Liam Pov:
Maaga akong nagising at katabi pa rin ang lalaking to na mahimbing ang tulog at talagang nakayakap pa saken ah ayus din to eh...
Tumayo na ako sa kama at nag unat unat at dumiretso na sa banyo para maligo dahil kagabi di ako nakapag hilamos sanay na ako sa malamig na tubig wala kaming heater di naman kami mayaman so sanay na ako...Pagkatapos ko ay dumiretso ako ng kusina weekend naman today so ako na magluluto ng almusal, tuyo, kamatis, itlog at pritong talong shempre fried rice para kumpleto ang sarap ng umaga nagtimpla na rin ako ng kape ni papa at ni xeron bwesita kasi siya eh so kailangan ding asikasuhin shempre ako din kape is life...
Nag aagahan na kami sabay pa silang nagising ni papa talaga..
"Oh anak hindi kaba gagala ngayon? -tanong ni papa""Hindi pa dito lang ako sa bahay tsaka wala naman akong pupuntahan eh so bakit aalis pa ko"
"Yan ka nanaman sa dito sa bahay eh kung samahan motong si xeron dito sa lugar natin ilibot mo siya sa falls -papa"
"Really tito may falls dito? -Xeron"
"Oo at iilan lang ang pumupunta don dahil tago pero ligtas naman don iho mag eenjoy ka tsaka mag dala kayo ng damit at pagkain kung sakaling gusto niyong pumunta don dahil mag eenjoy ka talaga-nakangiting kwento ni papa"
"Uhmm.. so can i go with liam po? -xeron"
"Oo naman wala namang ginagawa yang batang yan kundi mag basa ng mag basa matalino na naman na siya ewan ko ba di naman ako masipag mag aral dati-papa"
"Pa naman eh mas gusto kong nag babasa kaysa nasa labas nag gagala-reklamo ko"
"Ah basta liam samahan mo si xeron at don kayo mag enjoy wala ng kontra kontra pa at ako na ang bahala sa bahay aliwin mo din ang sarili mo anak hindi puro libro ang kaharap mo baka lumabo pa yang mata mo kakabasa basta ingatan mo nalang si xeron don-papa"
"Pa ako ba anak mo o siya bat siya pa yung iingatan"
"Shempre soon son-in-law ko yan kaya dapat ingatan mo o siya bilisan mo na at mag handa na kana ng dadalhin niyo-papa"
"Huh bat ako pa? "
"Malamang ala eh sige na at ikaw xeron kumain ka lang dyan paka busog ka-papa"
Wow naman ako yung anak dito eh son in law daw ay nako naman talga papa yung pinaka mayaman pa yung gusto mong maging boyfriend ko mahirap yan aist...
Natapos ang agahan namin at nagpahinga lang kami ng konti ni xeron at napag desisyonan kona pumunta na kami sa falls nag dala na ako ng bagpack lalagyan ng pagkain at damit eto namang kasama ko nakangiti lang kay papa ng todo wow kinareer yung pagiging son-in-law eh...
Naglalakad na kami ngayon medyu malayo lang yon kasi tago pero kaya naman lakarin..
"Hoy ikaw ano banh trip mo at natulog ka pa talaga sa bahay?wala kabang family bonding day tuwing weekend? "Tanong ko sakanya habang pababa na kami bundok kasi tong lugar namin...
"As I said i want to know you and also my family are out of town they are in England they have business there and also my brother and sister are with them"Sabi niya..
"Bakit kaba puro english dyan na nonose bleed ako kahit naiintindihan kita wag mo namang ituloytuloy english mo kahapon kapa tsaka mag ingat ka medyo matarik na sa part na to"Sabi ko sakanya medyo madulas din kasi umambon kaninang madaling araw basa ang lupa eh..
"Give me your hand I'll guide you"Sabi niya sabay lahad ng kamay..
Humawak nalang ako sakanya walang arte arte dito pre baka matapos ang buhay ko ng wala sa oras at mag bye bye land ako di pa nga sure kung heaven ang punta ko...
Sa 6 na minutong pag lalakad namin ay nakarating na kami sa falls napaka ganda talaga dito may malalaking bato tapos ang lakas ng agos ng tubig mula sa taas fresh pa.. Hindi to napupuntahan ng mga tourists dahil tago talaga ang lugar na ito mga taga bayan lang ang nakakaalam dahil pinangangalagaan namin ang lugat na ito...
"Maliligo kanba? "tanong ko sakanya pero nakatingin lang siya sa falls para bang namamangha..
"Hoy xeron!"Tawag ko sakanya na siyang nagpagising sa diwa niya..
"Oh im sorry im just amazed it's so beautiful here and im glad im with you"Sabi niya pa..
"Alam mo ang weird mo talaga first time lang kitang nakita parang kilalang kilala moko sabihin mo nga dati kabang manghuhula? "
"No,Its a secret i can't tell you so wanna go and have fun here? "Tanong niya sakin..
"Do i have a choice im already here so I'll enjoy it for a moment"Sabi ko naman kitams pati ako napapa english na dahil sa lalaking to nako talaga naman.
Naligo na kami sa falls at talagang nakaka relax tapos tong isa naman nangungulit panay ba naman hampas sa tubig kaya napupunta sa mukha ko lahat ng tubig nakakainom na ako.. parang mabubusog ako sa tubig ah..
"Ikaw na lalaki ka nang aasar ka nalang eh.. eto sayo"Sabi ko sabay hampas din ng tubig kaya tumalsik din sakanya so ayun nag laro nalang kaming dalawa dito na parang bata..
Unknown Pov:
"Masaya na sila ngayon bakit kailangan mo pa silang bigyan ng pag subok? hindi paba sapat ang lahat ng pinag daanan nila sa lima nilang buhay? "Tanong ng aking kasama..
"Sapat na iyon ngunit gusto ko ulit silang subukin sa pagkakataong ito hindi na ito tulad ng nakaraan nilang mga buhay nais ko lamang makita kung hanggang ngayon ba ay matatag pa rin ang pulang sinulid na naka ugnay sakanilang dalawa"
"Hayts bakit kailangan pa ng paghihirap ulit tama na siguro ang kanilang pinagdaanan"Sabi niya pa kaya hinarap ko siya..
"Sa pag-ibig maraming problema kailangan muna nilang harapin yon para mas lalong tumibay ang pag sasamahan nila kung sa buhay nilang ito ay hindi ko sila bibigyan ng problema paano nila mapapatag ang pag-ibig na kanilang bubuoin sabihin mo sakin!? "
"Hay ang nais ko lamang sabihin wag mo na silang bigyan ng tadhanang kay sakit na mapagpapahiwalay sakanila kundi sa estado or kapalaran minsan naman kamatayan ang ibinibigay mo"Dagdag niya..
"Hindi mo naiintindihan hindi ako ang nagbibigay non sakanila sila ang pumipili nagbibigay lamang ako ng problema na dapat malutas at malagpasan nila ngunit mabilis silang sumusuko kaya ngayon nais ko ulit malaman kung matatag naba dahil sa lahat ng kanilang pinag daanan sa kanilang mga nakaraang buhay naiintindiham mo ba ako? kung hindi lumayas ka sa templo ko panay ka nalang kontra sa decisyon ko naiinis lang ako sayo"Gigil kong sabi sakanya kanina pa to eh...
"Oo na ikaw na tama maka alis na nga at may babantayan pa akong nag iibigan at malala na ang mga tama"Sabi niya sabay alis..
Napailing na lamang ako storbohin ba naman ako dito..pero sana ito ang last nilang buhay nahihirapan na akong bigyan sila ng matiwasay at matatag na pagmamahalan eh.. pero eto na talaga please naman talaga gusto ko na silang maging masaya sa isat isa ayoko nang mag pahirap pa..
❗⚠️SORRY FOR THE WRONG GRAMMARS AND TYPOS ⚠️❗
BINABASA MO ANG
I Love You From The Sky (BxB)
RomantikLiam is a boy who has a simple life and never expects anything from people he is a softhearted person. Xeron is a popular guy,handsome,rich, and smart, even though he never focuses on school but is still at the top.