Chapter 4

3K 24 1
                                    


"Gotcha!"
Usal ni Florian

Agad na naidilat ni Cassandra ang kanyang mga mata at napatingin muli kay Florian

"why baby bakit ka napapikit? Ayan tanggal na seatbelt mo"
Sambit ng binata at napangiti na naka kagat labi

"uh-ah thanks baby"
Sagot ng dalaga at napakagat labi din

Shiiit! Wait... What??! Bakit ko nasabi yung baby..?!!!

Hindi agad nakagalaw ang dalaga..

"wow, nice you call me baby for the first time, that's sweet endearment right? Baby?"
Sambit ng binata at lalong inilapit ang mukha sa dalaga at hinalikan ang dalaga sa labi nito

Hindi nakagalaw ang dalaga at napigil ang hininga sa ginawa ng binata, dahan dahang ipinikit ng dalaga ang mga mata nito at nag init ang katawan sa halik ng binata.

Oh my... Bakit ang bilis mo Raj..

Agad ding naghiwalay ang kanilang mga labi at sinabi nang binata na naroon na sila sa lugar ng kanyang kaibigang si Roger. Ngumiti ito sa dalaga at ngumiti din pabalik si Cassandra. Agad itong bumaba ng sasakyan at pumatungo sa pinto ni Cassandra at pinagbuksan ito at inilahad ang kamay upang kunin ang kamay ng dalaga.

Shemay ka Raj, gentleman mo. Hulog na hulog na ko ahh...

Agad na pumasok ang dalawa sa restaurant,
agad din silang nakita ng kaibigan nitong si Roger at lumapit ito sakanila.

"Hey bro! You're here! Welcome! Welcome!, and who's the gorgeous lady?"
Tanong ni Roger

"Thanks for inviting me bro and congratulations! By the way, she's my girlfriend.. Cassandra.."
Pagpapakilala ni Raj sa kanyang nobya

Ohshi- girlfriend ? So kami na talaga? Shii - nagkiss na nga kayo diba?!
Sabi ni Cassandra sa isip niya

"Oh, nice!! Hi Cassandra, I'm Roger nice to meet you"
inilahad ni Roger ang kanyang kamay

"Baby? Are you okay?"
Tanong ni Raj kay Cassandra, dahil napansin nito na tila malalim ang iniisip ng dalaga

Biglang natauhan at bumalik sa diwa ang dalaga

"ah yes! I'm okay. Hehe"
Sambit nito at agad na inabot ang kamay ni Roger at nakipagkamay rito.

"napakaganda mo Cassandra, bagay na bagay kayong dalawa netong bestfriend kong si Raj"
Sambit ni Roger na may malapad na ngiti at hawak parin ang kamay ng dalaga

"that's enough bro! Bitaw na"
Sambit ni Raj na tinanggal ang kamay ni Roger sa dalaga

"chill bro!"
Usal ni Roger na may pang asar na ngiti

Sinamahan ni Roger ang dalawa patungo sa table nila, agad na tinawag ni Roger ang kanyang assistant upang asikasuhin ang pagkain at inumin.
Iniwan muna ni Roger ang magkasintahan at tumungo sa Bar Area.

Si Roger ay nakilala ni Raj sa isang event at naging magpartner sa ilan nilang business mula nung unang dumating si Raj sa Pilipinas siya na ang karamay nito kaya't sila'y naging matalik na magkaibigan.

Halos magkasingheight lang sila ni Raj na 6"2 may matipuno ding pangangatawan at may bigote, casual lang manamit at mabisyo ito.

Mula sa kinatatayuan niya sa Bar Area ay kumaway ito kay Raj na senyales na inaayang papuntahin doon si Raj.
Agad namang tumayo si Raj at sandaling nagpaalam kay Cassie na kumakain.

Roger's pov

"Mi amigo! Kumusta?! Saan mo nakilala ang napakaganda mong girlfriend huh?"
Tanong ni Roger habang nakaangat ang braso na may hawak na bote ng alak sa papalapit na si Raj

Losing Control (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon