Chapter 18

2 3 0
                                    

Markuz POV

Napatingin ako sa relo ko nang it's already 5:39 pm na. Well, pagkatapos ang nangyari dun sa beach ay nakita pala ni Cassie yun kaya todo kantyaw niya kanina.

Hay... buti sana eh kung kantyaw pero ichinismis pa sa iba pa naming pinsan at mas lalo na tuloy pinag-iisahan ako.

"Ganyan na ba ang suot mo Chairman?" napaangat ang tingin ko sa kanya nang nakasuot na siya ng komportableng damit kaya okay na yun sa akin.

I'm now wearing maluwag na t-shirt na kulay puti at tsaka shorts at tsinelas dahil nasa resort kami.

"Ano ba ang gusto mong isuot ko huh?" salubong ang kilay na wika ko sa kanya.

Tumawa pa siya ng mahina -_-

"Wala naman." she replied then tingin sa relo niya "Malapit na palang mag-6 kaya kailangan na nating pumunta sa venue." she added.

Wala naman akong magagawa kundi tumayo na at napamulsa. Nauna akong lumabas ng kwarto bago siya. Tahimik naman kaming lumabas ng beach house nang nakasalubong namin si Trevor at mukhang katatapos niya lang sa pagtawag sa phone.

"Trevor." sabi ko sa kanya na ikinalingon niya. Ngayon ko lang siyang nakita ah? Saan ba to nagpunta at ngayon lang?

"Oh, ikaw pala Markuz." he replied.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya pero umiling siya.

"Ah...eh...Di kasi sinasagot ni Agatha ang tawag ko eh." he added then try dial her number again. I sigh.

Alam ko na ang issue nilang dalawa. Ako lang ang nakakaalam nito kaya nakikiusap siya na huwag kong sabihin kina Tita ang tungkol dun.

Kaya pumayag ako.

Nanatili kaming nakatayo sa harap niya pero after ng ilang segundo ay nakita kong ibinaba na naman niya ang kamay meaning di niya sinasagot ni Agatha ang tawag niya.

"Trevor..." sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng may lungkot then tumingin siya kay Ms. Edwards.

"Di ko pala alam na may girlfriend ka na Markuz." wika niya habang nakatingin kay Allesandra.

Tumawa naman ng mahina ang sekretarya ko na agad ko namang pinandilatan.

"Trevor, she's not my girlfriend..." sabi ko sa kanya.

"Kung ganun asawa?" he ask.

"Haist! Di rin."inis na wika ko sa kanya kaya nagtataka siyang tinignan ako.

"Eh ano?" he ask.

"I'm his secretary." singit niya sa usapan namin "I'm Allesandra Edwards." she added.

"Oh? Sana sinabi mo ng maaga Markuz, yan tuloy." wika niya sa akin. Tsk! Ang daldal kasi di ako makasingit.

Napailing na lang ako sa kanya.

Tumunog naman ang phone niya at kita ko ang saya sa kanyang mukha. Tumingin siya sa amin.

"Mauna na kayo sa venue. Sasagutin ko lang tong tawag. Excuse me." he said then umalis to answer his call.

"Maganda ang guess niya ah..." nakangising wika niya kaya sinamaan ko siya nang tingin.

"You're too assuming." sabi ko sa kanya "Tara na." then naunang naglakad.

Narinig ko lang siyang tumawa ng mahina kaya umigting ang panga ko. Talagang niloloko niya ako eh...

***

"Oh! Markuz! Allesandra nandito na kayo!" masayang wika ni Tita Sasha sa amin ng nakarating kami ng venue kung saan gaganapin ang susunod na bonding namin.

"Good evening." sabi ko sa kanila. Madilim na kasi ang paligid at tanging ilaw lang ang nabibigay liwanag sa buong lugar.

"Uy, sabay pa sila..." mabilis na lumipat ang tingin ko kay Cassie then glare at her. Tumawa siya ng malakas.

"Cassie, huwag mo ngang pikunin ang pinsan mo." sita naman ni Tita Sasha. Tumango naman siya but still nandun pa din yung pilyong ngiti at tingin niya sa amin.

Ggrr! Isa pa to.

"Hello mga kapatids and such! I am here!" masayang wika ng isang lalake na kararating sa venue nang it was Tito na galing sa trabaho niya. Natawa ako dun sa sinabi niya ah.

"Nandito na si Tito Zigar." masayang wika ni Cassie then lumapit sa kanya. Alam ko na ang pakay ni Cassie..

Hihingi siya ng bagong modelo na kotse sa kanya. Spoiled brat talaga...

Tatlong magkakapatid sina Papa. Well, panganay si Papa next si Tito Zigar at ang pangatlo ay si Tito Cesar.

Malungkot nga eh dahil wala si Papa at mama dito.

"Batang yun talaga." iling na wika ni Tita Sasha then tingin kay Allesandra na nasa tabi ko.

"Ahm, Allesandra?"

"Yes po?" tugon niya.

"Pwede bang tulungan mo kami ng Tita Ashley mo sa paghanda ng mga pagkain mamaya?" wika niya kaya tumingin ako sa kanya. Kita kong ngumiti siya ng matamis.

"Okay, saan po ba Tita?" tanong niya then iniwan ako. Di man lang niya ako sinabihan ng kung ano...

Teke lang, kailangan pa ba yun? Tsk! Basta!

"Markuz." lumingon ako ng si Trevor na papalapit sa akin. Humarap ako sa kanya.

"So, pumayag ba siya sa pagpunta dito?" tanong ko sa kanya. I'm referring to Agatha na six months niyang asawa pero wala namang pagmamahalang nagaganap.

"Ah! Oo, pupunta siya dito pero malalate lang siya dahil medyo matraffic daw sa daan." tugon niya. Hay, kailan ka pa kaya susuko sa walang pag-ibig na natatanggap?

"Ganun ba? Naintindihan ko naman." sabi ko then tingin sa mga pinsan namin at mga iba pa naming relatives na dumalo sa family reunion. Ang iba pa ay sinama nila ang mga friends nila and such pero okay naman yun sa amin, wala naman yun problema sa amin eh.

"Yo! You two there!" sabay kaming lumingon sa nagsalita nang si Alesha na naglalakad papalapit sa amin.

Kapatid ni Trevor. Alesha is a psychiatrist kaya siya ang naging doctor ko nang di ko pa gaano nakokontrol ang PTSD na nakuha ko pero kahit papaano ay malaki ang naitulong niya.

"Ate." wika ni Trevor nang inakbayan kami pareho ni Alesha.

"Miss ko na kayo ah..lalo na sayo Markuz." she said then tingin sa akin "Ilang days ka nang di bumibisita sa hospital. Mukhang okay ka na." she added. Tumango naman ako.

"Ayos naman ako kahit papaano." tugon ko "Salamat sayo." pagpapasalamat ko sa kanya.

"No problem. Basta kung medyo di ka okay ay free kang pumunta ng hospital. Okay ba?" she said then wink. Tumawa ako ng mahina.

"Yeah." sagot ko. Pareho niyang ginulo ang buhok namin ni Trevor.

"Yan ang gusto ko sa inyo eh." natatawang wika niya sa amin. Nang nakita niya sina Cassie at Tito Zigar na may ginagawa ay inalis niya ang pagkakaakbay niya sa amin ni Trevor.

"Mukhang may ginagawa ang dalawang yun huh?" ngising wika ni Alesha.

"Yeah, humihingi na naman si Cassie kay Tito." wika ni Trevor.

She clap her hands once "Perfect!" nakangiting wika niya. Alan ko na naman ang pakay din ng isang to.

"I leave you two here. Pupunta ako dun." tumango kaming pareho then iniwan kami.

"Ang bait kasi ni Dad kaya ayan laging humihingi ng dalawa ng kung ano. Baka mamaya niyan ay baka bahay ang hihingiin ni Ate." natatawang wika ni Trevor.

"Parang ganun nga." tugon ko.

"Markuz, is that you?" natigilan kaming pareho ni Trevor ng may nagsalita sa likuran namin. Paglingon namin ay sumalubong sa amin ang nakangiting babae.

Bakit siya nandito?

______

@pentowrite

Velvundo Series #1: The Billionaire's Mafia SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon