakilala samin ng bebe mo? Hahahaha!"
Sambit ng isang kaibigan nito at sabay lagok ng alak"Dude maghintay ka lang! Maghahanap din ako sa dating app ng chikas hahaha! Na katulad ni Miss Cassandra or pwedeng siya na mismo. Hahaha!"
Pabiro ni Roger"Haha! Gago ka padin talaga pagdating sa babae pare?! Pati best friend mo tataluhin mo? Pero di mo din kami masisisi maganda nga naman jowa ni Raj, nakakapang gigil! Rawr! Nga pala congratulations sa bagong Resto mo Dude!"
Sabad ng isa pa nitong kaibigan at may pasimpleng inabot na maliit na pakete sa kamay ni Roger"Yan ang gusto ko sayo Dude! Palagi kang may baon haha! Salamat!"
Sagot ni Roger na may malapad na ngitiKaya ganoon na lamang ang pakiramdam ni Raj sa ibang mga kaibigan ni Roger dahil sa alam nitong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang ilan sakanila. Ngunit hindi alam ni Raj na gumagamit nadin pala nito ang matalik niyang kaibigan. Palaging pinagsasabihan ni Raj si Roger na huwag subukan iyon dahil makakasira iyon ng buhay niya at ayaw nitong maimpluwensiyahan ang matalik na kaibigan at palagi din namang sumasang-ayon si Roger sakanya at sinasabing hindi naman niya tinatanggap ang mga inaalok sakanya ng ibang kaibigan nito na mga anak ng pulitiko, ang alam lang talaga ni Raj ay mahilig sa alak at matinik sa babae ang kaibigan at mahilig sa magaganda't sexy.
Napagkasunduan na nga ni Raj at Cassandra na mamili ng pagkain at inumin na iuuwi sa Condo ng dalaga at dahil sa maaga aga pa naman at walang masyadong gagawin sa trabaho ang dalawa ay nagroadtrip muna sila.
Hayley's pov
"Here's your milk and food bebu Shishi.. Eat kana muna, pano nalang kung wala ako edi nadeads kana sa gutom, Bakit tagal naman umuwi ng mommy Cassie mo akala ko nandito na siya. Paubos nadin pala stock ng milk mo hays"
Sambit ni Hayley habang inaayos ang pagkain ng Shihtzu na ibinigay niya kay CassiePagkatapos mapakain at samahan ng ilang minuto ni Hayley si Shishi sa condo ni Cassie ay iniwan din niya muna ito bumalik din sa sarili niyang condo dahil hinihintay din siya duon ng kanyang nobyo na si David.
"Bye muna bebu Shishi, wait mo nalang muna si momsh Cassie mo ah, bantay ka muna dito and samahan mo momsh mo mamaya sa pag sleep pag uwi niya oki.. Saan kaya nagsusuot momsh mo dapat kanina pa nakauwi yun after work"
Pagpapaalam nito sa alaga at pagtataka dahil pagkatapos ng oras ng trabaho ay alam naman agad nito na mga alas siyete pa lamang ay nakakauwi na sa condo si Cassie at sabay nilang pinapakain ang alagaGustohin man ni Hayley na dalhin si Shishi sa condo nila ay hindi pwede dahil allergic sa balahibo ng aso ang bf niya, kaya napagpasyahan niya na dito nalang ito kay Cassie para may kasama din ang dalaga sa condo.
"Ayan, tabi mo lang dito. Andito na tayo Raj"
Sambit ni Cassie"Okay baby, so now alam ko na kung saan ka nakatira, pwede na kita puntahan dito at ihatid sundo"
Sambit ni Raj habang kinuha ang plastic bag ng pagkain at alak sa backseat"ha? Hatid sundo? Wag na ui!"
Cassie"Why not? Para sure ako na safe ka lagi. Girlfriend kaya kita"
Raj"Whatever"
Sagot ni Cassie at sabay baba ng kotse na may pigil na ngiti"shocks! Totoo na talaga ito? May boyfriend na ko?, jowang gwapo! Shet kalma Cass!"
Sabi sa isip ni CassieNang makarating sila sa condo ay agad na binuksan ni Cassie ang pinto at sinalubong ito ni Shishi nang maligalig.
"My baby Shishi I miss you!! How are you ha? Okay ka lang ba dito? Don't be sad na andito na ang mommy"
Sabi ni Cassie habang patuloy sa paghalik kay Shishi"Nandito na din ang Daddy"
Sabad ni Raj habang iniiaayos sa mesa ang mga dala nitong pagkainNapatingin na lamang si Cassie sakanya at ngumiti.
"baby Shi, may daddy kana ayun oh, happy family na tayo hihi"
Bulong ni Cassie sa alagang aso"Ahm okay ka lang ba diyan Raj? Papasok muna ko sa Room para makapagshower and bibihisan ko lang si Shishi"
Usal ni Cassie na karga ang alagang aso"Yes baby, Okay lang ako, pwede ba ko sumama magshower?"
Tanong nito sa dalaga na may panlokong ngiti"Sapak gusto mo?"
Sagot nito na may paglahad ng kamao"Biro lang baby, sige na mag shower kana para after kain na tayo. Eheh"
Sagot ng binata habang nag aayos sa mesaAgad namang pumasok si Cassie sa kanyang kwarto habang si Raj ay naiwan sa dining area at inaayos ang mga pagkain at ilang alak. Sa kanyang pagaayos biglang natalsikan ng sauce ang kanyang puting longsleeves na suot
"Oh shit! Wala pa naman akong dalang extra shirt! Matatanggal naman siguro to sa running water"
Agad na hinubad ni Raj ang suot na white longsleeves at binuksan ang gripo sa lababo at itinapat ang damit na natalsikan ng sauce.
Natatalsikan din ng tubig ang kanyang abs, kitang kita ang Lion na tattoo sa kanyang kaliwang dibdib.
Pagkatapos nito matanggal ang mantsa sa damit ay agad nitong isinabit muna sa upuan na kahoy sa dining area ang damit at binuksan ang isang bote ng alak habang naghihintay sa paglabas ng kwarto si Cassie.Raj's Lion tattoo 🦁
BINABASA MO ANG
Losing Control (On-going)
Roman d'amourWARNING: Matured theme- SPG/R-18 Having a trust issue is not easy. She doesn't believe in love. She was brokenhearted. Is there someone who can change her perspective on life? Can love change everything? Is she can control her feelings? Or let life...