Chapter 19

1K 6 0
                                    


"baby? Okay naba mga gamit na dadalhin mo mamaya? And yung ticket mo?"
Tanong ni Cassandra sa nagmamanehong si Raj

"Yes baby, don't worry naayos na lahat ni Joseph, yung assistant ko. Natext ko nadin siya kanina. Aantayin nalang niya ako mamaya sa airport."
Sagot naman ng binata

"mabuti kung ganun baby"
Muling sagot ng dalaga

"pagdating natin sa airport later, si Joseph na maghahatid sayo sa condo mo okay?, siya mag dadrive for you, then saiyo muna itong kotse ko habang wala ako"
Usal ni Raj

"ako muna gagamit? Eh may kotse naman ako baby, tsaka paano si Joseph walang magagamit na sasakyan pauwi yun"
Sagot ng dalaga

"Don't worry about him, kaya na niya sarili niya and may iba pa kong kotse na pwede niyang magamit baby"
Sagot ng binata

"ah ganun ba, sige sabi mo eh"
Sambit ng dalaga

Payapa ang naging byahe nang magkasintahan,
Nakarating sila sa resto ni Roger ng matiwasay.

Naabutan na nila doon ang magkasintahang Hayley at David kasama na din ang alaga nilang si Shishi.

Sinalubong sila ng mga ito nang may malalapad na ngiti, nag beso ang magkaibigang Hayley at Cassandra.

Binati ni Roger si Cassandra at Raj.

"kumusta ang bakasyon sa Zambales love birds?"
Tanong ni Roger sa magkasintahan nang may malapad na ngiti

"Ayos naman bro, salamat din sayo sa mabilis na pag asikaso"
Sagot naman ni Raj

"For sure nag enjoy ang mga yan".
Sabad naman ni Hayley

"sheeeesh omsim!"
Usal ni Roger

Nagtinginan at ngumiti na lamang ang magkasintahang Raj at Cassandra.

Agad na inasikaso ni Roger ang mga bisita at pinaghandaan ng makakain.

Sumalo na din sa mesa si Roger.

"So bro, gaano ka katagal sa Germany? Alam naba ni tita Rachel and Cams na uuwi ka?"
Tanong ni Roger habang hawak ang bote ng alak

"mga 1 week lang bro, and hindi pa nila alam, kaya sana huwag mo na muna banggitin sakanila, si Dad lang kasi nagpa uwi sa akin ng biglaan, may kailangan lang akong ayusin"
Sagot ni Raj habang ngumunguya

"sino yung Cams?"
Tanong naman ni Cassandra

"Oh, si Cams, kababata ni Raj and assistant din ng mommy niya. I see bro, don't worry di nila malalaman"
Sagot ni Roger

"ah may kababata ka pala Raj"
Sabad naman ni Hayley habang ngumunguya

"ah yes, parang nakababatang kapatid ko na din yun, inampon na din kasi ni mommy"
Sagot ni Raj

"I See, sana ma meet namin siya ni Hayley"
Usal naman ni Cassandra

"Yeah soon.. Papakilala ko siya sainyo"
Sagot ni Raj

"cool! Masaya yan bonding tayo diba?!"
Sabad ni Roger

"Oh, is that an engagement ring?"
Tanong naman ni David na napansin ang suot na ring ni Cassandra

"Ahhh wow let me see!"
Sabad ni Hayley na excited

"ah no, it's not. Promised ring lang yan"
Sagot naman ni Cassandra

"soon engagement ring na"
Sabad naman ni Raj

"wow! Congratulations na agad Cassie and Raj!
Sabad naman ni Roger

"Mukhang maraming naganap sa beach ah"
Sagot ni Hayley na may panlokong ngiti

"Love, tumigil ka na, kumain ka nalang"
Saway naman ni David sa nobya

"yan, marites ka ng taon ah".
Sagot naman ni Cassandra at natawa

Nagtawanan sila habang kumakain.

Biglang nagpaalam muna si Roger dahil nag ring ang cp niya nagtungo muna sa office nito. Kausap ang isa niyang kaibigan.
Pagkatapos ng tawag ay hindi muna lumabas si Roger.

Naalala niya si Cassandra at ang promised ring na suot nito.

"so what?!"
Sambit nito sa sarili

Agad nitong tinipa ang cp at tinawagan si Camila.

Ibinalita agad ni Roger kay Camila na flight na ni Raj mamayang hapon papuntang Germany.

Gulat at natuwa si Camila sa narinig.

"what?! Really?! Can't wait to see him! Matutuwa din nito si Tita Rachel!"
Sagot ni Camila sa kabilang linya

"kaya sulitin mo habang nandiyan pa siya haha! Huwag mo nalang din sabihin na ako nagsabi sayo ha?! Yari ako dun! Hindi na surprise!"
Sagot naman ni Roger

"yeah sure! Okay na din yun na alam ko na! Para mapaghandaan. Ito talaga si Raj hilig sa surprise haha! Well, thank you dude"
Sagot naman ni Camila

Tinapos ni Roger ang tawag at lumabas ng office, bumalik ito sa mesa nila Raj.

Tapos na silang kumain at konting alak na lang din ang natitira.

Nagpasalamat sina Raj at Cassandra kay Roger, ganoon na din sina Hayley at David.

Nauna nang nagpaalam sina Raj, dahil babyahe pa sila ni Cassandra patungo sa airport. Baka kasi mahuli pa ito sa flight niya.

Naiwan sa resto ang magkasintahang Hayley at David, nakipag inuman na muna kay Roger.

"Have a safe flight Raj! See you soon"
Usal ni Hayley at nagbeso kay Raj

"See you soon bro! Ingat!"
Sabad ni David at tinapik ang balikat ni Raj

"Thanks guys! Ingat din kayo! Mabilis lang naman ang 1 week, bonding us again soon"
Sagot naman ni Raj

"Bro, Thank you! Babawi ako pagbalik ko"
Usal ni Raj kay Roger

"wala yun bro! Ingat ka don! See you"
Sagot naman ni Roger at niyakap ang kaibigan

"see you later guys, ihahatid ko lang muna si Raj"
Sabad ni Cassandra

"see you later sis, ingat ka"
Sagot ng kaibigang si Hayley

At nagpasalamat din kay Roger.

Lumabas ng resto ang magkasintahan at sumakay sa kotse. Binuhay ni Raj ang makina ng sasakyan at bumyahe na sila ni Cassandra patungo sa airport.




Losing Control (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon