CHAPTER:16-PRESENTATION SUCCESS

79 2 0
                                    

Liam Pov:

It's monday gumising ako ng maaga at katabi ko pa rin si xeron sa higaan ayaw na niyang humiwalay sakin biruin niyo ba naman ang gwapong lalaking to nililigawan ang isang lalaking katulad ko na may simpleng buhay lang na sapat na ng nakakain ng tatlong beses sa isang araw.
Dahan dahan akong umalis sa kama para pumasok sa cr at maligo well nakahanda na kagabi pa ang uniform namin ni xeron so nag buhis na ako kaagad maaga pa pero gising na ako early bird kasi ako ayaw na ayaw kong nalalate, napatingin ako sa sarili ko sa salamin napapansin ko nag iiba na ang itsura ko wala naman akong salamin kasi hindi naman malabo ang mata ko may mga pimples lang ako pero ngayon konti nalang sila, kumikinis na ang mukha ko panong nangyari yon wala naman akong ginagawa sa face ko well ang pogi ko na ay nako liam mahangin manigil ka nerd and ugly ka pa rin sa paningin ng iba kaya gotta go na me..

Well 6:24 am palang naman at ang pasok namin ay 8:00 so sobrang aga ko talagang gumising.
Tinignan ko si xeron na mahimbing pa rin ang tulog hindi ko alam kung gigisingin ko ba or hahayaan ko nalang siya..Napakamot naman ako sa ulo ko, nilapitan ko siya at niyugyog ng bahagya at ginising.
''Xeron maligo kana monday ngayon''gising ko naman sakanya.
''Hmmm...ang aga pa love I want to sleep more''sabi naman niya..
Napabuntong hininga naman ako at umalis sa tabi niya hayaan ko na muna siyang matulog maaga pa nga naman bakit kasi ginigising mo self...

Bumaba na ako at pumunta ng kusina at nakita ko don si tita diana at papa na nagkakape pati narin pala si tito sen mukang nagising na sila mula sa hang over kahapon na buong araw silang tulog na dalawa hay nako..
''Good morning papa and tito,tita''bati ko sakanila.
''Oh good morning, buti at maaga kang nagising liam, so tulog pa si xeron noh napaka tamad talagang gumising ng batang iyon''Sabi naman ni tita diana.
Natawa naman ako.
''Nako tita hayaan niyo na po si xeron maaga pa naman po 8:00 pa ang pasok namin''sabi ko naman.
''Oh speaking of pasok sasabay na kayo kay senov papasok okay lang ba?''tanong ni tita diana

Napa ubo naman ako sa kotse ng principal tas papasok sa school ma chi-chismis ako non emif ever na mangyari yon.
''Nako po tita diana wag na po tsaka po principal si tito senov sa school siguradong pag chi-chismisan po ako sa school at nakakahiya din po''Sagot ko naman kay tita diana
''No worries, my dear, it's okay kay xeron ka nalang sumabay kung ayaw mo pa rin baka ipahatid kita gamit ang chopper gusto mo ba yon?''Banta sakin ni tita diana shempre natakot kaya umiling ako.
Sinong matinong tao mag papahatid sa chopper sa school aber ayokong maranasan yon, naiimagine ko palang gusto ko ng mag tago sa hiya.

7:30 na at narinig ko na ang pagbaba ni xeron kanina pa ako dito sa sala nag babasa ng aklat I mean dictionary marami sila nito dito sa bookshelves so napag tripan kong basahin.
''Good morning love''Bati naman sakin ni xeron.
''Ikaw namimihasa kana sa love na yan mag breakfast kana don at papasok pa tayo and Goodmorning too sabi ko sakanya at bumalik ulit sa pagbabasa.
Pero bago siya umalis ay narinig ko pa ang tawa niya kay agang baliw si xeron.

(~TIME SKIP~)

Nakarating kami sa school ng 7:48 am at medyo wala pang studyante at buti nalang talaga kasi si xeron nag park sa mismong harap ng school nakakagigil siya sarap ng batukan aytss at ngayon  nakasunod lang siya sakin.
Napapansin ko sa sarili ko nagiging comportable na akong kasama si xeron, and having him by my side makes me feel eased.

Nasa room na kami at dala pala ni xeron yung project namin at dala ko naman ay laptop kasi nandito ang presentation namin sana talaga maging maayos ang presentation namin dahil pinag hirapan naming dalawa to kahapon kahit nag rush kami ng medyo..

Ngayon ay presentation na namin at turn na namin ni xeron dahil tapos na ang lahat at nandito ang principal pati na rin si prof.
Tumayo naman kaming dalawa ni xeron sa harap at pinaliwanag na namin ang lampshade at ang bracelet na ginawa namin na pwedeng i track ang heart beat ng isang taong may kapareho ng bracelet they can track each other heart beat kaya trinay namin ni xeron nung umpisa ay malayo kami sa isat isa at normal lang pero nagulat ako ng lumapit siya at hinawakan ako sa bewang biglang tumunog ng malakas ang mga bracelet naming dalawa at kasabay ang hiyawan ng mga kaklase namin..
Napalayo naman ako kay xeron sa hiya at kilig at tinago ko yon.

At natapos ang presentation, and it's a big success hindi nasayang ang pagod namint dalawa at masayang masaya na ako don my ghadd. At dahil successful ang presentation namin at pati na rin kila alia ay ililibre niya kami oh diba haha...kaya kay alia ako malakas manlibre yan kaso sa tusok tusok lang baliw din eh natutunan niya sakin to eh haha kaya I'm proud..

''Alam niyo kayong dalawa i smell something fishy sainyo sabihin niyo nga sakin kayo na ba?''tanong niya samin ni xeron habang ngumunguya siya ng kwek kwek.
Bastos din talaa ang babaeng to mayaman ba talaga to hindi siya asal mayaman eh jusko alia..
''We're dating''maikling sagot naman ni xeron.
Nagulat naman ako ng biglang mag titili ang babaeng to sa daanan kaya napapatingin sakanya ang mga taong dumadaan baliw talaga ang babaeng to certified baliw..
''Grabe naman ang long hair ng beshy ko pero pano na si vax kawawi talaga ang manok kong yon alam mo namang gaano katagal na siyang nanliligaw sayo at ayaw mo naman sakanya''Sabi naman ni alia.

Oo nga pala si vax hindi paba siya umuiwi?.
''Alia you know naman hindi ko naman talaga gusto si vax simulat sapul, kaibigan lang talaga ang kaya konh ibigay sakanya at hindi paba siya umuuwi?''tanong ko sakanya.
''Yun na nga hindi pa busy pa siya don eh kaya next week pa siya makakauwi at buti nalang natapos ko project namin tinulungan naman niya ako don kaya nilagay ko na name niya at may excuse naman din siya sa prof so approved naman''Sabi naman niya.
Napatango tango naman ako kaya pala.
Pumasok na ulit kami dahil tapos na ang lunch and may subject pa ako ng hapon at sila alia at xeron wala na kaya dali dali akong pumasok na baka malate ako sa last sub ko.
Habang nag mamadali ako ay may nabunggo ako na ayaw na ayaw kong makita, heto nanaman tayo sa trouble...

A/N:Sino naman kaya iyon!? Hmm..

I Love You From The Sky (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon