Chapter 21

1.5K 10 5
                                    


Inihatid ni Joseph na assistant ni Raj si Cassandra sa kanyang condo, gaya ng ipinagbilin ni Raj sa nobya iniwan ni Joseph ang kotse sa parking lot at nagpaalam na ito sa dalaga.

Sa pagbukas ng pinto ni Cassandra ay biglang nagulat ito sa pagsalubong ng alagang si Shishi at ng kaibigang si Hayley.

Malakas ang pagpapatugtog nito at may hawak ng bote ng beer.

"takte ka talaga Hayley! Aatakihin ako sa puso dahil sayo! Anong trip mo girl?! Ba't ka nagpaparty dito?! "
Usal ni Cassandra habang karga ang alagang aso

"beh sorry na! Minsan lang naman to 'diba? Tsaka bakit ang tagal mo naman umuwi kanina pa ko nag hihintay sayo, marami kang ikukuwento sa'kin! Bilis magbihis kana iinom at magchichikahan pa tayo!"
Sagot naman ni Hayley habang tinutulak pa pasok ng kwarto si Cassandra

" hoy buang ka! Kakain muna ko bago uminom! Nasaan ba si David bakit hindi nalang siya ayain mong uminom gusto ko magpahinga eh"
Sagot naman ni Cassandra

"beh! Don't worry, nagluto na din ako ng for dinner, may rice na diyan, alam ko na hindi ka umiinom hangga't walang laman yang sikmura mo! And si David? Hayaan mo yun! Naka duty. Hindi siya need dito, girls night to! Bakit gusto mo magpahinga agad? Pinapagod ka ba ni Raj? Pinagod kaba kanina?? Hmmmm??? Hahaha! "
Usal naman ni Hayley

"grabe ang daldal! Dami mong sinabi beh! Mag antay ka diyan!"
Usal ni Cassandra at pumasok na sa kwarto upang magpalit ng damit

Pagkatapos magbihis ni Cassandra ay kumain na ito ng hinandang hapunan ni Hayley, at pagkatapos kumain ay sinamahan nadin uminom ng beer ang kanyang best friend.

" ohhh shiit! Naiiyak akooo... Beshiiiee mauuna kapa atang ikasal sa akin"..
Taghoy ni Hayley habang hawak ang bote ng beer, matapos ikwento ni Cassandra ang naging ganap sa beach nina Cassandra at Raj at tungkol nadin sa promised ring nito.

"kumalma ka bitch, gusto mo sabay na tayo ikasal, kelan ba kayo ikakasal ni David?"
Sagot naman ni Cassandra matapos lumagok ng alak

"I don't know... Di pa nagpopoprose eh.. Ewan ko ba sa halimaw na yun kung may balak huhuhuhu"
Sagot naman ni Hayley

Nakakaubos na ng tig dalawang bote ng San mig ang magkaibigan nang biglang may nag doorbell, napahinto sa pag kukwentuhan ang dalawa at napatanong si Cassandra nang:

"Sino kaya yan? Sinusundo ka naba ni David?"

"hindi si David yan! Nagpaalam sakin yon na mag oovertime siya dahil madami daw siyang need tapusin"
Sagot naman ni Hayley

Nagkatinginan lang ang magbest friend at tumayo si Hayley upang tignan kung sino ang nasa labas.

Laking gulat nito nang makita kung sino ang nasa labas na may hawak ng plastic bag na puno ng pagkain.

"Sino andyan sis?!"
Tanong na pasigaw ni Cassandra mula sa sala

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Losing Control (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon