CHAPTER:9-Past

104 2 0
                                    

Liam Pov:

Kitang kita ko ang taong bayan na pasugod sa aming tahanan ng aking nobyo, ako'y natakot kung kayat dali-dali ko siyang pinuntahan sa likod ng aming bahay na nagsisibak ng kahoy.
''Mahal ko ang taong bayan ay nandito at may dala silang mga sulo at mga itak''Natataranta kong turan sa aking nobyo.
Mabilis niyang itinigil ang kanyang ginagawa at lumapit sakin at hinagkan ako.
''Aking mahal wag kang mataranta ako na muna ang haharap sakanila, wag kang lumuha mahal ko manatili ka rito''Sabi sa akin ng aking nobyo at sinunod ko ang kanyang bilin.

Naririnig ko ang pakikipag talo ni yugo sa labas ng aming tahanan.
''Ano ba ang inyong kailangan at kung makasugod kayo rito ay akala mo may nagawa kaming kasalanan!''Nagagalit na sigaw ni yugo sakanila.
''Yugo bakit ka umibig sa kapwa mo kasarian, lalo pat ang ama mo ay may mataas na tungkulin pinapasundo ka niya saamin kung hindi ay kami na mismo ang tatapos sa buhay ng binatang iyong tinatago dyan sa tahanang iyan para matapos na ang iyong kahibangan''Sabi ng isa sakanila napaupo na lanag ako sa sahig ganon na lamang ba kasama ang magmahal bakit bawal na bawal ba iyon wala naman kaming masamang ginagawa.
''Wag na wag niyo akong subukan bartolome wag na wag niyong gagalawin si gana kundi ako ang makakalaban niyo''Galit na sabi ni yugo.

''Kung ganoon ay wala kaming magagawa hosme puntahan niyo''Sabi ni bartolome.
Sinunod naman kaagad yon ng tauhan ni bartolome at ako naman ay nag hanap ng pagtataguan ngunit huli na ang lahat hinawakan nila ako sa magkabila kong braso at binitbit nila ako palabas, nakita ko si yugo na pinipigilan din ng taong bayan na lumapit.
Pinaluhod nila ako at may nilabas na spada ang isa nilang kasama at itinutok iyon sa akin.
''Mamili ka yugo ang buhay ng iyong nobyo o ang sumama ka saamin''sabi ni bartolo me kay yugo.
''Kahit piliin kong sumama sainyo papatayin niyo pa ang aking nobyo kaya ito ang sagot sainyo''sabi ni yugo at hinugot ang spada ng isa sa mga nakahawak sakanya at pinag papaslang silang lahat at gayun din ang mga nakahawak sakin.

Itinayo ako ni yugo at tumakbo kami palayo at pumunta sa may gubat..ngunit ang dulo para non ay bangin itinago ako ni yugo sakanyang likoran.
''Mahal ko tama na ang paglaban sumama kana sakanila ayokong pati ikaw ay madamay''sambit ko kay yugo.
Tumingin siya sakin at pinunasan ang aking mga luha.
''Mahal ko hindi ko yan makakayang gawin ang mawala ka sakin ang pinaka masamang desisyon sa aking buhay kung mawawala ka ako'y sasama sayo hanggang kamatayan''Naluluhang sambit niya sakin..

Nakita ko sakanyang likurang ang mga palasong paparating sakanyang likod kung kaya ako ang humarang at tinaggap ang mga palasong iyon at unti-unti akong bumagsak sa lupa.
''M-mahal ko''huli kong sambit sakanya at...

Napabalikwas naman ako,anong klaseng panaginip yon?shit, dali dali akong tumayo sa higaan ko at kumuha ng tubig ramdam ko ang basa kong pisnge.
Panaginip ba yon? Bakit parang totoo at masakit ang dibdib ko hindi ko maintindihan anong klase yon..
Napatingin ako sa orasan at 6 na nang gabi mukang napahaba ang tulog ko.
Sinilip ko naman si papa sa kwarto niya at tulog pa.
Kaya nag luto na ako ng dinner namin para makainom si papa ng gamot niya.

Nang matapos ako ay hinanda ko na sa lamesa at ginising si papa.
''Pa kakain na tayo halika na''gising ko kay papa..
Nagising naman siya at inalalayan ko siyang tumayo.
''Anong problema anak bakit parang ang tamlay mo?''Tanong ni papa nung nakaupo na siya.
''Pa hindi ako matamlay guni guni mo lang yan tsaka kumain kana para makainom ka ng gamot.''Sabi ko sakanya.
''Nag away ba kayo ni xeron?''tanong ni papa, napatahimik naman ako saglit at iniba nalamang ang topic namin.

''Pa kumain kana dyan eto sinigang magandang humigop ka ng sabaw''Sabi ko kay papa.
Napabuntong hininga naman si papa at seryosong tumingin sakin.
''Anak nag mamagandang loob lang si xeron wala naman siyang masamang intension satin lalo na sayo, alam mo ba na ikaw lagi ang bukambibig ng binatang iyon kahit pa ingles ng ingles ay naiitindihan ko naman anak ko wag ka namang mag paka sasa sa pag-aaral at mga responsibilidad mo unahin mo naman minsan ang kaligayahan mo kaya nga gusto kong mag ka boyfriend ka para naman kahit papaano may sigla ka''Sabi sakin ni papa.

''Pa naman ikaw nga sapat lang sakin napapasaya mo naman ako eh''Sabi ko naman sakanya.
''Wag mo nang gamitin ang mga salitang yan sakin kung ako sapat na sayo pero ako hindi gusto kong makita ang kaisa isa kong anak na masaya sa piling ng taong mahal niya, gusto kong makita yung mga totoo mong ngiti anak alam kong hanggang ngayon nalulungkot ka parin sa pag kawala ng nanay mo pero sana isipin mo rin ang sarili mo''Sabi ni papa sakin.
Napayuko naman ako at napatahimik, tama si papa hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin si mama at namimiss.
''Anak sana maintindihan mo si papa ha gusto lang kitang makitang maging masaya kaso wag babae ha gusto ko lalaki, son-in-law ang nais ko oh siya tapos na akong kumain at nakainom na ako ng gamot babalik na ako sa kwarto at kaya ko naman na kumain kana riyan at pagisipan mo ang mga sinabi ko sayo.''Sabi ni papa at tumayo siya pumunta sa kwarto niya.
Napabuntong hininga naman ako haytss nako naman ang daming pumapasok sa utak ko naguguluhan ako arghh...

Kumain nalang ako at hindi ko na muna inisip ang mga bagay na yon baka lalo lang ako ma stress nakakainis kasi isa pa yong panaginip na yon na akala mo totoo at yung yugo na yon medyo blurred pa ang mukha sa panaginip ko sino ba sila gana at yugo? Bakit napanaginipan ko sila at para bang nandon ako mismo sa pangyayaring yon pati ang pana ay damang dama ko sa katawan ko, baliw na ata ako eh.
Natapos akong kumain at niligpit na ang mga pinagkainan namin at pumunta ako sa sala para ayusin ang gamit ko pang school magsusulat ako ngayon ng mga lectures na namissed ko sinend naman na din sakin ni alia at bukas ay papasok na ako sa  university haytss...

A/N:Ohh yun pala yung nakaraan nila yugo at gana...

I Love You From The Sky (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon